Epilogue

7.4K 220 79
                                    

Now Playing: Thinking Out Loud by Ed Sheeran

And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me - I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am.

***

"My loves, gising na." Mahinang bulong ni Alden sa asawang mahimbing pang natutulog. Pinaulanan niya ito ng pinong halik sa mukha.

"Hmm.. inaantok pa ako, eh." Nakapikit pa ring sagot ni Maine na bahagyang itinulak ang asawa bago bumaling sa kabilang panig ng kama patalikod kay Alden.

"Tanghali na. Kanina ka pa hinihintay nina Ave sa kusina."

"Eh, inaantok pa nga, eh!" May bahid na ng inis ang tinig ni Maine.

"You promised yesterday na pupunta tayo sa kabilang isla."

"Can't it wait? Anong oras na ba?"

"Mag a-alas otso na."

"Maaga pa naman pala, eh. Thirty minutes, okay? Talagang gusto ko pang matulog, eh." Wika ni Maine sabay kuha ng isang unan at itinakip sa mukha palatandaang ayaw na nitong makipag usap muna. Napapailing at napapangiting tiningnan na lamang ni Alden ang kabiyak saka iniwan ito. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag ng rest house na iyon sa Glan at tinungo ang kusina.

"Ayaw pang bumangon ng Mommy, eh." Wika ni Alden sa dalawang taong naghihintay sa kanya.

"Tanghali na, ah." Wika ni Avegael na nakapangalubaba sa mesa habang tinitingnan ang sampung buwang si Aldub na nakasakay sa walker. Binuhat ni Alden mula sa walker ang anak saka itinaas ito sa ere at nanggigil na kinausap ang batang nakangiti ng malawak at dilat na dilat ang matang nakatitig din sa kanya.

"Anong nangyayari sa Mommy mo, ha? Kahapon pa sobrang inaantok at ang sungit sungit." Kausap ni Alden sa anak saka nanggigigil na hinalikan ang bata pagkatapos ay binalingan si Ave.

"Let's play outside, sweetheart."

"Without Mamaine?"

"I'm sure susunod siya."

"Okay."

========

Kanina pa pinagmamasdan ni Maine ang mag-aama niyang nagkakatuwaan sa tabing dagat mula sa bintana ng kwarto nilang mag-asawa. Summer na noon at nagbabakasyon sila sa rest house ng asawa na naging saksi ng muli nilang pagkakaunawaan noon.

Napangiti si Maine nang maalala ang tagpong iyon at kasunod noon ay ang pagragasa na naman ng maraming alaala sa isipan niya. Ups and downs, happiness, fear, joy and pain. But seeing those three persons in front of her makes all the sacrifices and heartaches worth. Akmang tatalikod na siya at bababa para sumunod sa mga ito sa tabing-dagat nang muli siyang makaramdam ng matinding pagkahilo. Ilang araw na niyang nararamdaman iyon at habang tumatagal ay patindi ng patindi. Kailangan ko na yatang magpacheck up. Hindi na normal ito, saad niya sa sarili.

Pagkatapos maligo ay pinuntahan niya sina Alden na pabalik na ng bahay noon.

"May lakad ka? Nakabihis ka, ah." Nagtatakang puna ni Alden sa asawa na kinuha mula sa kanya si Aldub saka hinalikan sa magkabilang pisngi at muling ibinalik sa kay Alden. Pagkatapos ay hinalikan din ni Maine si Avegael na nakamata lang sa kanya. Tumingkayad si Maine at mabilis na dinampian ng halik sa labi si Alden.

"May pupuntahan lang ako sandali."

"Saan?"

"An old friend of mine is interested sa plano kong pagpapatayo ng poultry farm sa baryo. Babalik din ako kaagad, malapit lang naman eh."

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon