Chapter 16

5.4K 167 20
                                    

Now Playing: Frozen in Time by James Collins

I get so excited when I hold your hand
And just the slightest touch sends me right to heaven
I forgot to that it's supposed to feel like this
You inspire my desire
And showed me what I missed

****

"Tita Maine!" malakas na sigaw ng batang si Avegael nang makita ang dalagang pababa sa sasakyan nito at lumapit kina Mang Calixton na naghihintay na sa waiting area ng NAIA. Si Sandy ang naghatid sa kanya sa paliparan. Agad na yumakap ang bata kay Maine.

"Hi, Pretty."

"Ang saya ko po na sumama kayo. Hindi na po ba masakit ang sugat niyo?"

"Hindi na gaano. Okay na ako. Buti naman pinayagan ka ni Teacher na magbakasyon."

"Naiintindihan naman ng paaralan ang sitwasyon ni Avegael. Madalas ang pagkahilo niya ngayon kaya ipinagpaalam ko na muna ng ilang araw. Tara na sa loob. Sa Gensan na lang daw tayo magkita nina Alden. Kagabi ang flight niya papunta doon."

"Sige po."

Makalipas ang halos dalawang oras at kalahati ay nasa General Santos City International Airport na sina Maine at ang maglolo. May itim na sasakyang naghihintay na sa kanila na minamaneho ni Alden. Hindi na ito bumaba ng sasakyan at hinintay na lamang sila sa parking area para na rin makaiwas sa publiko.

"Tita, diyan ka na po sa tabi ni Papa. Tapos pwede po akong magpakandong?" Nagpapacute na tanong ni Avegael.

"S-sure." At magkatabi ngang naupo sina Maine at Avegael sa passenger seat. Sa likuran pumwesto si Mang Calixton. Mula Gensan ay tumulak na sila patungong Glan, Sarangani Province. Ang ganda ng paligid habang binabaybay nila ang daan. Tanaw na tanaw ang asul na dagat at mayayabong din ang punong nadadaanan nila. Bahagyang makulimlim ang panahon kaya naman magandang bumiyahe.

"I'm sleepy, Tita Maine." Wika ni Avegael na napahikab pa.

"Go to sleep. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."

"Okay." Sagot ng bata na yumakap sa kanya at inihilig ang ulo sa leeg niya. Napatingin siya kay Alden dahil napansin niya ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Diretso ang tingin nito sa daan at walang kibong nagmamaneho. Tanging ang kantang pumapailanlang sa ere ang lumilikha ng ingay.

====*====

Makalipas ang halos dalawang oras, ikatlo na noon ng hapon, ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang simpleng gate. Bumaba si Alden at binuksan iyon para makapasok ang kotse. Ginising niya si Avegael.

"Wake up na, Pretty. Nandito na tayo." Nagising ang bata na nakayakap pa rin sa kanya. Muli nitong ipinikit ang mga mata saka ipinagpatuloy ang pagtulog.

Isang magarang bahay ang sumalubong sa paningin ni Maine. Bahagyang may kataasan ang kinaroroonan nila at mula sa kotse ay natatanaw niya ang malawak na dagat na nasa likuran ng bahay. Napangiti si Maine dahil sa nasilayang kagandahan ng lugar. Napakarefreshing noon hindi lang sa mata kundi lalo't higit sa pakiramdam. Pinagbuksan siya ni Alden ng pinto.

"Akina si Ave," wika ni Alden na kinuha mula sa kanya ang bata na yumakap din dito. Bumukas ang main door ng bahay at lumabas mula roon ang mag-asawang sa tantiya niya ay kwarenta mahigit na ang edad.

"Magandang hapon po," bati ng mga ito. Pagkatapos ay agad na tumalilis ang lalake at kinuha ang mga gamit nila sa sasakyan.

"Kamusta po kayo dito, Ate Diday?"

"Maayos naman, Sir. Ipapadiretso ko na kay Moloy sa kwarto ang mga gamit ninyo." Sagot ng babae na may puntong Bisaya ang pagsasalita.

"Salamat po. Siya po pala si Maine. Pakisamahan na lang po siya sa magiging kwarto niya. Inaantok pa kasi si Avegael. Sasamahan ko muna sa kwarto niya."

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon