INTERVIEW
Nang makauwi ako sa bahay tumawag si Zamuel. Akala ko noong una si Sunny nasungitan ko tuloy.
“Patulugin mo naman ako Sunny!” Singhal ko sa kabilang linya.
Hindi ko tiningnan kung sino ang caller kasi akala ko si Sunny siya lang naman tumatawag sa akin ng alas-diyes ng gabi.
Pero nagulat ako ng biglang makarinig ako ng baritonong tawa sa kabilang linya!
Mabilis kong tiningnan ang screen ng phone ko at nakita ko ang number ni Zamuel!
Oo nga pala at nakipagpalitan na ako ng number sa kanya dahil sa sched niya sa clinic.
“Sorry..Zamuel akala ko si Sunny”
“That’s okay hmm..naistorba ata kita?”
I bite my lower lips.
“No uhm…’di pa naman ako natutulog may inaayos pa akong school stuff”
Muli siyang humalakhak.
“Sorry Yvon for interruption next time na lang ako tatawag”
“Hindi okay lang. Inaayos ko lang ang pictures sa foundation para sa club namin uhm…pang lagay sa article”
Mahabang explanation ko.
“Mukhang busy ka sorr-”
I cut him immitiately
“No that’s okay ‘di namin ito medyo importante”
Nag scroll ako sa laptop para makita pa ang ibang photos na kuha nila Paulo at Jerome.
Ito kasi ang gagamitin namin pang post sa website. Pero tapos na ako nang tumawag si Zamuel at dino-double check ko lang kasi ipo-post ito sa website ng school.
“Bakit ka pala napatawag? May kailangan ka ba sa clinic?”
Pwede ko namang ipaabot kina Mary at Mama ang concern niya. Baka ‘di niya ma-contact si Mary kaya ako ang tinawagan niya.
“Actually I didn’t call for that. I call you because I want to invite you for a dinner”
Huh? Ano raw? Dinner kami?
“Sorry Zamuel I-I can’t clearly hear you” tanong ko pabalik sa kanya kasi baka nagkamali lang ako ng narinig diba? Ayoko pa namang mag assume.
Mahina naman siyang umubo sa kabilang linya.
“Are you free this Sunday? Invite sana kita ng dinner”
Hindi muna ako nakapagsalita parang bigla akong nablanko sa sinabi niya.
Ano raw?
“Hindi ako pwede ng hapon kasi awarding ‘yon kailangan ako sa school”
I bite my index finger. Hindi ko alam kung ano ang naradamdaman ko ngayon bigla akong kinabahan.
“Susunduin na lang kita after ng school niyo if that’s okay with you?”
Mas lalo kong diniinan ang pagkagat ko sa aking kuko.
“P-pwede naman” wala sa sarili kong sabi.
“Kung ganun see you on Sunday, magpapaalam na din ako kay doktora”
Napanguso ako para pigilan ang ngiti.
“Okay. Night Zamuel”
Muli siyang tumawa sa kabilang linya.
“Good night Yvon update me on Sunday”
Halos isang oras kong inisip ang sinabi ni Zamuel kagabi na aayain niya akong mag dinner pero nakakainis lang kasi napapayag agad ako.
YOU ARE READING
Razing the wall for passion
Romance"This wall between us, what does it hide? This wall between us, I'm the other side" John Simon Del Pier III born to be a sole heir of Del Pier Empires. He's the man of everything, never experience competition in life, lahat ng gusto ay nakukuha, kil...
