Now Playing: Half Crazy by Dan Hill
Know life hasn't been much fun at all
Since you've been gone
And my eyes begin to fill
Each time I hear our song
I spent every minute asking myself
What went wrong
Can't we try to talk it over baby
Come back home*****
"Are you serious?"
"Yes, Sandy."
"You know what Maine, napapansin ko lang ha? Nagiging mabilis ang mga desisyon mo nitong mga nagdaang araw. Baka magising ka na lang isang araw na nakatanga sa isang sulok at nagsisisi."
"I'm dead serious, Sandy. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya kasi nakikita ko sa mga mata niya iyong galit. We've not seen each other for long pero ganoong ganoon pa rin ang emosyon sa mga mata niya nang huli kaming magkita."
"Iyan nga ba ang dahilan o may iba pa?" Natahimik sa kinauupuan si Maine sa tanong na iyon ni Sandy. "Dahil sa nakikita kong reaksiyon mo ngayon hindi iyon ang rason, eh."
"H-honestly, I-I don't know. Basta ang alam ko lang, gusto ko siyang makausap because the moment I saw him, narealized ko na yung guilt ko nandito lang pala the whole fifteen years. I just want to clear things out. Na hindi naman talaga ang ipahiya siya ang intensyon ko nang magkunwari akong may kukunin sa storage room and that Alice has a different plan. I don't know. So please, help me. Hindi na ako mangungulit sa iyo, Sandy, pangako. Tulungan mo lang ako na magkaroon ng chance na makausap siya ng sarilinan."
"Paano kung ayaw ka na niyang kausapin talaga?"
"Kilala mo ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nagagawa ang isang bagay na alam kong ikatatahimik ng loob ko."
"Iyon naman pala. Kung ikaw na lang ang dumiretso sa kanya at sabihing gusto mo siyang makausap."
"Mas may mga kilala ka sa mundong ginagalawan niya. Just check his schedule and gawaan ng paraan na malibre siya para makausap ko. Ako na ang bahala after that."
"Eh, kung lapitan natin si Popoy? Iyong kapatid ni Ate Susan or si Ate Susan mismo. Mas madali iyon." Napangiti ng malawak si Maine.
"Argh! Bakit ba hindi ko naisip iyon?"
"Kasi napaparanoid ka na, Maine. Tell me, hindi ba gumawa ng epekto si Alden diyan sa puso mo? Kinda 'reunited, we're so excited' thing," nanunuksong saad ni Sandy. Umiling si Maine.
"Of course not!"
"Ows? Sige, sabi mo eh. Titingnan ko kung anong magagawa ko kina Popoy at Aling Susan."
"Thank you, Sandy. You really are an angel."
"Nope. I wanna play Cupid this time."
"What!?"
"Wala. Sige na, aalis na ako. Tatawagan na lang kita, okay?"
"Okay."
"And Maine, just got your ticket nga pala para sa 3-day convention mo sa Samal Island and your meeting with Mr. Chen after the convention is fixed. Good thing na nasa Samal din ang intsik na iyon."
"Oh, muntik ko na makalimutan. This Friday na iyon di ba? Anlayo naman noon."
"Wala tayong magagawa. Doon mismo sa site gustong gawin ni Mr. Chen ang brainstorming pati na rin ang pagmimeet ng buong team and associates para sa project. We need this project big time, Maine. Mahina ang usad ng Mallari Constructions. Alam mo naman ang ugali ng mga Chinese. Pati nga yata mga artists na mag i-endorse pupunta, eh. Sana si Alden, ano?"
Natatawang tinabig ni maine ang kamay ni Sandy. "Sira! Hindi ka sasama?"
"Sira daw. Aminin mo na na umaasa ka rin kahit papaano. Kaya mo na iyon. Daanin mo sa charm si Mr. Chen para hindi tayo mahirapan."
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
Fiksi PenggemarI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.