chapter 5

170 3 0
                                    

Niss's POV.

" Ang sakit ng paghawak mo sakin huh! Hoy! tao po itong hatak hatak mo! Makakaladkad ka sakin parang kariton lang ako ah . Bitawan mo nga ko ! Sisipain kita e . Bakla kang tipaklong ka -" Napahinto na lang sa pagsasalita ng titigan nya ako ng masama habang papunta kami sa garden . Hays, hatak hatak nya kasi ako e di naman ako makapalag dahil ang lakas nya at ang higpit ng paghawak nya sakin . 

Mayamaya, huminto kami sa isang puno sa may garden . Katabi ng punong iyon ay may isang bench , umupo kaming pareho dun . Nakakahingal yun huh! Feeling ko tumatakbo ako habang hatak hatak nya ko dahil ang bilis nya maglakad . Grr, naramdaman ko na naman ang lagkit na sanhi ng softdrinks na binuhos sakin ng impaktang coloringbook na un . Bwiset na bruhang un!! Inawat awat pa kasi kami ng bwiser na lalaking to e -.-"

" Anu bang gagawin natin dito? Pahatak hatak ka pang nalalaman! Tas tutunganga lang pala tayo dito? Anu?! " Sinigawan ko nga sya! Aba, biglang nanghahatak tas ganto ganto na lang? Uupo lang pala kami dito kailangan pa manghatak? 

" Achaka! bakit ka ba kasi nangailam kanina! Yung babaeng coloringbook pa ang kinampihan mo eh tinapunan ako nun ng softdrinks . GRRRRRRR , hoy! nalalagkitan na talaga ako sa katawan ko " Ang sigaw ko pa sa kanya sabay tingin nya ng masama . 

" Anu ba? magtititigan na lang ba tayo dito? Kung wala ka namang sasabihin magpapalit na ako ng damit ko at maglilinis ng katawan sa cr , buti na lang 4 hours ang vacant ko ngaun kun- " 

" Anu ba talaga ang problema mo huh! Ang ingay ingay mo , ang warfreak -warfreak mo! Mapapahamak ka nan dahil sa ugali mong yan eh!  " Naputol ang sasabihin ko ng magsalita na sya . Anu bang ikinagagalit nya? Ung pagiging warfreak ko? Alangan naman magpatalo na lang ako at magpaapi . Aba, di naman ata pupwede un .

" Ikaw? anu bang problema mo? Eh ano naman kung ang ingay ingay ko? or ang warfreak warfreak ko? Mind your own bussiness na lang kasi . " Ang sabi ko sabay tayo sa upuan , pero hinawakan nya ang wrist ko para pigilan ako .

" Alam mo kung ano ang mahirap sayo?! Ung parang lagi kang aping api kahit hindi naman! Ung gusto mo lagi kang panalo, kahit pwede namang hindi . " Napataas ang kilay ko sa sinabi nya kaya hinarap ko sya . 

" Alam mo kung anung point ng ugali kong to? Mali kasi ung tawag mo sa pagiging matapang ko e, kasi hindi naman ako warfreak . Hindi ko lang hinahayang inaapi ako ng kahit sino ! " Ang sabi ko sabay talikod sa kanya . Nakakabwiset sya! 

" Akala mo kasi lage, inaapi ka! Kahit hindi naman talaga , ang hirap din sayo nangunguna ka lage sa mga bagay bagay eh! Hindi ka na nakikinig! Hindi mo ko hinayaang magpaliwanag noon . Akala mo inapi kita ! Akala mo niloko kita! Akala mo inapi ka ni Zein , akala- " 

" Akala ko lang ba un INK? Akala ko lang ba na naghahalikan kayo noon nung makita ko kayong magkasama sa may park? Akala ko lang bang inaapi ako ni Zein kahit pati sa mga kaibigan natin ngaun siniraan nya na rin ako? Akala ko lang ba un kahit na nakita ng dalawang mata ko ?!! " Nakakaasar ! Anu bang ibig nyang sabihin? Bakit ba ang dami dami nyang sinusumbat sakin ngaun? Ganun na ba sya kairita sa ugali ko? Baka nga nahihiya na syang naging kami dahil sa kawarfreakan ko, pero hindi naman ata tama na sabihin nyang akala ko lang ang mismong nakita ng mga mata ko . Oh common! 

" minsan nakakabulag sa katotohanan ang sarili nating mga mata ! hindi mo kasi - " 

" wala naman ng dapat ipaliwanag diba? Anu pa bang dapat mong sabihin sa nakaraang yon? Bakit? Mababago pa ba un kung sakaling tama ka nga? Anung akala mo Ink, na mahal pa rin kita? " Pinutol ko ang sasabihin nya at nakita ko namang kumunot ang noo nya ng sabihin ko ang mga huli kong litanya . Aba! Namimihasa na sya huh! 

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon