Chapter 19

5.6K 153 42
                                    

Now Playing: Sa Aking Tabi by Alden Richards

Labis ba ang hiling?
Sinta, sana naman ako'y intindihin
Minsan lang iibigin ng isang anghel ang tulad ko
Pangako na sa aking piling
Hindi ka na luluhang muli
'Di hahayaang masaktan kita.


****

"Bye, Papa. Babay, Tita Maine. See you in Manila po," nakangiting paalam ni Ave kina Maine at Alden bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Nasa GenSan International Airport na uli sila noon. Tutulak na ang maglolo pa-Maynila samantalang pa-Davao ang destinasyon nina Maine at Alden na sasakay naman sa kotse ng huli.

"Mag-iingat kayo ni Lolo, ha?"
"Opo, Papa."

"Tay, kayo na po ang bahala kay Ave. Tatawag na lang po ako bukas kapag nasa condo na ako. Mga alas tres nasa Manila na kami."
"Sige, anak. Maine, mag -iingat kayo."

"Opo. Salamat po."

Nang makababa na ang maglolo na dala ang isang di-kalakihang maleta at maisara ang pinto ng sasakyan ay nilingon ni Alden ang kasamang nakatingin din pala sa kanya.

"Let's go?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.
"Tara lets!" nakangiting saad ni Maine. Nagpatugtog muna si Alden

bago pinaadar na muli ang sasakyan.

"Bilib na bilib ka talaga sa boses mo, ano?"

"Bakit, pangit ba?" Malawak ang ngiting tanong ni Alden kay Maine.

"Oo, eh. Sa sobrang pangit gusto kong pakinggan ng paulit ulit para malaman ko kung alin lang ang maganda."

"Ah, ganon? If I know, diyan ka na-in love dati, eh. Pwes, magtiis ka na boses ko ang naririnig mo sa apat na oras na biyahe natin."

"Hahaha. Matutulog ako."

"Mag-iingay ako." Wika ni Alden na nilakasan pa lalo ang volume ng car stereo. Tawa naman ng tawa si Maine na sinabayan pa ang kanta hanggang sa hindi na nila namamalayang dalawang oras na silang naglalakbay.

Nasa mabundok na bahagi na sila ng Baluyan, Davao del Sur nang biglang may humarang na itim na HiAce van kina Alden.

Walang masyadong kabahayan sa lugar na iyon at nasa mataas na bahagi pa at matarik. Muntik nang mapasubsob si Maine sa dashborad nang biglang nagpreno ang lalake. Mabuti na lamang at nakasuot sila ng seatbelt.

"Shit!"

"Huh!?" Nagkapanabay pang sambit nila ni Alden.

Mabilis na bumaba mula sa itim na sasakyan ang limang katao na nakasuot ng bonnet at may dalang mga de-kalibreng baril saka pinababa.

"Baba! Bilis!" utos ng isang malaking lalake. Walang nagawa sina Maine at Alden kundi sundin ito dahil nakatutok sa kanila ang baril ng mga ito.

"Sino kayo!?" Malakas na tanong ni Alden na hinawakan si Maine ng mahigpit sa kamay. Nanginginig na sa takot ang dalaga noon na pilit na sumisiksik kay Alden.

"Huwag ka nang magtanong. Ipasok ang babae sa sasakyan. Dali!"

"T-teka! Anong gagawin niyo sa akin?" Nahihintakutang tanong ni Maine na nagtago sa likod ni Alden na mabilis namang niyakap si Maine.

"Anong kailangan niyo sa kanya!? Huwag niyo siyang gagalawin!" Malakas na saad ni Alden na pinigilan ang lalake mula sa paghila sana kay Maine.

"Nakikialam ka ha?" Wika ng lalake sabay bigwas sa mukha si Alden gamit ang hawak nitong kuwarenta'y singkong baril.

"Huwag!" Sigaw ni Maine saka mabilis na niyakap ang napaigtad na si Alden. Nalasahan ng binata ang maalat na likidong iyon na nasa labi niya. Akmang gaganti si Alden ng suntok nang itutok ng lalake ang dala nitong .45 sa binata.

Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon