Author's Note: I'm back on my #Hearts&Lyrics Mode and I will be using song lyrics in this story. Song/s I'm playing while writing updates. Thank you for reading, guys. Love ya! Love #AlDub, too!
***
Napabuntong-hininga si Alden. Kanina pa siya sa likod ng improvised stage na iyon at hinihintay na lamang ang hudyat ng event organizer/emcee na si Yvette upang tawagin siya. Kaunting salita, kanta at salita uli, tapos! Events like this bores him. Hindi niya maintindihan kung bakit pinapatulan ng mga taong nasa loob ng hall na iyon ang ganoong uri ng 'laro'. Exactly, Alden! Laro nga, eh di ba? Tsk tsk tsk. Man, anong oras ba matatapos ang kalokohang ito nang makalayas na? Tanong ni Alden sa isip.
"Bro," tawag sa kanya ng kaibigang si Dux. Matalik na kaibigan ni Dux ang fiance ni Yvette na si Fredrick at matagal na umano siyang gustong imbitahan ni Yvette sa ganoong uri ng pagtitipon. Kung di lang dahil sa pakiusap ni Dux ay hindi dadalo si Alden.
"Yes, bro?"
"Are you ready? Madali lang naman ito. Oo nga pala, kanina pa tawag ng tawag si Margaux, ah. Hindi ka raw macontact kaya sa akin na tumawag. Nagulat nga ako na nakuha niya ang personal number ko. Hanga ako sa pagka-resourceful ng babaengiyon, ah."
Napapailing na naupo si Alden sa bakanteng upuan. "Ang kulit, bro! I did enjoy her company a week ago sa Lucena City but that's it. She knows my rules, Jesus!"
"In love nga sa iyo, paano." Natatawang saad naman ni Dux.
"At alam naman niyang kahit na ni minsan hindi naligaw sa bokabularyo ko ang salitang 'yan. Hayaan mo siya. Gaya rin yan ng ibang babae na titigil kapag nagsawa."
"Paano nga kung hindi? Tingin ko sa Margaux na iyon palaban, eh."
"Wala siyang dapat na ipaglaban, bro. Okay, we made out once but she's okay with it and like I said, she knows my rules."
Mahinang tinapik siya ni Dux sa balikat. "Mabuti naman at wala ka pang nadidisgrasya, Alden."
Napatawa ng malakas ang binata sa tinuran ng best friend. "Bro, maingat ako. At hindi ako basta basta pumapatol sa babae, okay? I am just giving them the dosage of their own medicine."
"You know what, bro? Isa ako sa mga papalakpak ng malakas kapag nakita mo na ang babaeng mamahalin mo habangbuhay. Kapag dumating na iyong araw na ikaw naman ang hahabul-habol sa isang babae." Iiling iling na wika ni Dux.
"And you know what, bro? That will never happen. Falling in love is not my kind of thing so spare me with such idiotic words, okay?"
"Whoa! Hahaha. Now I'm dying to see you saying such idiotic words, bro. Ahh, I can feel it! Malapit nang mangyari , bro so better prepare yourself."
"Yan! Yan ang ayaw na ayaw kong gawin ko sakaling ma-in love nga ako gaya mo. Hindi bagay sa lalake ang ganyan, bro. It makes you weak and vulnerable. Dapat sa ating mga lalake, matapang at hindi emosyonal."
"Hindi ako mananalo sa iyo sa argumento pagdating sa pag-ibig, bro but man! Tao ka at hindi si Davey Jones na walang puso. Nasaan na ba kasi ang babaeng nanakit sa iyo at nang makapaghiganti ka na para naman magkaroon ka na ng masayang love life?" Sa binanggit na iyon ni Dux ay natahimik si Alden. Kailangan pa talagang ipaalala!? Man!! "Dito na muna ako, bro. Senyasan mo lang ako mamaya kapag gusto mo ng umalis."
"Okay, bro." Tanging naisagot ni Alden sa sinabing iyon ng kaibigan.
"Natahimik ka, bro." Himig-panunuksong saad pa ni Dux.
"Shut up, man!"
====*====
Nang magsalita si Yvette sa mikropono upang tawagin ang pansin ng lahat bilang hudyat ng pagsisimula ng programa ay tumayo na si Maine at akmang makikisali na sa umpukan nang maramdaman niya ang pagvibrate na iyon ng cellphone niya na nasa shoulder bag. Nang kunin niya iyon, si Sandy ang tumatawag. "Hello?"
![](https://img.wattpad.com/cover/46336025-288-k999220.jpg)
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud (TO BE PUBLISHED as LOVE ME THE SAME)
FanficI have searched in places, I've waited for years, I've taken all the chances, I've cried so many tears, I've seen so many faces, I've hid a lot of fears until my heart stopped searching cause you're already here.