Lara's POV
Kasalukuyan kong kinakalikot ang phone ko, chinicheck ko kasi sa FB kung ano mga bagong chika, ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bryan na may malungkot na itsura.
Agad na pumasok sa isip ko hindi pumayag ang land lady nya na dumito muna ako pansamantala. IM DEAD!!!!!
"A-ate, sorry ka-"
"Okey lang yan Bry,!" agad kong putol sa mga sasabihin pa sana nya.
" Maghahanap nalang ako ng ibang matu-"
"Pero pumayag si aling Ethel na dumito ka muna!"
Putol rin nito sa mga dapat ko pa sanang sasabihin. Abot taenga rin ang ngiti nito sa ibina lita nya sa akin.
"Really Bry?"
"Yup! All thanks to kuya Dom's magical words! Sya kasi ang naka kumbinsi kay aling Ethel eh"
Tukoy nito sa lalaking nakita ko kanina sa labas.
"Ah. . . So magaling pala siyang mangumbinsi, siguro marami na rin naging girlfriend yun!"
"Marami ang nag hahabol... Pero girlfriend, wala! Sa pagkaka alam ko isa lang naging girlfriend nun eh!"
"Oh! Really? One woman man pala sya.,. So, matagal na sila ng girlfriend nya kung ganun?" patuloy ko sa pang uusisa sa buhay ni Dominic.
"Nope! Matagal na silang wala ng girlfriend nya,. Right now, he's VERY SINGLE, and VERY AVAILABLE!" pagmamalaki ni Bryan.
"Ahhhh."
Tanging sagot ko lang. Ninanam nam ko pa kasi ang sinabi ni Bryan na VERY AVAILABLE daw si Dominic.
"Sige lang Lara! Ipagpatuloy mo lang yang pang iintriga mo sa buhay ni Dominic! Landeee pa moreeee!" sabi ng kontrabida kong isip.
"Gusto mo ilakad kita sa kanya?" Napabalik ako sa kasalukuyan sa sinabi ni Bryan.
"Ano?"
"Tinatanong kita kong gusto mo ba na ilakad kita kay kuya Dom? Mukha kasing kilig na kilig ka sa nalaman mo eh!"
"HOY! BRYAN ANDRIE TORRES! Tigil tigilan mo ako sa mga kalokohan mo ha! Ano nanaman yang mga pinagsasa sabi mo?" pinanlakihan ko ito ng mga mata.
"Asus! kunwari ka pa dyan ate, eh kitang kita ko naman mga titig mo kay kuya Dom kanina eh, ANG LAGKIT!!!!" pang aasar pa nito.
Sinugod ko sya ng hampas at kurot may kasama pang batok dahil sa mga pang aasar nito sa akin. Tawa lang naman ito ng tawa, parang hindi ini inda ang mga sakit na ginagawa ko sa kanya. Natigil lng ang pananakit ko sa kanya ng biglang may kumatok.
"Aray aray ate! Tama na! May kumakatok bubuksan ko muna."
Saka ko lamang binitawan ang buhok nyang sinasabunutan ko. Naglakad na ito sa pinto at binuksan ito. Nakita kong tumatayo doon ang lalaking pinag uusapan namin kani kanina lamang.
Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko, sigurado akong pulang pula na ako ngayon. Nakakahiya naman kasi, at na giguilty ako, para kasing pinag chichismisan namin ang taong ito na wala nang ginawa kundi ang tulungan ako.
"Nahihiya ka ba talaga o kinikilig parin?" tanong ng isang bahagi ng aking isipan.
"Uhm... BOTH?" lihim kong sagot sa isipan ko. "Enebeee nengyeyere se serele ke?" haha.
Dominic's POV
Si Bryan ang nag bukas ng pinto, ngunit wala sa kanya ang aking atensyon kundi sa babaeng nakaharap sa pinto at nakatayo malapit sa kama ni Bryan. Napaka ganda talaga ng mata nya! Parang may sariling buhay ang mga ito, parang punong puno ng kaligayahan at handang magpasaya sa bawat taong mahal nito.
BINABASA MO ANG
My Boardmate's Sister (Dongyan)
RomanceThe First time our EYES met, i instantly felt that arrow in my HEART . . . . From that very day I knew you are the GIRL sent for me. Para sa mga DONGYAN adikz dyan! Let's read! hahaha. Katuwaan lang po! Pantanggal umaay!!! #TeamDongyan #LabLab #Hart...