Now Playing: God Gave Me You (Instrumental Version)
For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, I'm finally free
I truly believe...***
Chapter Twenty-one
"Maine, promise me you won't give up. Promise me that one day, we're going to have our own happily ever after."
Hindi tumugon si Maine. She acted as if she heard nothing. Sa isip ay muling binalikan ang namagitan sa kanila ni Alden sa isang kakaibang pagkakataon na iyon. For the first time in her life, she felt maximum satisfaction. She became a woman she wasn't expecting she could be. He became a part of her in most exciting way she forgot what lies ahead of them. Narinig pa niyang muling nagsalita si Alden.
"Kahit saan ka magpunta, susunod ako, Maine. Dahil tuluyan na akong di mabubuo kapag nawala ka pa ulit. Tandaan mo yan," mahinang bulong nito sa tenga niya saka siya niyakap ng mahigpit.
Napakagat-labi si Maine hanggang sa naramdaman niyang nakatulog na si Alden. Unti uni niyang iminulat ang mga mata niya at hinaplos ang dibdib nitong sige pa rin ang tagas ng dugo. Saka pinakawalan ang masaganang luha. Ang mga salitang binitiwan nito kanina ay katulad na katulad ng mga salitang binitiwan nito noon habang nagpapakabasa sila sa ulan.
"Maine, bakit mo ba ako iniiwasan? Ngayon kita kailangan. Kausapin mo naman ako, o." Malakas na wika ni Alden na basang basa na ng ulan maging si Maine. Mag-aalas singko na ng hapon at uwian na noon. Nasa likod sila ng prefect's office noon dahil pareho silang ipinatawag para sabihin ang naging desisyon ng admin tungkol sa eksenang iyon sa storage room.
"Alden, ano ba!? Bitiwan mo 'ko. Nagsalita at nagpaliwanag na ako pero ayaw nilang makinig na wala tayong ginagawang masama. Galit sina Papa at dadalhin nila ako sa Cebu ano mang oras kaya please, layuan mo na ako! Isa pa, nahihiya na ako sa mga magulang mo. Alam kong galit sila sa akin nong nagharap harap tayo sa opisina ni Principal Dickson. Ramdam ko iyon, Alden kaya pwede ba? Bitiwan mo na ako, o."
"Hindi! Wala tayong ginagawang masama, Maine. Alam nating pareho iyon. Alam ng Diyos iyon. Nagpaliwanag na ako kina Tatay at handa akong makiusap sa pamunuan ng school na huwag akong ikick out. Na hayaan lang akong makagraduate kahit mawala na ako sa honor's list. Ang kailangan ko ngayon kakampi rito at ikaw lang iyon." Malakas na itinulak ni Maine si Alden.
"P-pinlano namin iyon, Alden para mapahiya ka sa buong campus. Iyon ang totoo!"
"Ano?! Hindi ako naniniwala, Maine. Hindi yan ang sinasabi ng mga kilos mo. Huwag mo naman akong itulak palayo." Saka mabilis na hinatak ni Alden si Maine at mariing hinalikan sa labi. It was Maine's first kiss at hindi niya inaasahang mangyayari iyon sa ganoong pagkakataon. Matagal na magkadikit ang mga labi nila na parehong natulala sa nangyayari. Ang nagmamatigas na kamay ni Maine ay unti unting yumakap sa binatilyo. Ganoon rin ang ginawa ni Alden. Makalipas ang mahabang sandali ay itinulak ni Maine si Alden saka mabilis na umalis.
Wala silang kamalay-malay na lihim silang kinukunan ni Frankie ng video. Dalawang araw pagkatapos ng pangyayaring iyon ay may ginanap na programa sa buong campus. Nasa school si Alden noon kasama si Mang Calixton para sana kausapin si Principal Dickson pero hindi na nangyari dahil sinalubong na naman ng usap-usapan si Alden.
"Tol, hanep! Rated SPG ka na naman doon sa gym , ah." Nakangising saad ni Frankie saka sila nilampasan. Nagtatakang napasugod sa gym si Alden at kitang kita niyang nakaflash sa magkabilang white screen ang tagpong iyon sa pagitan nila ni Maine. Paulit ulit hanggang sa nawala iyon sa ere dahil na rin sa utos ng principal. Hindi malaman ni Alden ang gagawin hanggang sa marinig niyang nagsalita si Alice mula sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanfictionI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.