Now Playing: I Believe in Those Love Songs by James Ingram
Come taste the wine I'll take you somewhere
The romantic music just flows in the air
and we'll be wrapped up in memories...
***
Nakapagpalit na ng damit si Mainepagkatapos ay muli silang bumalik sa sala at naupo. Wala si Alden sa kinauupuan nito kanina kaya nakahinga ng maayos kahit papaano si Maine. Nagsimula na ring magkantahan ang mga naroon saliw ang tugtog mula sa inarkilang videoke machine ni Aling Susan. Lihim na hinanap ni Maine ang lalake pero hindi niya ito makita.
"Miss Maine, kumakanta ka ba? Sample naman diyan, o." Tanong ng isang dalagang naroon na napansin niyang kanina pa nakatingin sa kanya.
"Naku, hindi eh. Kayo na lang. Baka biglang umulan pag kumanta ako." Nakangiting tanggi niya.
"Asan na ba si Kuya Alden? Para naman makarami tayo." Wika ng isa pang babae.
"I'm here." Wika ng isang tinig na nagmula sa gilid niya banda. Napalunok si Maine. Natatandaan pa kaya niya ako? Tanong ni Maine sa isipan. Dumaan sa harap niya ang binata na may dalang isang basong juice at hayun na naman ang pamilyar na amoy ng pabangong ginamit nito. Nakita niyang may pinindot ang binata sa machine saka pumailanlang ang kantang kung maaari lang ay ayaw na sana niyang marinig. Bagamat seryoso ang mukha niya, deep inside ay gustong gusto na niyang umalis. Palihim na siniko niya ang katabing si Sandy pero nanatili itong walang reaksiyon at tila pa nga naghihintay na kumanta si Alden.
Open your eyes
Now what do you see
Your man in love standing right where you need me to be.
Oh my love
Take your time
You're such a part of me.
Masigabong palakpakan ang pumuno sa salang iyon nang magsimula nang kumanta si Alden. Ang malamig at swabeng boses nito ay punong puno ng emosyon. Noong una, ngumingiti pa ang binata habang kumakanta ngunit nang magtama ang mata nito at ni Maine ay napalitan iyon ng kaseryosohan. Bawat salitang binibigkas nito ay tila balaraw na unti-unting humihiwa at nagpapabalik ng hapdi at kirot sa dibdib ni Maine dahil sa isang alaala.
====*====
I believe in those love songs.
They were written for our lovers those songs
I believe in those magic words
The sweetest melodies that I've ever heard.
Ang ganda naman ng boses niya! Wika sa isip ng fourteen years old at 3rd year high school student na si Maine habang nakikinig sa kumakantang iyon sa harap ng klase. Hindi mo aakalaing ang tinig na iyon ay nagmumula sa isang patpating lalake na may suot pang makapal na eyeglass. Alden daw ang pangalan noon na transferee sa school nila. Scholar umano ito ng archdiocese sa kanila at habang pinagmamasdan ito ni Maine ay unti unting napapangiti ang dalagita. Ang cute naman ng dimples niya! Nahuli ng binatilyo ang pagkakangiting iyon ni Maine nang magtama ang kanilang mga mata. Ngumiti rin t okay Maine hanggang sa ang simpleng ngiti ni Maine ay tuluyan nang umabot sa tenga.
****
"Naku, lagot ka niyan Alice. Mukhang mas matalino sa iyo yung transferee galing sa public school." Wika ni Vivian. Nasa canteen sila noon at nanananghalian. Apat silang magbabarkada na puro anak-mayaman. Siya, si Vivian at ang kakambal nito na si Lilian at si Alice, anak ng congressman at siya ring lider ng grupo.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanfictionI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.