Chapter 11

5.1K 160 9
                                    

Now Playing: Can't Fight the Moonlight by Leann Rimes

There's no escape from love
Once a gentle breeze
Weaves it's spell upon your heart
No matter what you think
It won't be too long
Til your in my arms
Underneath the starlight - starlight
We'll be lost in the rhythm - so right
Feel it steal your heart tonight.

****

"Anong oras ka raw susunduin ni Popoy?" Tanong ni Tita Gorgy sa binata. Tatlong araw na iyon mula nang makabalik sila galing Samal.

"Alas tres ng hapon, Tita. Kasama niya na si Totit. Alas otso pa naman iyong show sa Tagaytay, eh."

"Mag-iingat kayo."

"We will, Tita. Thanks." Bandang alas tres nang pumarada sa harap ng bahay ni Tita Gorgy ang sasakyan ni Alden. Mabilis na nagpaalam na siya at tinungo ang sasakyan para lang magulat nang mapagsino ang babaeng nasa passenger seat nang buksan ang pinto.

"What are you doing here!?"

"I'll be your personal assistant for the whole duration of the show show." Nakangiting sagot ng babae na walang iba kundi si Maine.

Isang plain white shirt na pinatungan ng checkered lady polo shirt at maong na pantalon ang suot nito. May puti ring ballcap na suot sa ulo ang dalaga. Napakasimple nito sa ganoong ayos at hindi mo aakalaing ito ay isang presidente ng malaking kumpanya. Mas nagmukha itong highschool student na gagala kasama ang barkada. Malakas na isinara ni Alden ang pinto ng kotse na ikinagulat ni Maine. Bubuksan na sana iyon ng babae nang muling buksan ni Alden mula sa labas.

"Kuya Poy, ano ito?"

"Sumakay ka na, Alden. May rehearsals ka pa. Baka mahuli tayo."

"Kuya!"

"Sige na."

Naiinis na binuksan ni Alden ang pinto sa likuran saka padabog na sumakay at isinara iyon. Pinaandar na muli ni Popoy ang sasakyan at umalis na papuntang Tagaytay. Dinig na dinig sa loob ng sasakyan ang malalalim na buntong-hininga ni Alden na palipat lipat ang tingin sa dalawang nasa unahan.

"Wala bang mag-eexplain sa akin bakit nandito si Mallari sa kotse ko?"

"Huwag mong pagalitan si Kuya Popoy. Ako ang nagpumilit na sumama. Nasa bahay nila ako kanina para umorder ng kakanin kay Ate Susan tapos tumawag iyong PA mo na masama ang pakiramdam kaya ako na ang nagvolunteer."

"You're insane, Maine." Hindi makapaniwalang saad ni Alden habang nakatanaw sa labas ng sasakyan.

"Kanina pa raw tawag ng tawag si Totit sa iyo pero di ka raw sumasagot. Baka kako nakasilent ang phone mo. Magkakilala naman daw kayo ni Maine at nagkasama na noon at nagpumilit ang magandang dalaga, eh. Ayaw papigil." Dagdag na paliwanag ni Popoy habang ngingiti ngiting sinulyapan si Alden mula sa rearview mirror. Hinarap ni Maine ang binata sabay abot ng isang bottled mineral water dito.

"Water, Boss?" Nakangiting tanong ni Maine.

"Stop acting like a seven-year old child, Maine." Babala ni Alden sa dalaga pero tila hindi ito apektado.

"Biscuit, gusto mo?" Bagkus ay saad pa nito na iniumang ang isang pakete ng biskwit. Naiinis na tinitigan ni Alden ng masakit si Maine saka muling itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan. Nagkibit-balikat na lamang ang dalaga. Hanggang sa mapadaan sila sa isang sangay ng sikat na fastfood chain. Ipinahinto ni Alden ang sasakyan kay Popoy.

"Bumili ka ng pagkain." Utos ni Alden kay Maine na ikinagulat ng huli.

"Ha? Bababa ako?"

"Ano sa tingin mo gagawin mo?" Pasupladong balik-tanong ni Alden.

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon