Niss's POV.
" Ang boring nung subject namin na yun! grabe , wala talaga akong naintindihan simula nung umaga dahil sya ang pambungad sa subject !! blah blah blah~ " Bakit ba ang daldal nitong bestfriend ko? Grabe huh! Actually, kanina pa yan nagdadadaldal kasi ang dami raw nangyaring sa kanya . Ewan ko ba sa babaeng to , masyadong maraming sinasabe .
At eto naman ako at natango tango na lang sa mga sinasabi nya , hays? alam naman nyang wala akong chaga sa pakikinig sa mga storya nya tas magkukwento pa sya . Hehe, sama ko ring bestfriend nuh? Pero alam naman na nya ugali ko kaya dapat alam na nyang di ako nakikinig sa mga dinadaldal nya .
" Niss naman e! Tango ka lang ng tango dan! nakakaasar ka . " Ang sabi nya habang napadyak padyak pa na parang nagmamaktol na bata . Sus, pasaway talaga tong babaeng to . Pasalamat talaga sya bestfriend ko sya .
" wag ka ngang pumadyak padyak dan! para kang bata -.-" sino ba naman kasi may sabi sayo na magkwento ka ng magkwento? alam mo namang di ako mahilig makinig diba? "Ang sabi ko sabay pout nya . Hays, isip bata talaga . Ewan ko nga ba kung bakit kami naging magbestfriend samantalang magkaibang magkaiba ang ugali naming dalawa -____-
" eh paano mo nga naman ba ako mapapakinggan kung may iba atang gumugulo sa utak mo? " Ang tanung nya sabay pindot ng pisngi ko . Hays, anu bang pinagsasasabi ng isang to? Wala namang gumugulo sa isip ko, pero parang may kung anung tumatakbo sa isip ko ngaun . Hays!! EWAN ! Basta magulo e -.-" kasing gulo ng pagkakaintindi ng iba kung bakit nga ba nagkaletters sa equations sa math -.-"
" walang gumugulo sa utak ko! kaya pwede ba? wag ka na lang magkwento . " Ang sabi ko sabay pasok na sa room ko . Hays, dito na lang ako kesa naman makipagtalo pa ko kay cess. Anyway, sanay naman na sya sa ugali ko kaya alam nyang pag ganitong may sumasagi sa isip ko ay kailangan ko mapag isa .
Actually kasi may iniisip talaga ako, at alam kong kahit itanggi ko yun kay Cess ay halata nyang nagsisinungaling lang ako . Ayoko lang talaga umamin na may gumugulo sa isip ko, hehe . Wala lang ayoko lang na asarin ako ng bestfriend kong yun kaya hindi ko na lang sinabi . Sus, kahit naman kasi hindi ko sabihin siguradong halata na nya .
Kaya eto nasa loob ako ng room mag isa habang nakapanumbaba . Hays, anu bang nangyayari at parang kahit wala namang problema ay parang meron? Ang gulo diba? Tss, ganito na siguro talaga ang buhay ko . Laging may problema kahit parang wala . Magulo for short .
Ink's POV.
Katatapos lang ng pangatlong subject ko ngaun . At sakto naman ito, dahil nakaramdam na ako ng gutom kakaintindi dun sa prof naming ang hina magsalita -.- " Hehe, buti nga nakasurvive pa ako at di ako nakatulog dahil sa kahinaan ng boses nya e .
Sa ngaun na isipan kong pumunta sa karinderya ni Aling Pearl . Tropa , nanay, barkada at ate ko yun e ;) I mean close kasi kami at dun lage ako kumakain pag ganitong inaabot ako ng lunch . Well, kilala nya din si Niss kasi nakukwento ko sya kay Aling Pearl . Pero hindi dahil sa gustong gusto ko pag usapan yung babaeng yun nuh! Kundi dahil sa sobrang badtrip ko minsan dyan kay Niss ay bigla na lang akong napapakwento kay Aling Pearl . Tas ito namang si Aling Pearl , nakikinig ng nakikinig sa mga hinaing ko dahil sa kawarfreakan ni Niss. Kaya ayun, kilala nya si Niss mula sa kwento ko pero sa personal , hindi ^.^
Anyway hindi naman sirang sira yung pangalan ni Niss sa mga kinukwento ko . Hehe, pero madalas sa mga kwento ko na tungkol kay Niss ay puro negative . Eh sa panget naman talaga ugali nung bungangera at epal na babaeng yun e .
" Inkoy! Ikaw pala? anu kakain ka na ba? Nagtira ako ng adobo para sayo! " Narinig ko agad ang sigaw ni Aling Pearl habang patawid ako papunta sa karinderya nila . Hays, kahit na matagal tagal na nya akong tinatawag sa ginawa nyang nickname ko ay di ko pa rin maikailang naiilang ako sa tawag nyang yun . Feeling ko kasi mas masagwa pa yun kesa sa palayaw na totoy. Kasi naman e, bakit INKOY pa? Para tuloy ang tanda ko na sa pangalan ko -____-
BINABASA MO ANG
my BITTER EX .
Teen FictionTungkol ito sa mag EX na ampalayang hilaw sa isa't isa . I mean Bitter sila . Isang babaeng , warfreak at walang inuurungan . Lalo na ang ex boyfriend nya na kinaiinisan nya . She didnt notice that she act too much, dahil lagi na lang syang naiinis...