Dominic's POV
"Hindi ka ba talaga sasama sa amin Bry?" tanong ni Lara sa kapatid.
Linggo kasi ngayon at gaya ng na kagawian namin ay inaya ko silang mag simba. Kaso hindi daw si Bryan mkakasama dahil marami itong kailangang tapusin na school works.
"Ate, kung sasama ako sa inyo, hindi ko nanaman matatapos ang mga ginagawa ko."paliwanag nito sa dalaga. "Kaya kayo nalang ni kuya Dom, mag enjoy lang kayo sa lakad nyo at dalhan nyo nalang ako ng pagkain pagbalik nyo."
"Ikaw talaga kahit kailan, kalokohan laman ng utak mo!" Sabay hampas sa braso ng kapatid nya.
"Handa na po akoooo!"
Sabay sabay kaming napalingon sa napakalakas na boses na nagmumula sa bungan ng pintuan namin. Doon nakatayo si Bench na nakaporma na at handa nang umalis.
"Oh, akala nyo artista no? Si bench lang ito!" Sabi nito habang naglalakad palapit sa amin.
"Pare! Sasama ka rin sa kanila?" Tanong ni bryan sa bata.
"Opo kuya master chief!"
"Aba mabuti naman kung ganun! Bantayan mo ang ate ko habang wala ako ha!"
"Bakit? Hindi ka po ba sasama sa amin kuya?"
"Hindi eh. Marami kasing ginagawa si kuya."
"Ay, sayang naman pala!"
"O, pano? Alis na tayo?" Aya ko sa kanila.
"Let's go."
"Bye kuya chief!"
Nauna akong bumaba upang mabuksan ang pinto ng kotse ko. Magkasama naman sina Lara at Bench .Pina akyat ko muna si Bench sa likuran bago ipinag bukas si Lara ng pintuan. Umikot ako sa kabilang side at pumwesto na sa harap ng manibela.
"Wow! Ang ganda ganda talaga dito Sa mall ate Ganda no? At ang lamig pa!" Masayang Sabi ni Bench Kay Lara.
Nandito kami ngayon sa mall. Pagkatapos ksi namin magsimba ay nag aya si Bench na mamasyal sa mall. Kaya heto ako nakasunod lang sa kanilang dalawa, na magkahawak kamay papasok.
"Oo naman. Palagi ka bang pumupunta dito Bench?"tanong ni Lara Sa bata.
"Hindi po! Kapag may time lang si kuya pogi, dinadala nya ako dito para mamasyal."
"Talaga?"
"Opo! Ang bait-bait nya po ano?" Sabay baling nito Sa akin."Kuya pogi! Bilisan mo na dyan! Ba't ba ang bagal mo maglakad?"
Binilisan ko nalang ang paglalakad at lumapit Sa kanilang dalawa.
"Kuya pogi, ang lambot lambot po ng mga kamay ni ate Lara no?"
"Maybe."
"Ang ibig mong sabihin, hindi mo pa nahahawakan kamay nya?"
"Nope!"
"Gusto mong hawakan?" At bahagya pang nag taas baba ang kilay nito.
"Bench!" mahinang suway ni Lara kay Bench.
"Sure!"
Napatingin Ito sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong yumuko.
"Okey. Try mo oh." Sabay abot Sa akin ng kamay ni Lara.
I took her hands in mine. Binabawi nya ito ngunit hindi ko ito binitawan kaya sumuko nalang ito.
"Kuya pogi, gutom na'ko! Tara kain na tayo."
"Ayun! May iba ka palang plano Bench! Ako pa ipinain mo!" Natatawang Sabi ni Lara kay Bench.
Nagtungo kami sa isang restaurant upang mag lunch. Tinanong ko ang gusto nila at ako na ang umorder, sinabihan ko nalang silang maghanap ng mauupuan. Pagkatapos kong umorder ay bumalik na ako sa kanila. Magkatabi kami ni Lara at si Bench naman ay nasa harapan namin.
"Alam nyo, hindi kayo TAO!." walang ka abog abog na sabi nito habang nakatingin sa amin.
"Ano?" gulat na tanong ni Lara.
"Ang sabi ko HINDI KAYO TAO!" parang wala lang na sagot nito.
"Ikaw rin naman ah, hindi ka tao! Hayop ka! isa kang baboy!" saad ko sa aking isipan. "Ano?" kunot nuo ko ring tanong sa kanya.
"Hay naku! ang Slow nyo lang!" sabi nya sa amin. "Ang dapat nyong tanong eh, "BAKIT???" hindi Ano? Ano? Parang tanga lang?"
Nagtinginan nalang kami ni Lara na para bang natatwa na. Bwisit na bata to!
"Bakit?" tanong ni Lara kay Bench na para bang sinasakyan nalang ang kalokohan ng makulit na bata.
"Eh kasi BAGAY kayo! BAGAY NA BAGAY!" sagot nito na medyo napalakas pa ang boses dahilan upang mapatingin sa mesa namin ang iba pang kumakain.
"Ikaw Bench ha, lagi mo nalang kami pinagtitripan ng-"
"Talaga Bench? Bagay kami ng ate Ganda mo?" putol ko sa sinasabi ni Lara na ikinagulat nya at napatingin ito sa akin. Hindi ko ito nililingon pero kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na pulang pula na ang mukha nya.
"Oo naman kuya pogi!" sagot ni Bench sabay kindat. "Gusto mo ba maging girlfriend si ate ganda kuya pogi?"
"Oi Bench-"
"OFCOURSE! who wouldn't? Your ate ganda would be a perfect girlfriend if ever.!
"Edi girlfriend mo nalang sya!" inosenteng saad ng bata.
"Talga? Girlfriend ko na si ate ganda mo? edi, pwede ko na syang tawaging MINE?"
BINABASA MO ANG
My Boardmate's Sister (Dongyan)
RomanceThe First time our EYES met, i instantly felt that arrow in my HEART . . . . From that very day I knew you are the GIRL sent for me. Para sa mga DONGYAN adikz dyan! Let's read! hahaha. Katuwaan lang po! Pantanggal umaay!!! #TeamDongyan #LabLab #Hart...