PHOTOGRAPH
After ng Cebu naging busy agad kami buong weekend. As in walang pahinga sunog kung sunog ang kilay. Sumabay kasi sa exam ang mga projects at ‘yong foundation day ng school.
Bukod dito kailangan ko ring magpasa ng report tungkol sa naging takbo ng seminar namin. Sa dami kong ginagawa ay hindi ko naalala na duty ko pala ngayon sa clinic.
Nag message sa akin si Zamuel tinanong niya kung bakit ako hindi pumunta sa clinic ipinaliwanag ko naman na marami akong gagawin sa school.
To Zamuel: Baka next Friday pa ako makakapunta sa clinic not sure pa kasi maraming projects at article na kailangan habulin idagdag pa ‘yong foundation.
From Zamuel: I can adjust my schedule. If you are free next Friday doon na lang ako pupunta.
To Zamuel: Huwag mo na akong hintayin. Nandon naman si Mary she can assist you.
From Zamuel: Abala rin ako ngayong linggo sa susunod na Biyernes na ako pupunta.
Hindi na ako nagreply at ipinagpatuloy na lang ang pagcheck ng ginawa kong design sa canva para sa flyers na gagamitin namin sa photo booth sa foundation.
Actually after ng Cebu napapadalas ang palitan namin ng messages ni Zamuel nagulat nga ako noong una kasi araw-araw siyang nag te-text sa akin pero iisa lang naman palagi niyang tinatanong tungkol sa check up niya. Kaya hindi ko rin binibigyan ng meaning kasi bukod sa may fiance na siya, baka…concern lang siya sa ngipin niya?
“Okay na ‘to maganda naman ang design hindi na kailangan ng sobrang makulay kasi baka maging oa ang kalalabasan”
Ipinakita ko kina Paulo at Shela ang pinagpuyatan kong flyers kagabi.
“Grabe ang ganda Ms. Raine! Ang dami mo namang side hustle”
Natawa ako sa sinabi ni Shela. Hindi ko naman pinagkakakitaan ang pag e-edit ko kasi wala akong time para magkaroon pa ng ibang side hustle. Bukod kasi sa pag sideline ko sa clinic wala na akong time sobrang na co-consume na kasi ng org at paper works sa school ang oras ko.
“Pwede kang mag freelance malakas ang pera sa graphic designing”
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Shela at muling natawa.
“Wala na akong time para roon baka mamaya makita niyo na ako sa kabaong kung patusin ko pa ang suggestion mo”
Pareho kaming natawa. Hindi naman ako gipit para magpakamatay kaya tama lang ako sa hidden talent. Tiyaka ko na gagamitin ang iba kong talent kapag wala na akong pera.
Mabilis lang na aprubahan ni Mrs. Castro ang ginawa kong flyers kaya pwede na namin simulan bukas ang pagbibigay nito sa iba’t ibang departments. Hindi ko na rin inalala ang budget ng booth namin sa foundation kasi may extra money pa kami mula sa seminar sa Baguio. Gumawa lang ako ng liquidation report para alam ng accounting kung saan namin ginamit ang natirang pera.
Kinabukasan naging abala ulit ako sa org malapit na kasi ang foundation kaya busy kami. Actually lahat ng department ay abala ngayon. Parang mas mahirap pa nga ang preperation sa event kumpara sa pag review ng exam. Feeling ko babagsak talaga katawan ko sa pagod.
“Grabe nakakapagod makipag-usap sa mga nursing at tourism student. Ang aarte!”
Napabuntong hininga si Lara at umupo sa tabi ko.
“Mabuti hindi nila tinapon ‘yong ibinigay mong flyers?”
Nagpantig ang tenga ko sa tanong ni Shela kay Lara.
YOU ARE READING
Razing the wall for passion
Romance"This wall between us, what does it hide? This wall between us, I'm the other side" John Simon Del Pier III born to be a sole heir of Del Pier Empires. He's the man of everything, never experience competition in life, lahat ng gusto ay nakukuha, kil...
