Wew. 1 hour an 30 mins ko na rin siyang hinihintay. Isang oras at kalahati na rin akong nakaupo at nakatunganga dito habang nag-iisip kung kumusta ba ang laro niya. Ang tagal naman niya. Hindi niya ba alam na hindi dapat pinag-aantay ang kaniyang girlfriend? Pinunasan ko yung pawis ko sa mukha gamit ang panyo kong kulay pink na may burda pa ng pangalan ko sa pinakagilid.
Nakakainis naman to eh. Ang tagal naman nilang matapos mag-practice eh. Tiningnan ko muna yung mineral bottle at napansin kong konti na lang pala ang naiwang tubig. Tinapik ko ng mahina ang balikat ng schoolmate ko na alam kong obsess sa mga nag-gwa-gwapuhang varsity members.
"Oi, pabantay naman ng mga gamit ko oh. Please." sabi ko sa kaniya sabay puppy eyes at paawa look. "Ayaw ko nga. Ginawa mo pa akong baggage counter ah!" Echosera naman tong babaeng ito. Pero try ulit ng try sa pangungulit na pabantayan muna ang gamit ko.
"Sige naman oh! Sandali lang talaga ako! " Nagdadalawang isip pa siyang tinitigan ako. Sige na pumayag ka na. Iniisip ko yun habang nakacross fingers pa .
"Sige na nga! Basta ilalakad mo ako sa crush ko ah!" Wow! May kapalit pa talaga. Sarap niyang pektusan ah!
"Oo naman! Sure!" Paninigurado ko sa kaniya pero ang totoo niyan as if naman na gagawin ko yun. Hindi ko nga kilala kung sino sa lahat lahat ng crush niya sa varsity teams ang gusto niyang magpalakad. Echos ko lang yun sa kaniya para pumayag siya.
Nagmadali na akong tumayo at tumakbo patungo sa drinking fountain sa labas ng gym, mabuti na lang at hindi mataas ang pila dito. Binilisan ko ang pagpuno ng tubig sa mineral bottle at agad na tumakbo ulit pabalik sa loob ng gym. Sa sobrang pagmamadali ko ay may nabangga pa akong lalake, ngayon ko lang siya nakita dito sa school. Nagsorry na lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpasok sa gym. Talo ko pa ang--
" Natalie! Nat!" Oh ayan, tapos na ata siya eh, nagmadali akong lumapit sa aking gwapong prinsipe habang nakangiti.
"Tagal mo ata ngayon Tristan?" tanong ko habang binibigay ko sa kaniya yung mineral bottle na pinunuan ko ng tubig kanina sa drinking fountain.
"Sorry, kasi kailangan talaga todo ang practice namin. Alam mo naman yun diba?" Oo nga naman. Siyempre, I need to understand him nga diba? Alam niyo naman, lagi kaming magkasama at nakakapagod na rin pag nagkakatampuhan kami at nag-aaway. Ganito naman talaga sa isang relationship diba?
"Ay! Teka nga pala nasaan si Mitch? Nahanap mo ba siya? Di niya kasi sinasagot yung mga tawag ko." Tss. Naalala niya pa yung bruhang yon? Paano ko naman malalaman kung nasaan yung Mitch na yun. Nandito kaya ako buong araw, pinanonood siyang magpractice at magtraining sa basketball.
"Ahh, hindi. Inikot ko na nga ang school pero hindi ko parin siya nakita." Totoo naman talaga na inikot ko yung school kanina pero hindi ko na hinanap yung bruhang yun. Bahala siya sa buhay niya.
"Ahh, ganun ba? Ok lang . I'll just gonna call her. Wait a second lang ha?" Naglakad siya papalapit sa girl na pinabantay ko ng bag namin ni Tristan, habang si girl naman ay nakatunganga lang, nakanganga pa. Tch. Kinuha lang ni Tristan ang bag niya at hinanap yung cellphone niya habang naglakad palabas ng gym.
May magagawa pa ba ako? Lagi na lang akong naghihintay diba? Lumapit ako kay girl na schoolmate habang nakatunganga pa rin ata siya, parang di makaget over. Eh kung sampalin ko kaya to para magising sa katotohanan? Tss. Kinuha ko na lang yung bag ko at ibang gamit ni Tristan. Lumapit ako sa may entrance gate ng gym at tinatanaw ko si Tristan habang tinatry niyang tawagan ang bruhang Mitch.
BINABASA MO ANG
Even if it hurts me (Weekly Updated)
Teen Fiction" I am always beside him. But he cant feel the way Im feeling towards him. He only see's me as his bestfriend. Then he proposed a deal. A deal that changed my whole life upside down." -Natalie Magbestfriends at magkababata si Tristan at Natali...