Chapter 18.5

86 3 0
                                    

Niss's POV.

" 6:30 na agad? anu ba yan! gabe na agad?! Paano yan wala ng soundtrip na pangparty party?! Bawal na e -.-" Ang ingay ingay talaga nitong si Cess. Naririndi na ako kakasigaw nya e . Tss, 6:30 na nga kasi . At dahil dan kailangan nang patayin ang malakas na patugtog at medyo bawal na din ang maingay dahil baka may magambala pa kaming ibang nagsuswimming .

Pinatay na ni Hannah ang pinatutugtog nila ng malakas . Hays, 6:30 na kaya ramdam ko na agad ang lamig . Grrr, pag ganitong ber months na talagang malamig na eh . Tas ngayon basang basa pa ako at nakat-shirt at shorts lang . Pero take note di super shorts ang suot ko huh! medyo mahaba ang short na suot ko, lagpas tuhod ko kaya ! Well, hindi kasi ako sanay na super shorts ang suot ko . Conservative ang lola mo , kahit warfreak . hehe ^_^

" LARO TAYO GUYS!! " Ang sigaw ni Patrisha na may hawak hawak na bote ng mineral water . Tumakbo naman sya papunta samin habang nagkukumpulan naman sila . EKKK? Ang korni naman ng larong naisip ng isang to . DUH! ang luma na kaya ng spin the bote -.-" atsaka TEKA! Diba ang spin the bote may tanung na truth or dare? TEKA- teka! ayoko ng ganan! Kilala ko tong mga taong tukmol na to, alam kong ako ang pagkakaisahan nila sa pagtatanung! NAKU PO! wag naman sana ako pagtulungan ng mga ito , kundi patay na! TSS, Pag dare naman alam kong tungkol dito sa panget na baklang Ink na to ang ipapagawa sakin . Hays, ano ba yan!

" luma na yan! iba naman . " Ang sudjest ni Ink na di pa rin nalapit sa lugar kung saan nagtitipon tipon kami para nga dun sa spin the bote.

Ok yan Ink! Sige! sabihin mo iba na lang yung game! Alam mo namang tayo pupuntiryahin ng mga tukmol na mga to e! Kaya FIGHT! GO! Sabihin mong luma na yan tas magsudjest ka ng iba! BILIS!

" OK NA YAN! Luma nga tong game na to pero masaya naman?! diba Niss? ;) " Kinilabutan ako bigla nung kindatan ako ni Cess na ngingisi ngisi pa . ARGGGGGGGG! Sabi ko na nga ba e, kitams! di pa simula yung laro kami na agad pinapatamaan at pinupuntirya! Tss, kaasar naman oh! tong panget naman na to kasi e, di pa nagsudjest ng ibang game! 

" Bakit ako tinatanung mo? teka- wiwiwi lang ako huh! Sige magstart na kayo . " Ang sabi ko sabay tayo at senyas sa kanila na istart na nila ng game . Well, anu pa nga bang magagawa ko? I need to have palusot , para di ako mapasali sa larong yan . Tss, ayokong mapagtripan na naman nuh! Kanina nga ako ang hot topic sa kwarto at sa lamesa nung nakain kami , tas ngayong maglalaro na , ako na naman? Aba! KOTA NA HUH! KOTA NA! -.-"

TAKAS MODE MUNA! Tambay mode na rin muna sa cr . -.-" Leche, ang baho pa naman ng cr dito >< no choice ako .huhu

Ink's POV.

" Gumawa talaga ng palusot si Niss oh! Hahaha " Natatawa tawa pa si Vic habang naupo sa tabe ko para mag istart na ang game . Well, alam ko namang ayaw ng ganito ni Niss. Lalo na pag itong mga to ang kalaro namin dahil sa truth or dare pa lang talagang sya na ang magiging hot topic ng mga to . At ako? -.-" Alam kong ako din ay pupuntiryahin ng mga to . Tss . Wala e, ganun talaga sa showbiz haha maraming media , dejowk -_-"

" OH GAME- Simulan na - "Napatigil si Vanessa sa pagsasalita ng makita niya ang isang babaeng bigla na lang sumulpot sa tabe namin ni Vic . And- TANAN! O.O nanlaki ang mga mata namin ng biglang dumating itong si Zein . As in ang lalaki talaga ng mga mata namin nung nakita sya . Tss, parang kabute tong isang to! 

Kilala nyu ba si Zein? Si Zein yung babaeng pinagseselosan ni Niss nung 2nd year pa kami . And unfortunately sya din ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon namin noon ni Niss dahil sa nakita nyang paghahalikan namin , na hindi naman talaga dapat ganun . I mean -.-" ahhh! hirap naman ipaliwanag nito -___________- basta po wala akong kasalanan . pramis T_T

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon