chapter 17

105 2 0
                                    

Niss's POV.

" Wag ka namang maingay pwede? Sasapukin na kita !! Wag kang excited?! Wala pa nga raw yung van diba? Nakakaasar ka . " Ngingisi ngising nagpeace sign sakin si Cess habang asar na asar ako sa pag aayos ng bag ko . Hays, kulang na nga lang isalampak ko sa loob lahat ng kailangan kong gamit dahil itong si Cess ay masyadong nagmamadali sa pag alis . Ihagis ko lahat to sa kanya e, nang malaman nyang ang hirap mag ayos ng gamit. Ang liit lang naman kasi ng bag ko kaya mahirap mag ayos , tas idagdag mo pa tong bestfriend mong masyadong madaldal dahil excited na nga sya sa oivernyt swimming namin.

" Ang bagal mo kasi bestfriend, sabi ko naman sayo dapat kagabe ka pa ng ayos, Diba tinawagan naman kita kagabe ? Sabi ko sayo ayusin mo na yang gamit mo , hindi mo naman pala inayos! Ang tigas ng ulo mo Niss . " Ang sabi nya habang palakad lakad na parang di mapataeng pusa doto sa loob ng kwarto ko . Hays, ou nga pala tinawagan pa ako ng bruhang yan kagabe para lang ipaalala sakin na may overnyt swimming nga kami .

Alam mo yung tipong papatulog ka na tas ang sarap na ng pwesto mo sa kama mo , at kulang na lang ay managinip ka na  . Tapos biglang magriring yung cp mo dahil ipinapaalala ng bestfriend mo na mag ayos ka ng gamit? Tss, baliw din tong isang to e . Sarap ihambalos ng gamit ko sa kanya -.-" kasi napuyat din ako ng slyt dahil di ko na mahanap yung tamang pwesto sa kama ko para makatulog ng mahimbing T^T

" Kulit mo naman e! Lalo kong di bibilisan pag di ka nanahimik dan! Sige ka! " Ang sabi ko habang nagsasara na ng zipper ng bag . Hays sa wakas at natapos na rin ang kalbaryo ko sa pag aayos ng gamit ( wow! what a tagalog word :)) ) Kinuha ko na ang cp ko sa ibabaw ng kabinet ko at sinukbit ang bag ko . Wow huh! Ang bigat -.-" ang dami ko palang dala ? Kaya pala hirap na hirap ako e , nakakaloka naman . May balak ba akong maglayas o ano .

" Buti naman at tapos ka na! Kanina pa kaya nagteteks sina Vern! Ang init init na din ng ulo ni Jarlath , kasi kanina pa raw sya dun! Alam mo namang mainitin ulo nun . " Ang sabi ni Cess habang pababa na kami ng hagdan . Hays, ang daldal naman e . Tapos na nga ako't lahat pero may sermon pa rin? Anu ba naman yan .

Well, tanda nyu pa ba yung reunion daw naming 2nd year hs? Eto na yun! Ang tagal lang diba? Hays, alam ko namang hanggang mga plano lang ng maaga ang alam ng mga kaklase ko noon e , kaya alam kong ganito katagal bago matupad yung pinlano plano pa nilang reunion . At dahil nga sa may makulit , madaldal, at hyper slash kitikiti akong bestfriend ay napapayag ako ng wala sa oras na sumama . Tss, kinunchaba ba naman ang nanay ko! Ayun, pinayagan ako kahit di naman ako nagpapaalam . Well, ang lakas din ng bestfriend ko sa nanay ko e nuh? -.-"

At dahil nga sumama ako . No choice din ako kundi magready sa asaran mamaya . Kasi nga diba maraming alam sakin tong mga kaklase ko nung 2nd year? Kaya syempre mag bubunyagan yan ng magbubunyagan at mag aasarn ng mag aasaran . Tss, anu ba naman kasi tong pinasok ko oh! Kayamot naman, for sure ako na naman ang hot topic ng mga kaklase kong yun . Bushet na buhay naman oh ? masyadong showbiz ang buhay ko .

" Asan na daw ba yung van? diba ang sabi pang apat na bahay to na dadaanan? Asan na raw ba? Ang tagal naman, pinagmamadali mo ko kanina tas ngayon tayo pa mag iintay , " Ang sabi ko sabay upo sa may upuan naman sa terrace . No choice din naman kami kundi maghinaty e. Tss, bakit ba lage na lang akong no choice sa buhay? korni naman oh .

*Busina ng Van .. 

" Ayan na sila! WAHHHHHHHHHH , Hello Jarlath, Hi Vern , Hi Hannah! KAMUSTA NAAAAAAAAA. KYAHHHHHHH, namiss ko kayu ng sobra!! " Anu ba naman yan! Di pa man bukas ang pinto ng van pero nagsisigaw na tong si Cess. Hays abno talaga tong babaeng to , ang hyper hyper e. 

Pagkabukas ng pinto ng van ay agad kong nakita si Jarlath na nasa tabi ng driver , at sina Vern at Hannah na niyayakap na agad ni Cess. Hays, anu ba yan! Ang oa naman e -.-" anung eksena naman kaya ito? Well, di ako sanay sa ganitong eksena .

my BITTER EX .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon