Lara's POV
"Talaga? Girlfriend ko na si ate ganda mo? Edi, pwede ko na syang tawaging MINE?" Tanong ni Dominic kay Bench na nagpakuha ng aking atensyon.
Agad ako napalingon sa sinabi nya, at sakto rin ang pagharap nya sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay agad ito napakindat sa akin na agad namang nag patalon sa pasaway kong puso. Ewan ko ba sa puso kong ito at napaka attentive sa tuwing nagsasalita si Dominic! agad- agad pa ang reaksyon! nakakaloka! Kanina pa ako nakakaramdam ng pagiinit ng mukha, feeling ko tuloy ang pula pula na talaga ng mukha ko! Dinadaig ko na ang clown sa kapulahan ng pisngi!
Nagbawi naman ako ng tingin ng bigla itong ngumiti ng pagkatamis. Pakiramdam ko kasi mauubusan na ako ng hangin, kaya kailangan kong bumawi ng tingin at ibaling ito sa aking pagkain.
"MINE?" narinig kong sabi ng makulit na si Bench kay Dominic. "Ano yun?"
"Mine, ibig sabihin akin lang. Iyon ang itatawag ko sa ate ganda mo pag naging girlfriend ko sya!" paliwanag naman ni Dominic sa bata.
Patuloy lang ako sa pagtutok sa aking pagkain, kahit na wala naman doon ang aking atensyon. Actually, nawalan na ako ng gana. Hindi naman ako makatingin kay Dominic kasi ramdam ko parin na mapula parin ang mga pisngi ko.
"Okey lang rin ba sayo ate ganda na MINE ang itawag ni kuya pogi sayo?" baling ni Bench sa akin.
Pahamak na bata ito! Parang nasasalang ako sa HOT SEAT o sa TONIGHT WITH BOY ABUNDA sa mga tanong nya sa akin! "Naku Bench, kung ano ano na mga tinatanong mo, kumain ka na nga dyan at nang makapamasyal pa tayo. Pupunta pa tayo sa Time Zone diba?" pag iiba ko nalang ng usapan.
"Ay, oo nga pala!" sagot nito sa akin at sabay subo ng kinakain.
Nagpakawala ako ng buntong hininga ng hindi na ito nag tanong pa. Nang lingunin ko si Dominic ay nakatingin parin ito sa akin habang nakangiti. Binawi ko naman agad ang tingin ko dito.
OMGEEEEE! Nasosofocate ako sa mga ngiti ng damuho!
Pagkatapos naming kumain ay, nagtungo nga kami sa Time Zone kung saan tuwang - tuwa ang dalawa sa kanilang paglalaro. Nakakatuwa lang silang tingnan. Napaka alaga ni Dominic sa bata. Sa tingin ko, magiging mabuting ama si Dominic sa mga magiging anak neto. Napaka Swerte siguro ng mapapangasawa ng lalaking ito.
Di ko tuloy mapigilang kiligin. What If kami ni Dominic ang magkatuluyan? What Life could he give to me? I'm sure I'll be the happiest! Di ko na namamalayang napapangiti na pala ako sa isiping iyon. Nagmumukha na akong baliw sa gitna ng time zone.
Pagkatapos doon ay namili pa kami ng ilang kakailanganin sa bahay, supply ng pagkain at kung ano ano pa. Binilhan narin namin ng pagkain si Bryan pati na rin sina aling Ethel at ang pamilya nya.
Nakatulog na si Bench sa sasakyan ng pauwi na kami. SObra siguro itong napagod sa paglalaro kanina. Pagkadating namin sa apartment ay, binuhat na ni DOminic si Bench papunta sa bahay nila, kinuha ko naman ang mga supot ng ulam na para sa kanila ni aling Ethel.
TOK! tOK! TOK!
"Naku DOminic! namimihasa na talaga ang batang ito sa inyo, iniispoild nyo kasi eh." agad na bungad ni aling Ethel kay DOminic.
"Hayaan nyo na po aling Ethel, minsan lang naman eh." sagot naman ni DOminic dito.
"ALing Ethel, eto po may dala kami para sa inyo ng mga bata," inabot ko dito ang supot ng ulam na binili namin.
"Nagabala pa talaga kayo." at kinuha na nya si Bench kay Dominic. "Joseph, hali ka nga muna dito at kunin mo ang kapatid mo!" sigaw nito sa panganay na anak.
"Akyat narin ho kami sa taas aling Ethel." pahayag ni Dominic matapos abutin ng matanda ang supot.
"Maraming salamat sa dala nyo ha, at pasensya na kayo Lara sa kakulitan ng anak ko, nasira pa tuloy ang pagdedate ninyong dalawa dahil kay Bench"
" Naku, hindi naman po kami nagdate aling Ethel, nagsimba lang kami at namasyal sa mall." paglinaw ko dito.
"Sya sige! kung ano man ang tawag ninyo sa mga ganyan. Maraming salamat ulit dito ha." sabay taas ng kamay.
" Walang anu man po" sagot ni DOminic.
BUmalik na kami ni DOminic sa kotse nito at kinuha ang mga pinamili namin kanina. Pinilit ko syang ako ang magdala ng ibang pinamili pero ayaw nya. Kaya yung supot ng ulam nalang ang dala ko. Sabay na kaming umakyat ng bahay.
*~~~~~~*~~~~*~~~~*~~~~*
A/N
Sorry po sa napaka tagal na pag update. super busy lang po kasi....
Maraming salamat rin po sa mga nagtatyagang magbaa nitong story ko! naapreciate ko po kahit na silent reader lang kayo. Thank You So SOSo much!
Hayaan nyo po, sisikapin ko po ang pag uupdate.
#TeamDongYan #DongyanAdikz #LoveLove #HartHart
BINABASA MO ANG
My Boardmate's Sister (Dongyan)
RomanceThe First time our EYES met, i instantly felt that arrow in my HEART . . . . From that very day I knew you are the GIRL sent for me. Para sa mga DONGYAN adikz dyan! Let's read! hahaha. Katuwaan lang po! Pantanggal umaay!!! #TeamDongyan #LabLab #Hart...