chapter 1 - small world

403 4 0
                                    

Niss POV

"WHAT? Ha? Bakit?!" 

Ok, sabihin na nilang OA ang reaksyon kong 'to pero nakakagulat naman talaga at nakakabwiset. That boy!! oh! I hate him! Nananadya talaga! Cause ain't no way-!! 

"Anung bakit? Eh eskwelahan to, malamang may karapatan syang mag enroll!" I rolled my eyes to Cess na katabi ko ngayon dito sa hallway. She's laughing at me 'cause of my reaction sa balita niya. Kakapikon! Ang aga aga!!

It's our first day of school and naimbyerna na agad ako. Malaman ko ba namang sa dinami dami ng  university, ay dito din nag enroll ang kumag na 'yun. Noong highschool nagtiis na ako na kasama siya. Hanggang ngayon ba naman?!

"Eh! Ang dami dami namang university diba? Bakit kailangan dito rin? Napakaepal talaga nung saluyot na yun! Alam naman niyang dito ako nag eenroll e!!" 

Alam naman niyang dito ako nag eenroll tas dito din sya?! Argg. Paepal talaga yung kuhol na yun!

"Huwag ka ngang ampalayang hilaw dyan! Eh ano kung dito din nag aaral yang ex mo? Girl, karapatan nyang mag enroll kahit saang university!"

"May karapatan syang mag enroll kahit saan. Huwag lang dito! Teritoryo ko na 'to! Lubayan nya ko!Ang sabi ko habang nakapamewang. Eh nauna naman na ako dito sa university na to, kaya teritoryo ko na 'to! Humanap sya ng iba!!

"Alam ko namang kaya ka ganan ay dahil akala mo, hindi mo na makikita si Ink dahil college na nga tayo! Pero, well - I mean 'small world'? " ang sabi ni Cess.

Dumating na kami sa cafeteria ng university na ito. Well, vacant na so pwede na kaming kumain at ngayon nga, nalaman kong dito din papasok ang aking mortal enemy! bwisit talaga yun! Sinundan pa talaga nya ako ha! Humanda sya sakin. Hindi naman kasi totoo yang small world - small world na yan. Gusto ako guluhin ng damuho na yan! Nako makikita nya talaga!!

"Kumain na muna tayo! Naiimbyerna ko sa balita mo. Bwisit!" Ang sabi ko habang paupo na sa upuan.

Then, well, suddenly may kung anong awra akong naramdaman. At alam na alam ko yung awrahang ganito, yung malayo palang sya kumukunot na noo ko't hinahighblood na ako. Nako talaga!! yung altapresyon ko!! At ayun na nga, masamang hangin na dala ng bwisit kong ex. Pesteng small world!!

Ayun sya! Dahan dahang lumalakad papalapit sa akin, akala mo kung sinong model ang hinayupak. Ang feeling!! Wala ng maikunot tong kunot na kunot ko ng noo ante! Sarap tirisin ampuch-!!

"Mukhang mainit ang ulo mo a?" Ang sabi ng bwisit na lalaking humarap pa talaga sakin. Pigilan nyu ko guys, mababangasan 'to sa akin.

Argg, paano ba naman hindi iinit ang ulo ko? Eh pang inis yung mukha nitong Ink Ren na to. NakakaHB talaga tong kumag na ex kong to oh! 

"Hindi mainit ang ulo ko. Masama lang itsura mo kaya naiirita mata ko.Napataas naman ang kilay ni Cess ng marinig un at lihim na natawa. Nabaliw na ang bestfriend ko, tumatawa mag-isa.

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon