Chapter 17

5.2K 173 22
                                    

Now Playing: Love Me Like the First Time by Brenda K. Starr

It was a rainy day and i just got to thinking
of how our lives had changed with all the years

This room was once alive with all your laughter
and when i heard the silence i called you right away
now please don't say a word hear what i say

Love me like the first time again
Lets pretend its never gonna end
For one last night
just hold me in the way you used to do
You know, love me like the first time and go.


****

Chapter Seventeen

Ang mainit na pakiramdam na iyon ang gumising sa natutulog pang diwa ni Maine. Unti unti siyang nagmulat ng mga mata at nagtaka siya dahil sa hindi pamilyar na kisame na nabungaran niya. Saka niya lang din naramdaman na tila may nakapatong na mabigat na bagay na nasa sikmura niya. Gumalaw siya ngunit tila may nakadagan din sa mga hita niya.

Saka lang nagsink in sa utak niya ang mga naganap nang nagdaang gabi. Muntik na siyang mapasigaw nang makumpirma ang hinala niya. Lalo na nang bahagyang lingunin ang gilid niya. Si Alden nga! Ito ang nakayakap sa kanya at kung paano nangyari iyon, hindi niya na matandaan.

Nakayakap sa kanya ang binata at binti nito ang tila nakadagan sa mga hita niya. Nakasiksik rin siya sa dibdib nito. Napakagat-labi si Maine. Saka niya narinig ang mahinang hagikhik na nagmumula sa kabilang bahagi ng kama. Si Avegael na nakatingin sa kanilang dalawa. Akmang magsasalita siya nang sumenyas itong manahimik siya.

Tulog na tulog pa si Alden. Dahan dahan siyang kumilos at tinanggal ang brasong nakayakap sa kanya. Agad siyang bumangon at sinuklay ng mga daliri ang buhok. Mataas na ang sikat ng araw. Sinulyapan niya si Alden na natutulog pa rin saka senenyasan si Avegael na lumabas na sila. Natatawang lumapit sa kanya ang bata at hawak-kamay na nilisan nila ang silid.

====*====

Agad na iminuklat ni Alden ang mga mata nang marinig ang pagsara ng pinto. Saka pinakawalan ang ngiting kanina pa pinipigilan. Tumihaya siya at iniunan ang dalawang braso saka nangingiting tumitig sa kisame. Ang abot-tengang ngiti ay unti unting napalitan ng seryosong ekspresiyon saka bumuntong hininga at pumikit at muling sinariwa ang isang pangyayari sa buhay niya.

====*====

"Last day na pala ng tour natin, ano?" Wika ni Alden kay Maine.

"Oo nga, eh. Babalik na tayo ng Maynila bukas. Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Maine habang inaayos ang bag na pinaglagyan ng mga gamit para sa overnight swimming na iyon kasama ang buong klase. Huling araw na ng tour kaya naman igugugol na nila iyon sa pagsuswimming.

"Oo naman! Andami kong natutunan, eh. Sulit na sulit ang bayad natin." Napangiti si Maine.

Nasa isang resort sila noon, alas singko ng hapon. Nakaupo sila sa isang cottage kasama ang ibang kaklase. Masaya ang lahat. May nag aayos na ng pag-iihawan ng sariwang isda, may nagsisimula nang magluto at ang iba naman ay inuna ang paglulunoy sa dagat. Sinusulit ang panahong kasama ang mga kaibigan sa huling taon na iyon ng highschool.

"Tara!" Yaya ni Alden kay Maine.

"Saan tayo pupunta?"

"Maglalakad lakad. Ang ganda ng sunset, o. Dalhin mo iyong camera mo."

"Sige!" Excited na wika ni Maine. Siyang siya ang dalawa sa pamamasyal. Panay ang kuha nila ng larawan sa isa't isa hanggang sa hindi na nila napansin na bahagya na silang napalayo sa mga kasama.

"Wow! Alden, picturan mo ako dali!" Tili ni Maine na panay ang kuha ng mga starfish sa buhanging nadadaanan.

"Sandali, andami mo ng shots, eh. Ako naman." Nang mapagod ay pasalampak na naupo ang dalawa sa buhanginan. Bahagya nang madilim ang paligid at kay gandang pagmasdan ng araw na tila nagsaboy ng gintong nagkikislapan sa malawak na dagat. Tahimik na pinagmasdan ng dalawa ang araw. Kapwa naging seryoso ang mga mukha at kung ano man ang iniisip ng isa't isa ay sila lang ang nakakaalam.

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon