Now Playing: Will of the Wind by Jim Photoglo
(AN: Ang mga songs na inilalagay ko dito ang ipiniplay ko habang ginagawa ang mga updates ko and they help a lot lalo na pag mag i-internalize. Try niyo. :) lols)I spent so many hours
Thinking about the way things might have been.
And so many hours trying to bring the good times back again.
And so it goes for lonely heated fools;
They let their days slip away,
Until they give into...*****
Chapter Fourteen
"Kumain ka na, Maine." Nakangiting wika ni Aling Cora na inabutan ni Maine sa kusina habang naghahanda ng almusal niya. Mag-aalas otso y medya na ng umaga noon.
"Salamat po. Sina Kuya Popoy at Alden po?"
"Kanina pa umalis. Hindi ka na ipinagising. Magkita na lang daw kayo sa Maynila."
"Si Alden po ang nagsabi?" Nakangiting tanong ni Maine.
"Iyong si Popoy. Oy, nag eexpect, hane?" Tukso ni Aling Cora. "Paano mo ba nakilala si Alden, ha?
"K-kaklase ko po siya noong highschool, Aling Cora. N-nagkita ho kami sa isang event kahapon kaya niyaya ko na dito tumuloy dahil nga malakas ang ulan."
"Ah. May kaibigan ka palang artista. Balita ko, binata pa iyon. Hmm, bagay kayo." Nakangiting tukso ni Aling Cora. Namumulang nag-iwas ng mukha si Maine.
"Kayo talaga," wika ni Maine saka sinimulan na ang pagkain.
"Kailan ka babalik ng Maynila?"
"Bukas pa po siguro. Gusto ko po munang magpahinga. Pakipalinisan po ng kotse na pula, Aling Cora. Gagamitin ko bukas paluwas ng Maynila."
====*====
"Maine, asan ka na ba?" Di mapakaling tanong ni Sandy kay Maine sa kabilang linya.
"Malapit na ako, Sands. I'll be there in thirty minutes. Nandito na ako sa Magallanes banda. Naipit ako sa traffic, eh."
"Okay, hihintayin kita dito sa board room ng Astorias. Ewan ko ba kay Mr. Leonides ng Shinghua Group bakit biglang nagpatawag ng meeting."
"Ikaw na muna ang bahala diyan-" Hindi na natapos ni Maine ang sinasabi dahil mabilis na naagaw ng atensiyon niya ang itim na sasakyang biglang nag-overtake sa sasakyan niya dahilan para mawalan siya ng kontrol sa hawak na manibela. Iniliko niya sa kanan ang sasakyan at di niya na nakitang may isa ring kotse na tumatakbo sa lane na iyon.
"Nooo!!!" Malalakas na kalabog at salpukan ang narinig sa dakong iyon ng patag at sementadong daan pagkatapos.
====*====
"Maine!" Malakas na tawag ni Sandy sa kausap sa kabilang linya pero wala nang sumasagot. Ang huling narinig niya ay ang malakas na sigaw ni Maine. Nakatulalang nakanganga si Sandy hanggang sa unti unting gumuhit ang isang ngiti ng tagumpay sa kanyang mga labi. Sorry, Nicomaine. Your downfall will be my sweetest victory! Siyang bukas ng pinto ng silid na iyon at pumasok ang isang kagalang galang na lalake kasunod ang lima pang katao na pawang may mga sinasabi.
"Where is Miss Mallari?"
"I am so sorry, Mr. Leonides but Miss Mallari has a prior commitment at hindi siya makakadalo as much as she wants to. I am Sandy Vegafria, her representative instead."
"Okay. Let's get down to business then."
====*====
"Papa!" Ang umiiyak na boses na iyon ni Avegael ang agad na sumalubong kay Alden sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanfictionI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.