CHAPTER FOUR

54 3 0
                                    

Lara's POV








Nadirito ako sa may veranda ng apartment ngayon, nanglalagkit at pawis na pawis. Katatapos ko lng kasing linisin ang kwarto ko pati na ang buong kwarto ni Bryan. Sa kwarto ko syempre hindi ako masyadong nahirapan kasi halos araw-araw ko rin naman iyon nililigpit, pero sa kwarto ni Bryan, Jusko! akala ko nga nung pagpasok ko ay nag kamali ako ng kwarto, akala ko kasi nasa bodega na ako ng bahay sa sobrang dami ng mga kalat doon, books, papers, sapatos, medyas at mga di na lalabhang damit. Inipon ko lahat ng mga labahan nya and it made me think kung may mga naisusuot pang malinis na damit ang kapatid ko sa sobrang dami, nag susuot pa kaya si Bryan ng brief o binabalibaliktad nya nalang ito?. Nakakaloka lang talaga si Bryan. Feeling ko naubos lahat ng energy ko na nakuha sa kinain ko kaninang umaga!.





Kaya eto magpapahinga nalang muna ako saglit at maglalaba na naman ako ng mga damit nya, nakakaawa naman kasi sya,. Di bali, bababwi nalang ako sa kanya, magpapalibre ako ng fishball at softdrinks mamaya pag uwi nya,








"LARA!"








Napalinga linga ako sa paligid ng marinig ko ang pangalan ko,. pero wala naman akong nakita maliban sa mga tambay sa labas ng gate na nag uusap at mga taong dumadaan, alangan naman sila ang tumawag sa akin, siguro na mali lang ako ng dinig. Deadma na nga.





"LARAA!!!" napapitlag naman ako ng marinig ko ulit ang pangalan ko.








Naku po! Pinaglalaruan yata ako ng mga engkanto ah, bakit ba parang naririnig ko ang pangalan ko eh wala namang tao dito. Lord, ilayo nyo po ako sa mga masasamang espirito at mga engkantong nambobolabug sa tahimik kong buhay please!



Napausal tuloy ako ng dasal ng wala sa oras. Muli akong lumingon sa paligid ko, nagbabakasakaling may makita na tumatawag sa akin pero wala talaga.

"Ano ka ba Lara, gutom ka na yata at kung ano ano na ang naiisip mo. Mabuti pa magha-."








"Ate Lara!"








"Ay! buteteng dwende!" napatalon ako sa gulat ng biglang may sumigaw ng pangalan ko ulit. Hinanap ko kung saan nang galing ang boses at nakita ko si Bench sa baba, ang cute na bunsong anak ni aling Ethel. "Bench!!! nanggugulat ka naman eh! muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa mo!"






"Kape pa more ate!" sagut nya sa akin.





"Lokong bata! Anu ba ang kailangan mo at ginulat mo ako?"








"Hindi po kita ginulat ate, nagulat ka lang talaga." nakangisi nitong sambit.





"Oo na! ako na magugulatin" nginitian ko ito.








" Kanina pa po kasi kayo tinatawag ni kuya Dominic, andun po sya oh, sa ibabaw ng puno ng mangga!"





Sinundan ko ang punong tinuro ni Bench at nakita ko nga si Dominic doon, nakaTOPLESS! Shet na malagkit! pawis na pawis! Tarzan ang peg? He waved at me and flushed his panty dropping smile! Labas ang biloy jusme! Panginuon tulungan nyo po akong huminga ng tama, kinakapos na po kasi ako eh! Parang gusto ko maging si Jane at kumapit sa mga bisig nya habang naglalambitin kami sa punong yan!





"Ate LARAA!!!"





"Ay! buteteng Trek!" muli nanaman akong na gulat sa sigaw ni Bench. Itong batang to talaga, giliw na giliw ata tuwing ginugulat ako eh! "Bench! Anu ba! ba't ka nang gugulat?"





My Boardmate's Sister (Dongyan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon