Niss's POV.
" halatang bitter! " Ang sabi ni Cess habang nakatambay sa may hagdan papuntang gym, kinuwento ko sa kanya ung nangyari kanina sa room at yan nga ang naging reaksyon nya . Tumambay muna kami rito dahil 3 oras pa bago ako pumunta sa susunod kong subj . And sya naman ay 2 oras lang ang vacant . Nakakayamot lang diba? Ako tatlong oras na vacant tas sya dalawa lang , so isang oras akong tulalado mag isa dito? -.-" tss, di pa ginawang 3 hours din ung sa kanya para di ako maiwan dito ng isang oras eh .
" excuse me! di ako bitter , amaBETTER! " ang sabi ko with matching flip pa ng hair para mas bongga . Eh sa hindi naman talaga ako bitter e .
" youralayer! " Ang natatawa naman nyang sabi kaya binatukan ko nga . Kulit din nito e, hindi nga ako bitter eh! HINDI , NO , NOT ! NAH . period
" Hindi ako bitter ok? ayoko lang na isipin nya na pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa nya ay tatratuhin ko pa rin sya ng tama na parang waley lang nangyari . Aba! sinuswerte naman yata ang baklang froglets na un . " Ang sabi ko sabay cross ng arms . Ung panget na un kasi akala mo kung sino . Ipakain ko sya sa dinosaurs eh !
" what do you mean dun sa litanya mong ' pagkatapos ng lahat lahat ng ginawa nya ' ? uyyy!! nasasaktan pa rin sya . " Ang ngingisi ngising sabi ni Cess na pinipindot pindot ang pisngi ko . Parang tungaw tong bestfriend ko -.-" AKO RAW!! AKO RAW NASASAKTAN PA? mukha nya !
" tigilan mo nga ko, sasapakin na kita eh . Alam mo my dear bestfriend , mali lang ang pagkakaintindi mo . " Ang sabi ko sabay akbay at tapik tapik sa balikat nya . Pasalamat ang isang to bestfriend ko sya , kundi aynakow!
" mali ang pagkakaintindi ko? o hindi dapat un ang sasabihin mo para pagtakpan ang tunay na gusto mong sabihin . " Bigla naman akong napataas ng kilay sa sinabi nya . EH? di ko sya gets .
" whateba Cess . " Ang sabi ko sabay nagpanumbaba ako at tumingin na lang sa malayo . Naguguluhan ako sa sinabi ni Cess pero ayoko na intindihin . Well, baka sumakit pa utak ko dahil magulo din mag explain ang isang to .
HAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY ( deep ! I MEAN SUPER DEEP SIGH * ) Bakit pa kasi sya dito nag aral eh . I hate him talaga, hindi nya talaga ako tinitigilan kahit college na kami . Well, I know naman na kasalanan ko din kasi pinapatulan ko ang isang tulad nyang mukhang hipon na malnorish . Eh alam naman nyang di ako papatalo sa mga umaapi sakin eh , tas sya todo makapang asar pa . Ihampas ko buong earth sa kanya eh ~.~
Atsaka, akala ko talaga mawawala na sya sa paningin ko . Un nga lang sadyang bwiset sya dahil dito sya nag enroll , tss dami daming university eh! palibhasa di sya katanggap tanggap na nilalang dun kaya no choice sya . Lecheng yan , magiging miserable tuloy college life ko -.-" how sad .
" bestfriend, 1:35 na ! i need to go , at ikaw ay magpakasaya na sa paglalakbay ng iyong mind sa awterspace ! ;) " Ang sabi ni Cess sabay beso beso sakin .
" osya sige! pang aasar kasi sched natin eh! anyway, sabay tayo sa pag uwi huh . I'll wait here " Ang sabi ko sabay nod naman nya habang paakyat na sa room nya .
Ayan, boring na naman! Mag isa na naman ako dito . Anyway, makapaglakad lakad nga ,nakakangalay umupo no .
Ink's POV.
Bakit ba nagtitinginan mga babae sakin dito? Hala? May dumi ba ko sa mukha? Tss, anyway Alam ko namang gwapo ko ^.~ , pero isa lang naman ang napapangitan sakin e . Kilala nyu ba kung sino? Siya lang naman si EUNICE MI YUO . Or mas kilala bilang Niss , na kontrabida ng buhay ko . Hays, lage kasi akong inaaway nun dahil akala nya sya lagi ang bida . Feelingera un .
Andito nga pala ako sa may gym habang nagsosoundtrip na nakaupo sa sulok . Well , hindi kasi ako ganun kafriendlyng lalaki . Minsan lang din ako makibarkada lalo na't 2nd day pa lang naman , kaya marami pa akong araw na pedeng gugulin para makisalamuha sa mga bago kong schoolmate . I always think that college life is exciting, but I think its more exciting dahil kay Niss .
Ewan ko ba? pero di ko rin alam kung bakit ko naisipang sundan sya sa universityng to . But I think dahil un sa gusto ko syang asar asarin at inisin ^_^V Hindi po ako bad guy , pero hilig kong mang asar lalo na sa mga pikong katulad nya . Napakapikunin kasi nya , and super warfreak ang babaeng un, kaya alam na alam kong hindi nya ako babalewalain pag inaasar ko sya . And I think magiging boring ang college ko pag wala ang isang tulad nyang pikon . Patok kasi sa kanya ung mga pang asar lines ko eh ^.~
Well, lahat naman kasi pedeng iasar sa kanya eh . Yung paglakad nyang walang kapoise poise , kaya ang sarap nyang tapilukin eh , baka sakaling umayos sya ng lakad . Tas ung pagsusuot nya ng damit na akala mo ang ganda ganda nya, eh ang jologs naman . I also hate the way she speak, para kasing hindi sya babae . Kung makatalak un parang nasa palengke . Nakakairita talaga .
Ganun naman sya since 2nd year pa . Or I must say na since birth ata ganun na sya? Kaso di ko naman sya kilala nung bata pa sya , kaya ewan ko? Sa tingin ko ganun na un eh . Di ko nga alam kung bakit ko sinagot un e, este! kung bakit ko pala un niligawan hihi ^_^ I dont know? ginayuma ata ako .
BUT! Anyway, PAST IS PAST ;) move on na ko nuh! Siya lang ata tong di pa eh, BITTER PO KASI ANG EX KO .
BINABASA MO ANG
my BITTER EX .
Fiksi RemajaTungkol ito sa mag EX na ampalayang hilaw sa isa't isa . I mean Bitter sila . Isang babaeng , warfreak at walang inuurungan . Lalo na ang ex boyfriend nya na kinaiinisan nya . She didnt notice that she act too much, dahil lagi na lang syang naiinis...