SOFT LAUNCH
May palugid na isang araw ang pagpunta namin sa Cebu kaya sa natitirang araw ay naisipan naming magbeach ni Juan. At kung mamalasin ka nga naman sumama pa sa amin si Zamuel at Hera!
“I think, ito na lang na black bikini ang mas maganda sa’yo”
Suggestion ni Hera. Kasalukuyan kasi kaming namimili ng swimwear dahil wala akong dala
Hindi ko naman kasi alam na magkakaroon pa kami ng time mag swimming.
Nang makapili kami ng susuotin ay agad kaming bumalik sa starbucks kung saan naghihinaty sila Juan at Zamuel.
Malaki agad ang ngisi ni Juan ng makita ako.
“Dapat sinama mo ako. Sana ako ang pumili ng swimsuit mo” pabulong niyang sabi.
“Manyak ka talaga ‘no?” Mahina siyang tumawa sa sinabi ko.
Hindi ko na siya pinansin at inirapan lang.
“Good night Raine”
Hinalikan ni Hera ang pisngi ko, plastic naman akong ngumiti sa kanya.
Hindi na namin kasama sina Hera pabalik ng hotel kasi may pupuntahan pa raw si Zamuel kaya kami ni Juan na lang ang sabay bumalik ng hotel.
“Feeling ko hindi conference pinunta natin dito”
Huminto siya paglalakad at kunot noong tumingin sa akin.
“Feeling ko bakasyon mo lang ito at bored ka lang kaya dinamay mo ako. Eh wala namang ibang student sa conference tayong dalawa lang”
Kahapon ko pa gustong itanong sa kanya ito. Kasi parang mas mukhang auction pa nga ang pinunta namin dito.
“At least nakapag unwind ka bago bumalik sa klase”
I rolled my eyes. Unwind daw really? Hectic nga schedule namin kasi sa daming requirements at may exam pa ako!
Bobo ba siya?
“Hindi ko alam kung ano ang nahithit mo at dinamay mo ako rito. Baka nakakalimutan mong hindi pa ako nag e-exam”
Tumawa siya sa sinabi ko
“Take this as your vacation. Minsan ka na lang magpahinga nagrereklamo ka pa”
Kusang umarko ang kilay ko.
“Iba rin trip mo ‘no? Next time hindi na ako sasama sa’yo mas nastress pa nga ako imbes na mag unwind!”
Iniwan ko siya at nagmadaling pumasok sa room. Narinig ko pa siyang tinatawag pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
Kinabukasan marami kaming napiling gawing water activities. Inuna namin ang snorkeling sabi kasi ni Hera ay hindi pa niya na-try ito kaya gusto niyang subukan. Kahit din naman ako ay hindi ko pa nasubukan.
“Hindi ko alam na maganda pala itong gawin Zamuel. Kapag nasa beach tayo hindi mo ako sinasama kapag nag snorkeling ka” pagtatampong sabi ni Hera kay Zamuel.
“You can’t swim kaya hindi nakita isinasama”
“Pero pwede pa rin gawin ‘yon kahit hindi marunong lumangoy!”
Biglang lumingon sa akin si Hera at bahagya pa siyang lumapit sa akin.
“Na-try mo na ba Raine mag snorkeling?”
Umiiling ako. Kasi kahit anong water activites wala pa akong nasusubukan kaya kinakabahan ako ngayon dahil bukod sa wala akong experience, hindi rin ako marunong lumangoy.
“But you know how to swim?”
Umiling pa rin ako
“Parehas pala tayo! Pero syempre you want to try rin mag snorkeling at scuba diving”
YOU ARE READING
Razing the wall for passion
Romance"This wall between us, what does it hide? This wall between us, I'm the other side" John Simon Del Pier III born to be a sole heir of Del Pier Empires. He's the man of everything, never experience competition in life, lahat ng gusto ay nakukuha, kil...
