Prologue

215 7 1
                                    

Ilang taon na kaming magkaibigan. He is my bestfriend. Sinusundo niya ako lagi. Mas madalas kaysa sa pagsundo niya sa girlfriend niya.

"Nat, halika na! Male-late na tayo sa practice ko."  I looked at him and smiled. Sumakay na ako sa kotse niya at nagsimula ng magdrive yung driver nila. 

Alam niyo ba yung feeling na gustong- gusto mong sabihin sa kaniya yung

nararamdaman mo para sa kaniya?

Yung mga katagang

"MAHAL KITA"

pero hindi pwede  sa kadahilanang may gusto siyang iba.

"Ui, nga pala, sasama mamaya si Mitch sa practice ko. Dadaan lang daw siya kasi alam niya naman na kasama kita lage eh. Okay lang naman sayo diba?"  Tumango na lang ako. Busy siya sa pagtetext sa girlfriend niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school. 

"Sir Tristan, huwag masyadong matagal ang practice niyo. Kawawa naman tong girlfriend niyong si Natalie sa kakahintay." Biro pa sa amin ni Mang Lito na driver ni Tristan. Sana nga ako na lang talaga ang girlfriend niya. 

"Hindi ko nga po siya girlfriend, bestfriend forever lang po kami. Si Mitch po yung girlfriend ko. Itetext na lang po kita kung anong oras po ako magpapasundo."  

at ang pinakamasakit sa lahat

bestfriend lang ang turing niya sayo,

yun lang at hindi na magbabago. 

Nagmadali na kaming pumasok sa loob ng gate ng campus dahil late na si Tristan. Habang nagpapraktis siya nakatanaw lang ako lage sa kaniya.

 What if, kung sabihin ko sa kaniya na  mahal ko siya? May magbabago diba? Pero nakakatakot magtake ng risk.

Pero paano kung may paraan?

pero alam mong isa yung kalokohan

dali sa huli

talo ka pa rin

ikaw pa rin ang dehado 

at mas lalo kang mahuhulog sa kaniya at masasaktan...

pero ito lang ang paraan...

papayag ka bang mas masaktan pero makakasama mo naman siya

 masasabi ang mga katagang matagal mo ng gustong sabihin?

  ngunit sa huli ikaw pa rin ang dehado sa isang kasunduan na wala namang kasiguraduhan?        

  Aasa  ka ulit at hindi ka kikilos para lang mapansin ka niya?      

Habang siya gumagawa ng paraan para mapansin siya ng taong mahal niya?

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon