TEASER

1.2K 24 3
                                    

"Raine, promise me you won't give up. Promise me that one day, we're going to live our own happily ever after."

Minsan nang pinaglaruan ng tadhana ang batang puso nina Aiden at Raine. Naghiwalay ang kanilang landas na puno ng galit, guilt at sama ng loob. Pagkalipas ng labinlimang taon, their paths crossed. Isa nang sikat na artista si Aiden samantalang kilala sa business world si Raine.

Sa muli nilang paghaharap, muli ring nabuksan ang mga emosyong pinalago ng panahon. Hanggang saan dadalhin ng kanyang galit si Aiden? Ano ang kayang gawin ni Raine para makuha hindi lamang ang kapatawaran ni Aiden kundi maging ang katuparan ng matagal nang balak, ang magkaanak.

Dalawang pusong umibig sa panahong mali ang pagkakataon. Nagmahal. Nasaktan. Nagalit.

Mga pusong muling pinagtagpo ng pagkakataon sa maling panahon. Umaasa. Naghahanap. Nangangarap.

Isang pag-iibigang muling dadaan sa pagsubok kung kailan kapwa na tama ang panahon at pagkakataon. Pag-iibigang paghihiwalayin ng kasakiman at mapanlinlang na kahapon.


Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon