chapter 4

175 3 0
                                    

Ink's POV.



*Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano

Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba

Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan

Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Nagising na lang ako bigla ng maalimpungatan ako dahil na rin sa kantang nagpeplay sa tenga ko . WOHHHMMM ( hikab* ) nakatulog pala ako dito sa may ilalim ng puno sa may garden , at naiwan ko pang naka-on ang cellphone kong nagpeplay ng mga kanta . Kaya pala parang pati sa panaginip ko may kantahan , un pala dahil sa nakaearphone pa rin ako .

*Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba.

Ang war freak naman ata ng karelasyon ng kumata nitong kantang to . Masyadong martir? Di ba di na un uso? Bakit - Teka? Warfreak ? - Warfreak ba kamo ?

" parang si Niss ? " Bigla kong nasambit ang katagang un sabay tanggal ko agad ng earphone sa tenga ko . Tss, anu ba yan . Badtrip, bakit ko naman naisip bigla ang babaeng un? Hays, kinukulam na ata ako nun . 

Agad na akong tumayo at tumingin sa orasan . Hays, ang tagal naman kasi ng 2:00 eh . Natapos na akong kumain at nakatulog na rin ako , pero 12:50 pa lang . Sa tingin ko maglalakad lakad na lang ako para pampalipas oras.

Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko si Nath . Ang isa sa mga bago kong kakilala dito sa university . Well, dalawang linggo na rin kasi akong nag aaral dito sa universityng to . And hindi ko akalaing marami na agad akong kilala samantalang noon ay wala akong makausap . Wew, buti na lang ngaun meron na! Muntik muntikan na akong mabaliw ^_^

" San punta mo? sama ako! Mababaliw na ako kakaikot sa university eh tinatamad naman akong pumunta kung saan , lalo na't wala akong kasama ! " Ang sabi ko habang nakaakbay sakin si Nath na nakapamulsa ang isang kamay .

" Mambababae sana ako tol, kaso nga lang sasama ka eh! Kaya wag na lang, for sure ikaw mapapansin ng mga babae . Maisasantabi ang kagwapuhan kong to pag nagkataon . " Ang loloko lokong sabi ni Nath na nag suot na ng earphone . Ang lalaking to talaga, makapambabae parang walang bukas .

" baliw ka talaga , tol! bumili na nga lang tayo. Nauhaw ako bigla " Ang sabi ko habang nakapamulsang papunta sa canteen .

Niss's POV.

" akala mo kung sino ka ! nagsorry naman ako , makaduro ka parang pinapakain mo ko . " Ang sabi ko habang nakapamewang na humarap sa babaeng natapunan ko ng softdrinks . Well, ang malas kasi ng araw kong to eh . 

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon