Buwan na ng marso, buwan na ng bakasyon at panahon narin ng pagtatapos.
At gaya ng ibang mga istudyante na nagaaral sa maynila at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay ay excited narin si Bryan na makauwi at maka piling ang pamilya niya. Si Dominic naman ay naguumapaw ang kasiyahan sapagkat nagtatapos na ito sa kolehiyo.
Parehong nag aaral sa iisang university at kumukuha ng medisina, bagamat hindi nagkapareho ang kanilang year level ay naging magkasundo ang dalawa.
At dahil sa iisang boarding house sila nanunuluyan ay naging mas malapit pa nga sila sa isa't - isa.
Si Dominic ang naging takbuhan ni Bryan sa tuwing may mga problema ito o magpapatulong sa mga kailangan sa eskwela.
Nakababatang kapatid narin ang naging turing ni Dominic kay Bryan. Kahit na Freshmen palamang si Bryan at nasa senior year naman si Domic ay hindi ito naging hadlang upang maging close sila. Sila ang palaging magkasama.
Si Dominic Alvarez ay ang nag iisang anak ng mag asawang abogado na sina Mr.Dante Alvarez at Mrs.Anita Alvarez. Ang dalawa sa pinakamagagaling sa larangan ng pag aabogasya.
Si Bryan Torres naman ay ang bunso sa tatlong anak ni Erik Torres na nagmamay ari ng Torres Shipping Company.
Dominic's POV
"Oy, kuya Dom nandyan ka na pala! Tamang tama at luto na itong special pansit ko"
Katatapos ko lang magjogging at pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nagluluto si Bryan ng kanyang specialty ang tinatawag niyang Pansit ala Bryan.
Bryan is best when it comes to cooking. Every dish he makes has an impact to those who'll taste it. Parang may magical touch talaga sya sa pagluluto.
Nagtataka nga ako kung bakit pagiging doktor ang kinuha niya eh mas bagay sa kanya ang maging chef. Nahihirapan kasi itong maka catch up sa mga lessons nito ngayon at hirap rin ito makibagay sa iba, it's not that he's not smart or unfriendly, it's just he doesn't have the heart of being a doctor. But everytime he cooks, boy you can see the happiness and enjoyment in his moves and all over his face.
"Kuyz!"
"Yup?"
"Let's eat, anu pa tinatayo tayo mo dyan?" naka ngisi nitong sabi.
"Sige, kuha lang ako ng plato, nga pala bumili ako ng pandesal sa kanto mainit - init pa!" abot ko sa kanya ng supot.
"Right timing kuyz!"
Kumuha ako ng plato at agad nang naupo sa dinning table. Kumuha agad ako sa pansit na niluto ni Bryan. Honestly, I just love his pansit specialty.
Magana na kaming kumakain ng magsimula itong mag salita.
"Kuya Dom, tapos mo na ba ipasa lahat ng mga requirements mo sa school?"
"Yup! All done. Hindi kaya makakapag march kapag hindi pa kompleto!" paliwanag ko "How 'bout you man? Don't tell me you're not done?"
"Ang hirap naman kasi ng mga hinihingi ng mga profs namin kuya Dom! Di ko na kinakaya!"
Nagsimula na itong magdrama.
"So?"
"So? Yun lang ang masasabi mo kuya Dom?" nanggagalaiting saad nito. "Kuya Dom naman, para saan pa at naging magkaibigan tayo?"
"Tell me what do i need to do, so I can help you with your problems and cut that nonsense drama Bry! Are you gay man?"
"Gay agad kuyz?"
BINABASA MO ANG
My Boardmate's Sister (Dongyan)
عاطفيةThe First time our EYES met, i instantly felt that arrow in my HEART . . . . From that very day I knew you are the GIRL sent for me. Para sa mga DONGYAN adikz dyan! Let's read! hahaha. Katuwaan lang po! Pantanggal umaay!!! #TeamDongyan #LabLab #Hart...