Hello, guys! Kumusta na kayo rito? As you can see at the top, may big, big announcement ako para sa inyo. Dahil sa pagmamahal ninyo sa kuwentong ito at dahil na rin sa hindi ko pagbitiw sa mga pangarap ko, malapit na nating makita ang Thinking Out Loud sa ilang selected bookstores along with my other story!
Yes! Hahaha. Dahil sa kabaliwan ko sa dalawang fandoms at isa na rito ang ALDUB, matutupad na ang hiling at panalangin ng ilan sa mga tumutok at nagbasa ng kuwento nina Alden Montefrio at Maine Mallari.
Pinalitan ko lamang ang titulo maging ang mga pangalan ng bida, alinsunod na rin sa patakaran sa larangan ng tamang pagsusulat ng romantikong nobela. May ilan akong binago at inayos sa lalo pang ikagaganda ng istorya. Ang Alden at Maine ay naging Aiden at Raine. Ang bagong titulo ay i-aanunsiyo ko sa mga susunod na araw.
Para po sa inyo ito, ALDUB Nation lalo't higit para kina Maine Mendoza at Alden Richards na sana'y mabigyan ko personally ng kopya ng aking magiging libro. Regalo ko po ito sa inyong dalawa sa unang taong anibersaryo ng ALDUB!
HIndi lang ang buhay ng bumubuo ng Kalyeserye ang nagbago. Pati rin po ang buhay naming hindi bumibitaw at naniniwalang may FOREVER sa TAMANG PANAHON. Sana ay makarating sa kanilang kaalaman ang kaligayahan kong ito at ang katuparan ng pangarap ko.
Patuloy po akong magsusulat ng mga kuwentong hindi lang tayo pinapaibig kundi nag-iiwan din ng magandang repleksiyon sa ating personal na buhay at pakikitungo sa kapwa. Mga kuwentong hindi ninyo panghihinayangang pag-aksayahan ng pera, oras at luha.
I'll keep you posted about the book's whereabouts. Sana po ay suportahan po ninyo ako.
Maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanfictionI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.