chapter 8

134 4 0
                                    

Niss's POV.

" ms. librarian , andito na po ako " Ang matamlay kong sabi sa librarian na nakaupo sa may gilid na may mesa at mga kung ano anong papel . Haynako! Inaantok na talaga ako . Kita nyu ba tong eyebags na to? ~.~ patunay lang to na inaantok na talaga ako .

" oh? you look so tired? ayos ka lang ba, baka makatulog ka lang dito ? baka gusto mong bukas ka na lang mag assist? " Ang sabi ng librarian habang napungas pungas ang mga mata ko . WOAAAAAAAAAAAAH , kakantok talaga ~.~ pero ayoko naman to ipagpabukas kasi madadagdagan ang mga araw ko na mag aassist ako , tss gusto ko pa man ding matapos na to .

" wag na po mam! gusto ko na din po matapos ang pag aassist ko e " Ang sabi ko habang nagkukusot ng mata . Well, hindi naman halatang antok na antok ako nuh?

" osya sige! tutal kakaunti naman ang mga tao ngaun dito, mukhang magsasara din ang library ng maaga dahil may meeting ata rito " Ang sabi ng librarian sabay punta ko sa may bakanteng upuan na medyo malayo layo sa librarian .

Well, kakaunti nga talaga ang estudyanteng nagreresearch dito ngaun kesa kahapon . Mas marami nga lang nagamit ng computer . Para na rin kasing computer lab ito, pero may screen naman na nakaharang sa computer lab at library .

WOAHHHHM ( hikab* ) Ang tahimik naman masyado -__- lalo akong inaantok pag ganito e . Anu ba yan, baka mapagalitan pa ko pag nakatulog ako dito tas madadagan pa ung parusa ko . Haynako naman!

" hoy! wag kang hikab ng hikab *woahhhhhmm .. nakakahawa ka e! "

" Aypusangsinapak !!! " Nakakagulat naman tong lalaking to, nasa tabi ko na pala hindi ko man lang namalayan. Tss, may mambubwiset na naman sakin! Kaasar , sinusundan nya ba ako? Lecheng bakla to ah , trip na naman ata ako nito -.-"

" shh, wag kang maingay! Pag tayo narinig , sige ka! madadagdagan parusa mo . hahaha " Leche tong Ink na to , Makatawa parang walang bukas , papatayin ko na to e! 

" ikaw ang wag maingay! makatawa ka naman e, bakit ka ba nandito huh! " Ang tanung ko sabay tingin sa hawak nyang libro . Sus, may ireresearch na naman sya? Anu ba yan! Baka naman nananadya lang talaga to na pumunta rito. Well, alam nya kasi na may parusa ako . Hays, tinanung nya lang naman kay Cess kung bakit ako naging assistant librarian tas eto namang magaling at madaldal kong bestfriend ay sinabi pa talaga . Sarap lagyan ng paking tape yung bibig ng bestfriend ko e, masyadong purwisyo .

" obvious ba kung bakit ako andito? edi malamang may kailangan na naman akong iresearch ! " Ang sabi nya habang nagbubuklat buklat pa ng libro . Sus, masabi lang yan! Kunwari magreresearch pero ang totoo makikitambay lang dito para mang asar sakin . Ulol din ang isang to e, ayaw ako tantanan!

" mag reresearch na naman? anu ba naman yan, kung magreresearch ka pwede ba ung malayong malayo sakin! As in yung malayo talaga, ung tipong di man lang kita maaamoy! " Tss, kung pwede lang sumigaw edi sana kanina pa ako sumigaw. Kaso di nga pwede kasi nga library po ito , kaya aun pinandilatan ko sya ng mata tas tinataasan taasan ng kilay . Kumbaga un na lang ang expression ko sa kanya para malaman nyang nabubwiset ako -.-"

" Ang arte naman nito! samantalang nung 2nd year tayo makaamoy ka noon sa polo kong pawisan akala mo naman parang- *TUKKKKKKKKKKKKKKK . ARAY NAMAN! " Bwiset na lalaking to . Grrrr, pinitik ko nga ang tenga ng manahimik . Ehem, malakas kaya ako mamitik ng tenga kaya napaaray sya :P . Aba!!! Ibalik ba naman ang nakaraan? LECHE TALAGA!!

Anyway, buti na lang walang nakarinig masyado sa pag aray nya dahil medyo malayo nga kami sa librarian . Tss, bwiset na baklang to! ipapahamak pa ata ako . Pero teka? Nararamdaman kong umiinit ng paunti unti ang mukha ko , di ako pedeng magblush!! . Hays, ulol kasi tong katabi ko e .

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon