EIIHM : Hurt Three

120 6 0
                                    

   

Naglalakad na lang muna ako.  Mamaya pa naman 5 pm matatapos si Tristan sa pagpapractice nila. 

Alas tres pa rin naman. Tingin lang ng tingin sa paligid hanggang sa sumagi sa isip ko ang lugar kung saan yun ang lagi kong takbuhan noon. Sa dati namin pinupuntahan ni Tristan at Rell noong mga bata pa kami.

Bakit kaya abandoned na itong playground na ito? Sayang naman. Peaceful pa naman sana dito. Noon marami pa ngang naglalaro dito. Umupo ako sa swing at inalala ko yung mga nangyari sa mga nakalipas na taon. Haha. Nang biglang tumunog yung cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha ko sa bulsa ko. I answered the call.

"Hello." sabi ng nasa kabilang linya. Si Tristan, boses pa lang niya kilala ko na. For sure nakitawag na naman to sa kateamate niya.

" Oh Tristan napatawag ka? Tapos na ba kayo?" Patuloy lang ako sa pagsi-swing habang ang cellphone ko ay inilagay ko sa tapat ng tenga ko.

" Yeah. Maaga kami natapos. Teka nasaan ka at pupuntahan kita?" Napangiti ako dahil mahihimigan mo ang pagaalala sa boses niya.

"Nandito ako sa playground, yung dating pinaglalaruan natin noon nung mga bata pa tayo. Huwag mo na akong puntahan dito. Antayin mo na lang ako sa labas ng gate ng school. After 10 mins nandyan na ako. Alam ko naman na maghahalf bath ka pa." Tumigil na ako sa pagsi-swing at nakaupo pa muna.

"Oh sige-sige ako na lang ang bahala sa bag mo. Ingat ka ah!" Tumayo na ako at naglakad sa sakayan ng tricycle. Sinulyapan ko ang relo ko sa left wrist ko, Its 4 pm. After 8 mins nandoon na ako sa labas ng gate ng school. Umupo muna ako sa may waiting area sa may gate. Mga 5 minutes lang naman akong nag-antay then nakita ko na si Tristan na papalabas ng campus si Tristan.

 Tinanong niya  ako kung matagal ba akong nagantay sa labas ng gate  habang binibigay niya sa akin ng bag ko. Para naman daw siya ay makabawi sa pagpapahintay sa akin ililibre niya ako ng kahit anong gusto ko. Iniwasan ko ang tingin niya at luminga linga na lang kunwari.

"Kwek-kwek! Yung kay manong diyan sa tapat! Yun na lang." Tinuro ko yung tindahan sa tapat ng school. Tumayo na ako at lumabas na kami sa gate then pumunta kami doon sa tapat nitong campus .

"Ano iyo iha?" Tanong sa akin ni Manong Kaloy na tindero ng mga street foods. " Kwek-kwek po tatlo. " Sabi ko habang nagthree sign sa daliri ko.

" Mauubos mo yung tatlo?" Tumingin siya sa akin na may halong pagtataka.

" Ay shunga! Akin yung dalaw iyo yung isa." sabay hampas ko pa ng kamay ko sa balikat niya. Hindi yun chansing ah! Haha.

" Akala ko naman kasi! Oh sige po yun po manong tapos 2 pong buko juice." Sabay abot niya sa bayad. Umupo muna kami ni Tristan sa may harap ng tindahan ni manong may upuan kasi dito eh. Bamboo chair siya eh. Pahaba kasi eh,hindi rin naman siya sagabal sa kalye kasi parang sa lupa siya sa tabi ng kalye, mga anim ang makakaupo dito.

" Alam mo iho swerte mo diyan sa girlpren mo. Inaantay ka pa niyan lagi pag may praktis kayo sa basketball. Mabait pa iho kasi noong isang araw tinulungan niya yung isang matandang babae na makatawid. Huwag mo na yang pakawalan iho." Binigay na agad ni Manong Kaloy yung orders namin. Touch naman ako sa sinabi ni Manong Kaloy kaso hindi ako yung girlfriend ni Tristan eh. 

" Ah eh hindi ko naman-" Pinutol ko na yung sinabi niya kaysa sa kaniya manggaling  mas masakit.

" Naku po manong eh hindi niya naman po ako girlfriend. Bestfriend niya lang po ako." Ngumiti ako kasi ang bitter ko .Haha.

"  Sayang naman kung ganoon iha. Bagay pa naman kayo nitong si gwapings." Bagay daw kami? Nanghinayang si Manong. I feel you manong.

" Nahiya naman po ako sa gwapings na tawag niyo sa akin manong. Sige po manong aalis na muna po kami. " 

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon