chapter 10

137 5 0
                                    

Ink's POV.

" bitawan mo nga ko! ANU BA!! SABING BITAWAN MO NA KO E! san mo ba ko dadalhin huh! sisipain kita dan e! pag ako nakababa dito, ihahampas ko yung mga librong bumagsak sakin kanina dan sa mukha mo! makikita mo!! bwiset naman oh . " Nakakarindi naman tong babaeng to , tss . Sarap nyang ihagis sa awterspace e, para di na makapinsala pa yang kawarfreakan nya . Hays 

 Katahimikan . Bigla na lang syang natahimik kaya napatingin ako sa kanya . At laking gulat ko ng makita kong nakatitig lang sya sakin . Hays, anu bang nangyayari sa babaeng to? Kanina nagsisisigaw ngaun naman ang tahitahimik naman . Ang awkward huh! Bakit nya ba ako tinititigan? May dumi ba sa mukha ko ~.~

Katahimikan pa rin . Anu ba yan! Spell awkward? Nakakainis naman parang di ko matanggal mata ko sa mata nya e .

Pero HEP HEP! no , i mean anu ba to? titigan moment? 

" anu bang tinitngin tingin mo dan? wag ka ngang tumitig sakin ng ganan! ihahagis kita pag di ka tumigil . " Napakunot na ang noo nya ng sabihin ko un . Sus, makakatitig kasi e nakakatunaw  . Ehem, siguro nagwagwapuhan lang to sakin .

" wag kang feelingero ok? tinititigan ko lang ung ex kong bwiset na ampanget panget naman pero naging jowawers ko . YAK PWE EW KADIRI . " Ang sabi nya sabay pasok namin sa clinic . Ihahagis ko na talaga to e! MAKAPANGLAIT !! AKO ? PANGET?! pasaway tong babaeng to .

" wag mo na nga akong sabihan ng panget! akala mo kakaganda mo! oi, pasalamat ka nga sinagot kita noon e ! " Ang sabi ko sabay tawa ng bahagya . Wala lang, gusto ko lang asarin sya sa tipid kong tawa ;)

" oi! oi , anung sinagot? AKO SINAGOT MO?! IKAW NGA TONG ANG TINDI MANLIGAW E! may parose rose ka pa noon , tas buifbiauyseahnfuagoewah rj " -_____________- di ko alam ang dapat kong maramdaman pero feeling ko namumula ako sa sinabi nya . Kaya naman ayan! tinakpan ko ang bibig nya at dahan dahang inupo dun sa may upuan sa clinic . Hays, bakit naaalala nya pa ung mga ganung moments namen?

" wag ka ngang maingay dan! andito tayo para gamutin ka hindi para mag away o magsumbatan . Kaya ikaw!! Manahimik ka ok? *ARAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY " Napasigaw na lang ako nung kagatin nya yung kamay kong nakatakip sa bibig nya . Tong babaeng to masaydong marahas! pwede namang tanggalin na lang gamit ang kamay nya , kailangan pa talagang kagatin?

" HOY! ikaw ang nanguna sa sumbatan! kaya ikaw ang manahimik ok? " Ang sabi nya sabay nagcross pa sya ng arms nya . Kundi lang to babae nasuntok ko na to kanina pa . Hays, pasalamat sya isa ako sa natitirang gentleman sa mundong ibabaw na to, kung hindi may black eye ka na sakin!!! ~.~

" IKAW ANG MANAHIMIK! ang ingay ingay mo alam mo ba un? " Ang sabi ko naman habang hawak hawak ang kamay kong kinagat nya . Ang sakit kaya! siya kaya kagatin ko? T.T baka may rabies pa tong babaeng to . Nako! MAUULOL ATA AKO T.T

" ikaw ang maingay! manahimik ka! SISIPAIN KITA DAN E! " Ang sabi nya sabay akmang sisipain ang tuhod ko kaya umiwas ako . Huh! kaya naman pala nyang sumipa e, ibig sabihin magaling na sya . Sus, nag iinarte lang pala ang isang to! BEST ACTRESS!!

" okey naman pala yang paa mo e! binuhat buhat pa kita, nag iinarte ka lang pala! GRAVE KA! AMBIGAT MO KAYA ! Hindi mo man lang sinabi na kaya mo naman pala mag isa . " Ang sigaw ko , sabay taas ng kilay nya . Ang warfreak na ito , hinding hindi talaga papatalo -.-"

" anung kaya ko mag isa! HOY! di ako nag iinarte nuh,  dapat po kasi si Vinc ang papasan sakin , pero ikaw bigla ka na lang umeksena tas ngaun nagrereklamo ka?! " Ang sigaw naman nya habang umuusok ang tenga . Tong babaeng to para na syang toro -.-" Achaka bakit ba gustong gusto pa ata nya na si Vinc ang magpasan sa kanya ? Ang landi nya rin huh!

" si Vinc?! kailangan si Vinc pa magpapasan sayo? sus naman! Ang arte mo , ihagis kita sa ilog pasig e! " Ang sigaw ko sabay kamot nya sa ulo . Nababaliw na ata to, palibahasa napakapikunin kaya laging talo sa asaran . 

" Ikaw ang maarte! nagrereklamo ka kanina e  . Siguro nagseselos ka nuh! ayaw mo lang naipasan ako ni Vinc kasi nagseselos ka ." Ang sabi nya sabay tingin sakin na para bang .. - para bang .. - AY EWAN KO! BASTA NAKATINGIN SYA SAKIN . TAPOS ANG USAPANG ITO! THE END! 

" MUKHA MO! AKO NAGSESELOS?! " Napatawa ako ng sarcastic . Titingin sana ako diretso sa kanya kaso parang nagkakailangan kami bigla . SUS! anu ba yan? anu bang klaseng chapter to? masyadong weird diba? >.<

" OU!? Bakit hindi ba?!! " Ang sigaw nya habang nakataas ang kilay . Pero ganun pa rin e, kahit nagkakatinginan kami , para paring nagkakailangan kami . Ewan ko ba?! Bakit ba ako napapaiwas ng tingin? 

" HINDI NUH! baka ikaw? kaya siguro nahulog sa paa mo yung mga libro kasi nakita mo kami ni Mint na nagkakasiyahan sa pagkwekwentuhan ! " Ang sabi ko sabay nanlaki ang mga mata nya . Sus, nagmukha tuloy syang tarsier -.-"

Niss's POV.

" HINDI NUH! baka ikaw? kaya siguro nahulog sa paa mo yung mga libro kasi nakita mo kami ni Mint na nagkakasiyahan sa pagkwekwentuhan ! " Anu raw?! Wag nyung sabihing alam nya pala na yun ang dahilan ng pagkabagsak ng libro sa paa ko? 

AY! Teka, hindi kaya yun ang dahilan! TAMA! HINDI NGA TALAGA UN ANG DAHILAN! IBA KAYA! IBA KAYA! Nagulat lang ako sa pagtawa nung babaeng kasama nya . YUN LANG! At wala naman akong pake kung sweet silang nag uusap e . Pake ko sa kanila?

" HINDI KAYA! Feeling ka talagang panget ka! " Ang sabi ko sabay kurap kurap ng mata nya . Tss, bakit parang bigla syang napatitig sakin ? Samantalang kanina parang di sya makatitig . Anu ba yan! Ang awkward -________-

" Kunwari ka pa Niss! Kilalang kilala kita nuh, alam ko ugali mo ;) " Kumindat pa sya habang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko . ANU BA YAN! Ang pogi nya- este ang panget nya! YAK! Pls, wag nyang ilapit yung panget nyang pagmumukha sa mukha ko .

" U-umalis ka nga sa harap ko! Wag mo ngang ilapit mukha mong panget sa mukha ko, AMPANGET MO! " Sinigawan ko sya kaya napalayo sya . Lecheng to, ampanget panget na nga nya sobrang sama pa ng ugali nya . Tss, bakit ko ba napatulan ang isang to? Di ko lubos maisip na pumatol ako sa pogi-este panget na to -.-"

" Ambaho ng hininga mo Niss! Wag ka ngang magsasalita pagmalapit ang mukha ko sa mukha mo . Baka mamatay ako ng di oras sa sobrang baho ng hininga mo e " Ang baklang to! Makapang asar talaga. GRRRRRRRRRRRRR At talagang nagtakip pa sya ng ilong . Tss, as if naman mabaho talaga ang hininga ko! 

" Oy! magkaamuyan man tayo ng hininga! Mas mabaho hininga mo nuh! Ang kapal mong panget ka . " Napatayo na ako sa kinaupuan ko sa sobrang inis . Grrrr , Aba! 5 beses ata ako ng totoothbrush sa isang araw nuh! Kaya laging fresh breath ako :P

Naglapitan kami at naghahamunan ang mga facial expression namin . Aba! Kahit nakataas ang isang paa ko na may pilay kayang kaya kong talunin ang isang to sa asaran! Anung akala nya? papaawat ako porket masakit at pipilay pilay itong isang paa ko? Aba! walang makakapigil sakin nuh! Kahit pa magboksing kami dito , hinding hindi ko sya aatrasan! AKALA NYA HUH!

" tapos na ba kayo mag away? " Napatigil kami ng marinig namin ang boses ng isang babae na kanina pa pala nakatingin saming dalawa . -.-" Anu ba yan , nakalimutan pala naming nasa clinic kami ngaun . Ehem readers? SINONG NAKAKATANDA NA NASA CLINIC PA RIN KAMI? TAAS PAA! Hays . Kahit ako nakalimutan ko na rin e , tong isang to kasi e! EPAL -.-"

Ayun nagkatinginan lang kami ni Ink at nagpeace sign sa nurse na inassign saming dalawa . Habang yung nurse naman ay natatawa sa itsura naming dalawa. Hays, anu ba yan! Pagtawanan ba naman kami?

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon