Chapter 20

5.5K 171 21
                                    

Now Playing: Didn't We Almost Have It All by Jed Madela (mas bet ko version niya dito na chapter)

Didn't we have the best of times
When love was young and new?
Couldn't we reach inside and find
That world of me and you?
We'll never lose it again
'Cause once you know what love is
You never let it end.

***

Narinig nina Maine ng malakas na pagsara ng pinto. Tanging malalalim na buntong-hininga lamang nilang dalawa ni Alden ang naririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon. Iginala ni Maine ang paningin. Walang kahit na maliit na siwang man lamang ang kwartong iyon na yari sa makapal na kahoy. Tiningnan niya si Alden na hirap na hirap sa posisyon nito.

"A-alden, susubukan kong kalagin ang tali sa kamay mo." Alam ni Maine na mahirap iyon pero kailangan niyang subukan at gawin ang lahat ng paraan para makatakas sila. Umungol si Alden at tila may gustong sabihin. Kahit nahihirapan si Maine ay pinilit niyang tumayo pero di niya magawa dahil nakatali pa rin ang mga paa niya. Nakaluhod at nakatalikod na tinanggal ni Maine ang busal sa bibig ni Alden.

"Argh! Shit!" Mura ni Alden. Isinunod ni Maine ang piring sa mata nito. Agad napasalampak si Maine sa tabi ng lalake at tila hapong-hapo na napapikit si Maine.

"Maine," Nag-aalalang saad ni Alden. Tiningnan ng dalaga ang binata saka naluluha na namang sumiksik dito. "Shhh. Makakatakas tayo rito. Gagawa ako ng paraan." Dagdag pa ni Alden kahit pa nga batid nitong hindi ganoon kadali ang pagtakas.

"Paano? Pagkatapos ng lahat ng nalaman at narinig ko hindi na ako makapag isip ng matino. Hirap akong tanggapin lahat ng iyon. Parang hindi totoo."

"Maine, don't give up, please. Kung pagbabasehan ko ang galit ni Alice kanina, pwedeng hindi na nila tayo buhayin at ayaw kong mangyari yun, Maine. Lalo na ngayong nagsisimula pa lang uli tayo. Susubukan kong kalagin ang tali sa kamay mo. Tumalikod ka sa akin." Utos ni Alden.

Walang anu ano'y biglang bumukas ang pinto. Gulat na napatingin doon sina Alden at Maine. Pumasok ang apat na lalake na may mga dala pa ring baril.

"Aha! Tumatakas kayo, ha?" Wika ng malaking lalake na mabilis na lumapit sa kanila at hinablot silang dalawa.

"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ni Alden. Pakaladkad na hinila ng mga lalake ang dalawa palabas sa silid na iyon.

"Dahan dahan, ano ba!?" Reklamo ni Maine. Sobrang nananakit na ang mga binti at bukongbukong niya dahil sa pagkakatali doon. Hirap na hirap ding inakay ng dalawang lalake si Alden na patuloy na nagpupumiglas.

Madilim na ang paligid at tila nagbabadya pa ang malakas na ulan. Talaga nga sigurong nasa malayong bahagi na sila mula sa pinagkuhanan sa kanila dahil masyadong tahimik ang paligid na para bang nasa isang malayong gubat sila. Isang di kalakihang sira at lumang building ang pinaglagyan sa kanila. Marahil ay may minahan doon dati. Kinaladkad sila patungo sa kanugnog ng nasabing imprastraktura. May isa pa palang tila lumang bahay na nandoon.

"O, anong nangyari diyan?" Malakas na tanong ni Frankie na nakaupo sa harap ng isang lumang kahoy na mesa habang sumisimsim ng mamahaling alak. Lumabas mula sa isang saradong silid si Sandy na may bitbit na isang folder. Inilapag nito iyon sa mesa saka pahalukipkip na pinanood sila.

"Boss, nagtatangka silang tumakas." Sumbong ng isang lalake. Napangisi si Frankie sabay tayo at lapit sa kanila.

"Matigas din talaga ang ulo niyong dalawa, ha? Gusto niyong maglaro? Pwes, pagbibigyan ko kayo. Kalagan ng tali ang paa at kamay ng dalawang iyan."

"Iupo niyo nga yang dalawa dito." Utos naman ni Sandy. Sapilitang iniupo sina Alden at Maine sa harap ng mesa. Saka nito binuksan ang folder na nasa mesa saka inilapit kay Maine pati na ang itim na ballpen. "Pirmahan mo!" Mariing utos ni Sandy.

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon