Chapter 4

6.1K 189 8
                                    

Now Playing: Moment (OST of The Heirs) by Changmin (2 AM)

Hoping that this longing can fly with the wind.

Reach you and will tell how I feel.

Love is the moment

The moment you came into my life.

You filled my whole life

You filled my whole heart.

All I think is you.

Love is the moment

The day that you left I won't forget

Lingers in my mind, no I won't forget.

****

Maagang nagising si Alden ng araw na iyon ng Sabado. Dadaan muna siya ng studio para sa praktis para sa live variety show kinabukasan ng tanghali kung saan isa siya sa mga hosts at pagkatapos noon ay tutuloy na sila ni Popoy sa bahay ng mga ito para dumalo sa birthday ng inaanak na si Airah. Ilang oras lamang si Alden sa studio pagkatapos ay sumakay na ng sasakyan.

"Hindi yata maganda ang gising mo, Alden." Puna ni Popoy habang nasa biyahe.

"Medyo masama nga ang pakiramdam ko, Kuya."

"Magpahinga ka rin kasi minsan. Puro trabaho ang iniisip mo. Tumawag nga sa akin ang PA mong si Totit. Kumbinsihin daw kitang magbakasyon muna total patapos naman na ang mga projects mo. Tumatanda ka na, Alden."

"Hayaan mo, Kuya pag-iisipan ko. Bakasyon nga yata talaga ang kailangan ko."

"Hindi ka ba dadalaw sa inyo?" Matagal bago sumagot si Alden.

"Hindi ho."

"Alden-"

Pinigil ni Alden si Popoy sa pagsasalita. "Dumaan muna tayo ng mall, Kuya. Nakalimutan kong bumili ng regalo para kay Airah." Napapailing na lamang na tumahimik si Popoy. Iwas na iwas pa rin ang binatang pag-usapan ang tungkol sa personal nitong buhay lalo na ang tungkol sa pamilya nito.

====*====

"Anlaki na pala ng anak mo, Ate Susan." Natutuwang saad ni Maine habang nakatingin sa batang babae na nakikihalubilo sa mga kaibigan nito sa labas ng bahay. Napangiti naman si Susan sa tinurang iyon ni Maine.

"Oo nga, Miss Maine. Siya na ang lahat sa buhay ko." Seryosong sagot nito habang nakatingin sa anak. Nasa sala sila noon kasama ang ilang malalapit na bisita. Katabi niya si Sandy. Hindi naman gaanong kalakihan ang konkretong bahay na nasa isang standard subdivision. Simple lamang ang bahay na kumpleto rin naman halos ang kagamitan. Middle class, ika nga.

"Ate, antagal naman ng special guest ni Airah," nakatawang wika ng isang dalaga na tantiya ni Maine ay nasa edad disiotso. Kaedad nito ang tatlo pang kadalagahan na katabing nakaupo at pawing mga nakangiti rin.

"Aba! Bakit pakiramdam ko eh ang bisita kong iyon ang ipinunta ninyo at hindi ang birthday ni Airah, ha? Isumbong ko kaya kayo sa mga nanay nyo?"

"Ate Susan naman! Namiss lang naming kausap iyong bisita mo. Tsaka may papipirmahan akong magazines at CDs ng mga kaklase namin. Nakapangako kami, eh. Buti na nga lang hindi na sila nangulit kasi sabi namin magbibeach party si Airah at malayo yun. Hahaha."

"Kayo talaga! Malapit na daw sila ni Popoy. Mabuti na lang at kakaunti ang inimbita ko. Baka magkariot na naman uli dito sa bahay gaya last year."

"Basta hihintayin namin siya, Ate Susan." Nakangiting saad ng isa pang dalaga.

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon