chapter 22

49 3 0
                                    

Niss's POV.

" nakakatuwa talaga yung lalaking yun! akalain mo yun? sabihan ka ba naman ng ganun? hahaha- ARAY! ANO BA!"

Nasa garden kami ngayon habang nakain ng burger. Wala lang, namiss ko lang rito kasi matagal tagal na din akong di nakakapunta dito. Tss, para tuloy ang weird ng nararamdaman ko pag andito ako. Di bale, never mind na lang! Imind na lang natin ang katabi kong si Cess na nang-aasar na naman tungkol sa nangyari sa library. Leche kasi yung lalaking yun- na hindi ko pa rin alam ang pangalan hanggang ngayon. Di din naman ako interisadong makilala sya kaya kiber ko ba! Nga pala, binatukan ko si Cess. Baka kasi magtaka kayo kung bakit sya umaray e -_-

" sabi na kasing wag na nating pag-usapan yun e! ang kulit mo din nuh?! KINIKILABUTAN AKO PAGNAAAlALA KO YUNG MANYAK NA YUN E! BAKIT BA ANG KULIT MO?!" Inirapan ko sya nung tinawanan nya lang ako.Kahit kelan talaga hindi na ko natuwa sa kanya .. lagi na lang syang nang-aasar kahit bestfriend ko naman sya. Pasaway na babae!

" oh sya? EH SINONG GUSTO MONG PAG-USAPAN? Si Piolo Pascual? Si Enrique Gill ? Si John lloyd? Si Sam Milby? O ang the best date ever nila Chichay at Juaquin?! SIGE LANG! Magtanung ka lang at kayang kaya kong ichika sayo ang mga celebrityng yun! IM SUPER UPDATED KAYA! " Nababaliw na talaga. Likas na talaga sa kanya ang pagiging madaldal at chismosa. Kulang na lang , mapagkamalan kong kapitbahay nya mga celebrity sa sobrang updated nya sa mga ito e. Lalo na pag gwapo ! NAKU! WALANG LIGTAS! may pagka-paparazi din ang isang to e.

Natawa ako at napatingin sa isang puno. Naalala ko tuloy si Ink .. AY!  TEKA!! HINDI PALA! HINDI KO PALA SYA NAAALALA! BAKIT KO NAMAN SYA NAAALALA? HALA! Dont mind me . Masyado lang akong nag-iisip ng kung ano ano .. wala lang to .

" ANO NA NISS?! Nakatulala ka na dyan? Ano bang iniisip mo huh?! AY --- TEKA?! SINO PALA YANG INIISIP MO HUH!?" Nilapit ni Cess yung mukha nya sakin. Yung mukha nyang kala mo kagaganda pero maganda naman talaga. Tapos parang hinuhulaan pa yung nasa utak ko. YUNG TOTOO? MAY HALONG MANGKUKULAM BA TONG BESTFRIEND KO?! kakatakot na huh! Kulang na lang pasukin yung butas ng ilong ko para mapasok ang utak ko at malaman ang laman nito e. NAKU! >.<

" tumigil ka nga! WALA ! Natahimik lang ako tas may iniisip agad? PWEDE BANG NAPIPI LANG AKO BIGLA?! naku, tara na nga! " Tumayo na ako pero inupo nya ako. Parang tanga lang -_- ano bang problema nitong babaeng to. Wala naman talaga akong iniisip e! Chaka.. hindi naman si Ink ang iniisip ko . AT HINDI AKO DEFENSIVE HUH! HINDI TALAGA SI INK ANG NASA ISIP KO! OK?! bawal magside comment!!

"ano na naman ba?" Tinarayan ko na sya nung pigilan nya pa ulit akong tumayo. Ano to? lokohan? hays.. bakit ba napakamapilit nya? AYOKO! WALA AKONG ITATANONG! HINDI KO ITATANONG KUNG ANONG NANG NANGYARI kAY INK! HINDI KO ITATANONG KUNG BAKIT NAWALA NA LANG SYA NA PARANG BULA! HINDI KO ITATANONG KUNG NASAAN NA SYA! HINDI! AS IN SUPER HINDI! At kung tinatanong nyu rin kung anong nangyari sa kanya ay hindi ko rin po alam! TANONG NYU KAYA KAY CESS? o kaya naman sa author nyu na lang itanong para mas maganda! SAPUKIN NYU YUNG AUTHOR PAG HINDI SUMAGOT! . tss, kakahighblood huh! kakaasar >.<

