EIIHM : Hurt Six

118 6 2
                                    

NATALIE'S POV

    Bago ako pumunta sa Laguna,naisipan  ko na lang na daanan ko muna si Rell para may kasama ako doon papunta, nakalimutan ko kasi yung daan patungo doon. Ewan ko ba sa kaniya, pinipilit talagang maging bakla ang sarili. Support na lang natin kasi bestfriend ko rin yan.

 "Rell bilisbilisan mo naman ang pag-aayos mo dyan oh! 50 years lang?" Nagreklamo na ako, ang vain niya kasi tapos masyado pang fashionista. Habang nag-aantay sa kaniya ay pinagmasdan ko ulit ang loob ng bahay nila.

"Eto na nga diba? Bababa na nga diba? Di makapagantay! Masyadong excited". Medyo malakas na sambit niya habang pababa sa kanilang hagdanan.

  "Hindi rin. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya."  Pagdadahilan ko sa kaniya. Tumayo na ako sa pagka-upo at hinawakan ang dalawa kong malaking bag.

  "Hindi daw. Obvious kaya! Kanina ka pa pilit ng pilit para samahan kita. Magiisip na naman ako ng idadahilan sa Kuya mo. Kung saang outing ba. Haha." 

I just rolled my eyes at him.

"Halika na nga at baka mas matatagalan pa tayo makaabot doon." Pagyakag ko sa kaniya at umuna na akong lumabas sa kanilang bahay.

 Sumakay na kami ng taxi at si Rell naman, kwento ng kwento sa date niya daw sa isang girl.

Kasi hindi alam ng Daddy at Kuya  ni Rell na siya ay isang 50/50 , mommy niya lang at yung ate niya ang nakakaalam pati na rin ako, si Kuya Nate at si Tristan. Kaya ayan si Rell pinag-aarange marriage ng kanyang ama. Kawawang Rell. Haha.

It took us hours bago makaabot ng Laguna. Mabuti at medyo mabilis magmaneho itong si Manong taxi driver.

" Hay naku, nakakastress ang biyaheng ito. Oh, nandito na tayo sa tapat ng bahay ng iyong Tristan, aalis na muna ako." Paalam niya sa akin. Saan naman kaya siya pupunta?

"At saan ka naman pupunta?" Pahabol na tanong ko habang hindi pa siya nakakalayo.

"Eh di sa tita ko ! Marami siyang gwapo at magagandang kapitbahay doon! I belong there! I-text mo na lang ako pag-uuwi na tayo. Huwag gagawa ng kabalaghan ah! Bye!" Hahabulin ko na sana at babatukan pero ang bilis tumakbo ng loko! 

*ding* *dong*

*ding* *dong*

*ding* *dong*

*ding* *dong*

*ding* *dong*

Ilang beses na akong nagdoorbell pero hindi pa rin binubuksan ang pintuan. Kaya nagtry kong inikot ang doorknob. Hindi pala nakalock. Hindi na nga nilock ang gate nakalimutan niya pang i-lock ang pintuan.

  Pumasok na ako, hindi pa rin nagbabago ang loob ng bahay niya. Hindi naman ito masyadong kalakihan na bahay.Kompleto ang gamit dito, kulay blue and white ang theme ng place niya.  Dalawa ang kwarto dito yung isa ay bakante kaya dun ako matutulog. Umakyat na ako sa second floor kung saan naroon ang dalawang kwarto at may isang mini living room din.

Ehhh! Bakit lock ang kwartong ito?! Ay, tanga niya! Ang main door at gate hindi ini-lock tapos itong guest room nakalock?

Kumatok ako sa kwarto niya ng tatlong beses pero wala naman sumagot. Makapasok nga sa kwarto niya. Wala naman akong gagawing masama!

*yawn*

Nakakapagod rin pala kayang magbiyahe. Natutulog pala siya, sa sofa na lang ako ng kwartong ito matutulog.

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon