chapter 23

67 3 1
                                    

Niss's POV

" AH TALAGA?! HAHAHA NANIWALA NAMAN SYA? GRABE HUH! Ang galing mo talaga Cess! Akalain mo yun? napaniwala mo si Niss na aalis na ko? wow! ganun ka ba kauto-uto Niss? HAHAHA " Di na talaga ako nakapagpigil at binato ko na talaga yung sapatos ko sa HINAYUPAK NA WALANGHIYANG SI INK! LECHE! Ayun! SAPUL SYA SA ULO!! akala nya huh!! makapang-asar huh! MALAY KO BANG INUUTO NA PALA AKO NI CESS? Buong akala ko pa man din mawawalan na ko ng dahilan para mainis at magalit. Naku naman oh -_-

And the best author goes to .. tatananan .. CESS !! -__- leche! napaniwala nya talaga ako.

" ANG SAKIT HUH! YAK! Ang baho pa!! " Hinagis nya palayo yung sapatos ko at nag-inarte na para bang ang baho talaga ng sapatos ko -_- AS IF NAMAN! Hindi naman kaya mabaho , arte arte nya tss .. ayan tuloy nagpakahirap pa akong pumunta sa pinagbatuhan nya ng sapatos ko. Para tuloy akong tanga na iika-ika . Yung isa kong paa kasi ay may sapatos, yung isa wala -_- kamusta naman yun?

Kinuha ko na yung sapatos ko at aalis na sana kaso may nakabangga sakin. Ano ba yan?! Ganito ba kasikip ang university na to para mabangga pa ako?! kakaasar huh!

" ay sorry Niss, akala ko didiretso ka e :) " Ay? feeling close naman tong isang to. Tss, TEKA?! GF TO NI INK AH?! SI MINT?! Teka, bakit nga pala hindi ko na sila nakikitang magkasama? Cool off ba sila? May LQ? Break na? agad?! Teka .. ano nga bang pake ko sa kanila ? Tss. NEVERMIND!

" AY! HI MINT! uy, musta? " AND THEN THE EPALOGS AND BAKULAWIN CAME IN! Lumapit pa talaga itong si Ink para mangamusta. Tss, bakit naman nya kelangan kamustahin ang gf nya? Diba dapat lagi nyang alam kung kamusta na ang gf nya . TSS! WALA TALAGANG KWENTA TONG LALAKING TO KAHIT KELAN!

" Oh? Ink? kamusta .. balita ko na confine ka raw? anong nangyari? " At nagchikahan na silang dalawa .. ano ba yan? ANONG NACONFINE? Wala akong alam sa topic huh .. OP ako -__-

" naconfine? SINO? ikaw Ink? Bakit? " Nakitanong na rin ako habang nandito sila sa tapat ko at nagchichikahan. HINDI AKO CHISMOSA HUH! Gusto ko lang malaman kasi wala nga akong kaalam alam .. achaka teka! baka inuuto na naman ako ng mga to huh! ABA! HINDI KO NA SILA MAPAPATAWAD!

" wala, mamamatay na nga kasi sana ako kaso sabi ng doktor kelangan pa daw kitang asar asarin kaya binuhay nila ako! KAYA ETO! NAHINGA PA KO! HAHAHA " HE-HE-HE korni -__- bwiset na lalaking to! BINATUKAN KO NGA! KAKABADTRIP E! ANG HIRAP KAUSAP! 

" NAKAKAILAN KA NA HUH! Kanina binato mo ko ng mabaho mong sapatos! muntik na nga akong mamatay dahil sa baho ng sapatos mo .. tapos ngayon naman binatukan mo ko! WARFREAK -__-" ABA'T !! Hahampasin ko sana sya ng biglang pumagitna si Mint at Cess. HERE COMES THE PAKIALAMERAS -__- kakaasar e . Nauto na nga ako tas pinagtutulungan pa ko! NAKU !! >.<

" OA MO HUH! tss . dyan ka na nga sa gf mo! at ikaw naman Mint.. pakibantayan naman yang aso mong bf! aba .. nasama pa samin sa pagtambay dito sa garden ! FC MASYADO! IUWI MO NA YAN SA INYO!! NAKU! KUNG HINDI MATUTULUYAN KO YANG BAKLANG YAN! " Pagkatapos kong magsalit ay natawa agad si Mint. BWISET! PAGTAWANAN BA NAMAN AKO? ANO BANG NAKAKATAWA SA SINABI KO? -__-

" First of all, hindi naman aso ang bf ko nuh ! hahaha " Nagpamewang pa tong babaitang ito sa harapan ko. Tss, ou na! SEXY KA NA AT MAGANDA!! IKAW NANG MAY PERFECT FIGURE !! DIYOSA KA NA! SIGE NA! Tss, sipain kita dyan e .. 

" I DISAGREE! may pafirst-first of all ka pa dyan -__-" Nagpamewang rin ako. Pero hindi ako sexy -__- OU NA! HINDI AKO SEXY PERO MAGANDA NAMAN AKO! Tss, yung kaseksihan ko kasi nawawala sa bahay .. hindi ko mahanap kaya ganda lang ang dinadala ko sa skul -__- chos!

" hahaha and the second thing is .. hindi si Ink ang bf ko ! " Oh? hindi pala si Ink ang bf nya e.. HINDI SI INK!? TEKA?! ANO RAW? ayan na naman -__- ang gulo na naman! NAKU NAKU! Ano na ba talaga ang totoo .. Nakakaasar na huh !!

" ANO?! EH- akala ko ba? ANO BA TALAGA! " Napakamot na lang ako sa ulo habang napapapikit pikit pa. Tss, nasakit ulo ko kakaisip sa kung ano ba talagang nangyayari e -__-" MAKAKASAPAK NA TALAGA AKO NG MANLOLOKO SAKIN! NAKAKAASAR E!

"Hindi naman talaga kasi kami magbf ni Ink! It's just a joke? yung noon ay palabas lang. OK? its clear na kaya wag ka nang maguluhan girl. " Ang sabi pa nya habang nag maaarte at nagmamaganda . TSS, ok she has the poise at wala ako nun! SORRY HUH! e sa hindi ako ganun e, eto ugali ko kaya sorry kayo!

" so? hindi pala kayo? AY! PARANG YUNG GINAWA NYU LANG DIN NI VINC?! wow , all this time nagseselosan lang pala kayong dalawa? AYSUS! ang cheesy naman ng love story nyu" Parang ewan tong babaeng to. NAGSESELOSAN DAW? KAMI? KAMI NI INK? DUH! as if naman? hindi kami nagseselosan nuh! nagkataon lang na parehas kami ng trip. KANYA KANYANG TRIP YAN !

" TSS! nagseselosan? DUH? chaka anong cheesy! unang una hindi kami cheesy! pangalawa , wala kaming love story! " Ang sabi ko sabay hablot ng bag ko sa may upuan at alis ko. NGAYON LANG AKO NAG WALK OUT! WOOOH! palakpakan nyu ko! Ang hindi pumalakpak kukutusan ko !!

" HOY! ngayon ka lang nag walk out ah? nice naman, may iba ka ng ibang gawin maliban sa manigaw at manggera pag nakikipag-away! talo ka ni Mint nuh?! " AKALAIN MO UN?! Humabol pa talaga tong tukmol na to sakin para mang asar. Yes, tama nga ang hinala nyu .. Sinusundan ako ni Ink ngayon para asarin. Diba ang lakas lang ng topak?! MINSAN NA NGA LANG AKO MAG WALK OUT , KINOKONTRA PA NYA! tss.

" anong TALO?! HINDI AKO TALO NUH! I just don't waste to waste my time there. Chaka bakit naman ako matatalo sa kanya?" Hinarap ko pa sya nun saglit at umalis na ulit. Pero dahil pang asar talaga to sa buhay ko ay talagang sinusundan pa rin nya ko. NAKU! pambihira talaga tong buhay na to oh, dapat kasi di na sya bumalik e!

" matatalo ka dahil maganda sya! " Napatigil ako at hinarap ulit sya. Tinitigan ko sya ng masama at alam kong alam na nya meaning nun. ANONG IBIG NYANG SABIHIN SA MATATALO AKO DAHIL MAGANDA SYA?! SINASABI BA NYANG PANGET AKO! Tss, bulag na sya kung ganun!

" ok fine, maganda ka! pero may poise sya at sexy . Maayos sya magdala ng suot. Hindi sya basta basta nagsasalita ng hindi nag iisip chaka .. ahmm? wala ka bang sasabihin? hindi ka ba ... didisagree ? " Letche to. Hindi ako bigla makatingin huh! FINE! I'M NOT SEXY AT HINDI NAG EEXIST ANG POISE SA ISANG TULAD KO. Im sorry , Im not perfect. PERO SYEMPRE DI AKO PAPATALO.. teka .. ahmm.. iisip ako ng bonggang sasabihin . hmmm..

" hey? I'm waiting? mag didisagree ka ba o ano?"Bigla nyang nilapit ang mukha nya sa pagmumukha ko. Tss, inaasar talaga ako ng isang to. Pagdating talaga sa asaran talagang ang dami nyang alam na pang asar sakin. Tss!

" tss, WALK OUT NA LANG ULIT AKO! " NAKU NAMAN! wala akong maisip kaya alis na lang ako. PERO DI AKO TALO HUH! baka akalain nyu talo ako! HINDI AKO TALO!

" dont be insecure NISS! YOUR PERFECT! " HUH? napalingon ako bigla kay Ink na nakangiti pang nakatingin sakin. Pero dahil mataray ako at warfreak ang nananalaytay sa dugo ko ay inirapan ko na lang sya. Anyway, bigla akong kumalma nung sinabi nya yun. I'm not kinikilig! OFCOURSE IM NOT! Im just flattered to hear it from him.

PERO DI AKO KINIKILIG! DUH! BAKLANG INK TALAGA! TSS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon