EIIHM: Hurt Nine

125 6 2
                                    


Tristan's POV

Nandito kami ngayon ni Nat sa E.K. Pagkatapos namin kumain eh inaya ko siya na pumunta dito. I just wanna forget about what happened recently, gusto ko munang mag-enjoy bago umuwi. 

"So, ano nga ang nangyari?" Kanina pa ako kinukulit ni Nat. Excited talaga siyang malaman ang reason.

"Alam ko naman na masasaktan ka pa sa nangyari pero ok lang kahit hindi mo muna sabihin."

Kita niyo na! Sabi niya pa na okay lang kahit na hindi ko sabihin pero kanina pinipilit pilit pa ako. Madali lang talagang magtampo ang babaeng ito. Psh.


"Alam mo Nat ang gulo-gulo mo. Kanina pinipilit mo ako na sabihin sayo yung tungkol sa nangyari sa break-up namin ni Mitch tapos ngayon okay na sayo na hindi ko sabihin. Ano ba talaga?" Nagpapaawa na naman siya. Akala niya uubra sa akin yan pero immune na ako sa mga ganyan ganyan niya.

"Ito naman oh! Chill lang. Lumalabas na naman yang pagkacold side mo. Pinipilit kita kanina kasi baka nga diba, umaasa nga ako diba." Umaasa? Saan? Aish! Ang gulo niya talaga.

"Oh, saan ka naman umaasa?" Binaling ko yung tingin ko sa kaniya.

"I mean sayo." Seryoso niyang sinabi sa akin. Natatawa ako sa usapan namin ngayon.

"Bakit ka naman umaasa sa akin?" Diretso kong sagot sa kaniya.

"Umaasa nga ako na sasabihin mo yung reason! Ikaw talaga!" Hinampas niya pa talaga ako. Ah. Akala ko kung ano na.

 "I will tell you later pero before that gusto ko muna na magsaya muna tayo! Let's call this day a date!"I flash a fake smile. Alam ko naman na iniintindi lang talaga ako ni Nat ngayon kasi alam niya kung gaano ako nasaktan sa break-up namin ni Mitch.

"W-What? A Date?" Medyo gulat at medyo masaya pa niyang sabi.

"Yep! A friendly date! Lets go to the rides then enjoy this day!" she smiled at me then hinila ko na siya sa mga rides.



________________


Rell's Pov

Okay? So anong kailangan ng babeng ito dito? Kahapon pa siya laging nagpapakita sa akin.

"Uhmmm. Rell your tita asked me a favor if can I accompany you here or anywhere para naman daw ma-enjoy mo yung stay mo dito sa Laguna. Is it alright for you?" Tita talaga oh! Match maker lang ang peg. Gusto niya na talagang magkagirlfriend ako. Si Rish pa ang pinakiusapan.


Pinapasok ko muna siya. Haller? Hindi kaya nice if paghintayin ang girl at mag-usap sa labas. Dont think too much na nagugustuhan ko itong girl na ito. Nagpapakagentleman este nagmamagandang loob lang ako.


"Ahh. Sana hindi mo na lang sinunod yung favor ni Tita. Pasensiya ka na sa abala niya. Im fine even if Im alone." Im trying so hard na hindi mainis sa kaniya. Ewan ko ba medyo mainit ang dugo ko sa kaniya.


"No its okay. I insist. Samahan na lang kita." she said it with a smiling face. Ang kulit niya! Argh! Parang naiinis ako pagnakikita ko siyang nakasmile. I dont know why I feel like this?

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon