Author's Note: I'm telling you, guys. Play the song above while reading this one. Tusok leeg! And oh, basahin niyo sa gabi na tahimik ang mundo. Hakhakhak!
Now Playing: Naaalala Ka by Alden Richards
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka?*****
"Good morning, Papa Alden!" Ang masayang tinig na iyon ni Avegael ang gumising kay Alden kinabukasan. Hindi pa nakuntento ang bata sa pagyugyog sa balikat niya. Sumampa pa ito sa kama at pinaulanan siya ng halik sa mukha.
"Ave," natatawang saway niya sa bata.
"Wake up na po. Nagluluto kami ni Tita Maine ng breakfast," anunsiyo nito. Tuluyan nang nawala ang antok ni Alden sa narinig.
"Really?"
"Yeah. Yung favorite natin. Fried beaten egg na may dahon ng malunggay tapos yung specialty daw ni Tita na steamed veggies with special garlic sauce."
"Ano yun?"
"Di ko po alam. Basta wake up ka na kasi sabi ni Lolo magboboating tayo tapos pupunta tayo doon sa kabilang island na pinuntahan natin dati. Tapos, Papa, piniplay namin ni Tita iyong songs mo. Natatawa si Tita Maine, Papa." Madaldal na kwento ni Ave habang bumabangon siya at inaayos ang pinagtulugan. Pumasok siya sa banyo at nang lumabas ay nakaupo na ito sa kama habang hinihintay siya.
"Let's go?" Ngumiti ito at iniumang ang dalawang kamay na nagpapakarga.
"Naku! Anlaki mo na, eh!" Kunwari ay reklamo ni Alden.
"Namiss lang kita, Papa. Madalas na kasi kitang kasama ngayon kaysa dati, eh." Ginulo ni Alden ang buhok ng bata. Am I missing a lot of things? Tanong ni Alden sa sarili.
Kinarga niya ang bata saka lumabas ng silid niya. Inabutan niyang nasa kusina ang lahat at tama si Ave. Nakasalang nga sa component ang cd ng unang album niya na halos OPM revivals. Nagtama ang mata nila ni Maine na nakasuot pa ng apron habang may hawak na siyanse. Nginitian niya ang dalaga and he almost swoon when she smiled back.
Pagkatapos ng pag uusap nila nang nagdaang gabi, Alden figured out something. Na hindi sa lahat ng oras ay kailangang pairalin ang galit. Na kailangan mong isisi sa ibang tao ang kamalasan sa buhay mo. Habang tinitingnan si Maine na masayang nakikipagkwentuhan, nararamdaman niya, hindi pa iyon ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang maganda at masayang mukha nito. At sa susunod na pagkakataon, handa na siyang sabihin ang lahat dito. Ang lahat ng nilalaman ng puso't isipan niya.
Maghihintay siya ng tamang panahon dahil ngayon niya lang nauunawaan na hindi lang siya ang may kailangang hilumin at kailangang tanggapin. Maging si Maine man ay may mga pinagdaanan at ayaw na niyang magsayang muli ng maraming taon para hindi ito tulungan gaya ng kung gaano niya kakailangan ang tulong nito na hindi niya inisip na kakailanganin niya. May isang bagay lang siyang kinakatakutan. Isang alaala ng nakaraan na siyang dahilan ng pagdududa niya sa sarili at ang nagsisimulang pangamba sa puso niya. Ang malalim na dahilan ng pagtalikod niya sa unang pagkakataong nagtagpo silang muli ni Maine.
====*====
"Kapag hindi kita tinigilan, gagawa ng paraan si Alice para matanggal ka sa school. Doon ako nagsimulang matakot, Alden. Alam ko kung gaano ka kasigasig sa pag aaral and I have no choice kundi umiwas sa iyo dahil kilala ko rin si Alice."
"Sana sinabi mo sa akin. Hindi iyong nagmukha akong tanga na sunod ng sunod sa iyo tapos iwas ka naman ng iwas. Oo, gusto kong patunayan na kaya kong suklian ang lahat ng oportunidad na ibinigay sa akin but it doesn't mean na magiging sarado na ang utak ko. Tuwing kinakausap kita, lagi kang nagmamadali. Sabi ko sa sarili ko, sige lang. Mapapagod ka rin kakaiwas sa akin pero ako ang napagod kasi wala na, eh. Kung kailan malapit na ang graduation, saka tayo naging ganoon. Hindi ko man naiparamdam sa iyo pero alam kong alam mo na isa ka sa mga dahilan ko kaya ako nag-aaral ng mabuti at nagsisikap. " Napabuntong hininga si Maine.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanficI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.