" sige na.. itanong mo na yung itatanong mo! kasi kung di ka magtatanong .. hindi ko sasabihin! Kaya kung ako sayo?! ASK ME NA! GO NA!! " Tinitigan nya pa ako at kinurapkurapan. So? gusto nya talagang itanong ko muna bago nya sabihin? Hindi ba pwedeng sabihin na lang nya? tutal parang alam naman nya yata kung ano yung itatanong ko? Diba may pagkamanghuhula din sya? Dapat alam na nya .. hays!! naku naman oh.

Tumingin ako sa malayo at huminga ng malalim. TEKA HUH! KAININ KO MUNA PRIDE KO SAGLIT! SABAY LUNOK>.< OK GAME!

" AnonangnangyarikaybakulawnabaklangINK.ATNASAANBASYA?BAKITDIKOSYAMAKIKITA! NAWEWEIRDOHAN NA AKO HUH! NAKAKAASAR NA! O AYAN! NATANONG KO NA! SAGUTIN MO NA NG MATAHiMIK NA RIN AKO! LECHE KA! KELANGAN ITATANONG KO PA TALAGA E ALAM MO NAMAN NA ATA NA YUN ANG ITATANONG KO E! KAASAR KA!! " WOOOOOOOOOOOOOH! huminga ulit ako ng malalim at sinubo ng halos buo ang hawak kong burger.

KAKAASAR! Ayokong ayoko pa man din na nilulunok ang pride ko >.< mas ok sakin na lunukin ko ng buo at walang nguyaan ang burger na hawak ko kesa naman lunukin ko ang pride ko! LECHE! HINDI KAYA MASARAP YUNG PRIDE! chaka kung burger ang lulunukin ko ng buo, atleast busog ako! kesa naman sa pride ang lunukin ko. KAASAR!

" edi nakahinga ka din ng maluwag .. OK! ganito kasi, inaasikaso ni Ink yung mga bagay-bagay para sa pag-alis nya raw ." Napalingon ako ng todo kay Cess nung magsalita sya. TEKA?! PAG-ALIS NYA? SAN NAMAN KAYA PUPUNTA ANG PANGET NA YUN? SA PLUTO?!! SA PLUTO NGA SIGURO!! PARA MAKASAMA NA NYA ANG MGA KAURI NYANG ALIEN! tss.

" san daw punta nya?" Maikli lang yung tanong ko. Ayokong isipin nyu at ni Cess na sobrang interisado ako kaya ayokong magtanong ng mahaba! kakaasar >.< baka isipin nyu pa namimiss ko yung unknown species na yun! Kung kayo! NAMIMISS NYU SYA! AKO HINDI!! Well, medyo nakakapanibago nga lang pero .. HINDI KO SYA NAMIMISS! KAYA WAG NGA KAYONG MAG-ISIP NG GANYAN!

" sabi ng iba sa ibang bansa raw? sabi naman nung iba lilipat lang ng university? hindi ko pa alam e. " ANO BA YAN! HINDI PALA NYA ALAM. Sayang naman yung effort kong magtanong e wala naman akong napala kundi magkaroon pa ng madaming tanong sa isip ko. KASI NAMAN! Bakit naman sya aalis? bakit sa mag-iibang bansa? Bakit sya lilipat ng university? kasi sawa na sya dito? Kasi sawa na syang makita ako? Kasi ayaw na nya akong makita?

" ARAY!! " Napaaray ako dahil sa pagbatok ni bestfriend. Baliw na talaga tong isang to , tas tatawa tawa pa sya.. akala mo naman nakakatawa talaga! EPAL E! OH?! AKALA NYO UMARAY AKO DAHIL SA MGA NAISIP KO NA HINDI NA NYA AKO GUSTO MAKITA NUH!? PWES! nagkakamali kayo.. wahahaha .. wala naman akong pake sa panget na yun. Malungkot lang ako ng slight kasi boring na! lalalala.. wala na akong masasabihan ng panget .. lalalala.. wala na akong kaiinisan .. lalalala .. TEKA? OK NGA YUN DIBA?! DAPAT PALA MASAYA AKO -_-" HAHAHAHAHAH MASAYA PALA AKO! HAHAHHAHAHA .. tss, halatang peke nuh?

" nakakatuwa itsura mo e! HAHAHA, para kang nalugi ! bakit ganyang mukha mo?" Napakunot ang noo ko. Leche tong bestfriend ko -__- binatukan na nga ako tapos ngayon naman pagtatawanan pa ko. TRIP AKO NITO?! Pero .. TEKA?! MUKHA KO RAW? MUKHANG NALUGI?! HALA! HINDI NAMAN AHH! MASAYA NGA AKO KASI NGA WALA NA SI INK! YEHEYYYY!! WOOOOHH! SANA MAPABILIS ANG PAG-ALIS NYA SA EARTH! YEHHEYY!! WOOOOHH!! PARTY PARTY! tara! paparty tayo?! wala na si Ink sa istorya e! mas maganda to.. hindi na ako maiinis, maaasar, mabubwiset at mayayamot! OH DIBA?! YEHEY!! 

" HALA! ang saya ko kaya! ayan oh .. :) ang saya ko! WALA NA SI INK! YESS NAMAN! " Ngumiti pa ako ng pagkalakilaki at ipinakita ito kay Cess. FEELING KASI NYA NALULUNGKOT AKO! AS IF NAMAN NUH?! Hindi ako malungkot.. masaya pa nga ako e! Kala naman nito ni Cess oh .. KULANG NA NGA LANG MAGPAPARTY AKO E! 

" makasabi ka naman ng wala na si ink parang namatay na si Ink hahahanapaka mo Niss! " Tumatawa pa rin sya habang di ko tinatanggal ang ngiti sa labi ko! Talagang ipupush at paninindigan ko tong ngiti kong to para di nya masabing nalulungkot ako sa binalita nya. PAKE KO BA SA LALAKING YUN?! KALA NYA NAMAN IKALULUNGKOT KO NA NAWALA SYA! FEELING?! Wag syang feelingero nuh! HINDI BAGAY! YAKNESS!

" AY?! SI INK NAMATAY NA?! AY!! papaparty talaga ako! kelan libing? san burol? ayy .. hindi ako masama huh! gusto ko lang makiramay? san ba? AT MAGPUPULA AKO! " BITTER NA KUNG BITTER PERO HINDI AKO BITTER! EXPRESSIVE LANG AKONG TAO NUH! tss. Pake nyu ba kung bitter ako, eh hindi naman talaga ako bitter .. AH BASTA!! tss, ang hirap mag explain huh!

" AKO?! NAMATAY?! teka? bakit naman ako mamamatay? " Napalingon ako at TANAN!  -- nasa harap ko bigla si Ink. TEKAAAAAAAAAAAA?! SI INK?! NASA HARAP KO? AS IN , NASA HARAP KO SI INK?! Anong ginagawa nya rito? akala ko ba nag-aasikaso na sya dahil aalis sya? ANONG MERON AT NANDITO SYA?! HALAAA .. nanlaki talaga ang mata ko. ano ba talaga!

" AK-AKALA KO BA?! .. TEKA?!! BAKIT KA NANDITO?! AALIS KA NA AH?! teka ..teka nga? ano bang nangyayari -__-" Halos guluhin ko na tong buhok ko sa sobrang gulo! ANO BANG NANGYAYARI? AKALA KO BA AALIS NA SYA? ANO BANG KALOKOHAN TO. LECHE HUH! Pinagtitripan ba nila ako o imagination ko lang to o ano ba? ANO BA TALAGA? PAKIEXPLAIN! ayokong mag-iloveyou hanggat di nyu ineexplain.

Napatingin ako sa nababaliw nang si Cess na tawa ng tawa. HALA -__- sinapian na ata tong bestfriend ko . Ano ba kasing totoo? naguguluhan na ako huh! INUUTO NYU NA KO HUH! NAKAKALOKO NA KAYO HUH! SUNTUKAN NA LANG ANO HUH!! SUNTUKAN NA LANG SA LABAS! TSS .

ayoko sa lahat .. tinitrip ako e -__-

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon