Now Playing: Unbreak My Heart by Toni Braxton
Take back that sad word good-bye
Bring back the joy to my life
Don't leave me here with these tears
Come and kiss this pain away
I can't forget the day you left
Time is so unkind
And life is so cruel without you here beside me.****
Chapter Thirteen
"Maine, stop." Ang garalgal na tinig na iyon ni Alden habang mahigpit na pinipigilan siya sa magkabilang balikat ang tila gumising kay Maine mula sa saglit na pagkawala sa sarili. Nanghihinang napaupong muli si Maine sa sahig at nakayukong inilagay ang kamay sa tuhod at doon ipinagpatuloy ang pag iyak.
"Walang gustong magsalita noon pagkagising ko sa hospital. Walang nagsabi sa akin na halos tatlong linggo pala akong walang malay at nailibing na sina Papa at Mama. I was just seventeen at nasanay na ako na lagi silang nasa tabi ko kahit pa noong panahon na nalilito ako sa mga nangyari noong highschool ako. Hindi ko alam hanggang ngayon kung anong dahilan ng pag-aaway nila. Basta ang narinig ko lang, may sinasabi si Mama na niloko siya ni Papa. Na may itinatago si Papa sa amin. Akala ko, may ibang babae si Papa pero sabi naman ni Atty. Saludares, walang dumating noong lamay nina ni Mama at hanggang ngayon, walang lumitaw."
Nanatiling tahimik si Alden kaya't nagpatuloy si Maine sa pagsasalita. "Pagod na ako, Alden. Pagod na akong mangarap at umasa na may taong darating sa buhay ko tapos hindi na ako iiwan. Kasi lahat ng minamahal ko nawawala. Sabi ko sarili ko, Maine, huwag mong hayaan ang sarili mo na masanay sa presensiya ng ibang tao kasi darating at darating ang araw na iiwan ka rin nila o iiwan mo sila. Pero mahirap mamuhay ng mag-isa. Mahirap mabuhay na punong puno ka ng responsibilidad at hindi mo alam kung kanino ka magtitiwala. May tatlong pagkakataon na sinubukan kong magmahal thinking na isa na sa kanila ang makakapuno ng kakulangan sa buhay ko pero walang nangyari. Tuwing umuulan ng ganito, lahat bumabalik sa isip ko. Na gusto ko nang sumuko kasi hindi ko naman kailangan yung kung anong meron ako ngayon. Pagod na akong gumising araw araw para sa pare-parehong dahilan. Gusto ko naman maramdaman iyong nagigising ako kasi masaya ako hndi dahil kailangan kong magising."
"Maine-" Hinaplos ni Alden ang buhok niya. Napaangat ng tingin si Maine at nagtama ang mata nila.
"Alden, kahit papaano gusto kong mabawasan ang sakit at guilt na nandito sa puso ko. Gusto kong gumawa ng bagay na alam kong ikasisiya ko kahit saan man ako magpunta. At gusto kong simulan iyon sa iyo. Patawarin mo ako kung sa tingin mo niloko kita at inakala mong hindi totoong mahal kita. Mahal kita, Alden. Minahal kita." Bahagyang lumayo si Alden kay Maine. Sumandal ito sa paanan ng kama at tinitigan ang dalaga.Tila hirap na hirap.
Malalim na napabuntong hininga si Alden. "After JS Prom, ibang saya ang naramdaman ko, Maine. Kasi lagi na kitang kausap. Lagi na kitang kasama. Lalong napalapit ang loob ko sa iyo. Kahit na madalas pinaparinggan ako nina Alice at alam kong may namumuo nang distansiya sa pagkakaibigan niyo, hindi ko inisip iyon thinking na napapasaya rin kita gaya ng kung paano ka nagsisilbing inspirasyon sa akin nang hindi mo alam."
"Kinausap ko sila, Alden. Sinabi ko na nagkakagusto na yata ako sa iyo at di nila matanggap iyon. Lalo na si Alice na isang malaking threat ang tingin sa iyo. Hindi nila matanggap na pwedeng magkagusto ang tulad ko sa tulad mo kasi kalevel ko daw sila na hindi ko naman inisip kahit na ni minsan."
"Tama na, Maine. Kung iisa isahin ko lahat ng naramdaman ko ng araw na iyon, baka hindi ko kayaning humarap sa iyo ngayon dahil baka masumbatan lang kita. Pagkatapos ng pagpapahiya niyo sa akin Maine at pagkatapos ibandera ni Frankie ang video during Prom, isinumpa kita, eh. Kasi minahal kita, eh. Ikaw ang kauna-unahang babae na iningatan ko kahit na bata pa lang ako noon at mahina sa paningin niyo. At alam mo ba? Yung panloloko niyong iyon hindi na humiwalay sa akin ng tuluyan? Hindi lang ikaw ang nang-iwan sa ere. Pagkatapos mo, si Nanay naman. Tapos si Althea."
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanfictionI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.