Where is Tristan? Tatlong araw ba naman hindi umuwi, ayon sa mga binalita sa akin ni Rell. Walang pasabi kung saan pumunta. Niloko na nga siya mag-eemote pa siya para dun?!
Matawagan nga uli, baka sakaling sagutin niya.
Dialing......
"The number you dialed is busy at the moment please try your call later"
toot..
Dialing..
"The number you dialed is busy at the moment please try your call later"
toot..
toot.
Pupunta na lang ako sa bahay nila at ba ka may clue doon! Lagi kasi yan nag-iiwan ng note sa kaniyang secret lalagyan sa kwarto niya. Shunga ko talaga! Ba't ngayon ko lang yun naalala? Ugh! Kainis naman!
__________
Nandito ako ngayon sa labas ng kanilang bahay at napansin ako ni Ate Xia kasi nagdidilig siya ng halaman.
Hindi ko pala nabanggit sa inyo na magpinsan si Ate Xia at si Tristan.
Ang aga ata naman natapos ang date nila ni Kuya? For sure nasa bahay na yun.
"Oh! Ikaw pala yan Nat. Pasok ka muna."
At dahil sa wala akong hiya, hindi na ako nagpaligoy ligoy pang pumasok.
"Ate, pwede po ba akong pumasok sa kwarto ni Tristan? May titingnan lang po ako." Sana naman payagan ako ni Ate.
"Ok. Pasok ka lang doon, kung nakalock tanungin mo lang si Manang Alicia. Teka sinabi ba ni Tristan kung kailan siya babalik? Sabi niya kasi before siya umalis papunta kay lola magtanong lang daw ako sayo kung kailan siya babalik?"
Naku ang idinahilan pa nang loko pupunta siya sa bahay ni lola, kakatawag ko nga lang kay lola sinabi niya wala doon si Tristan. Tsk.
"Bukas or the next day after tomorrow Ate. Sige Ate punta na ako sa room ni Tristan. May pinapakuha kasi sa akin."
Ngumiti lang siya at tumango sa akin. Pagpasok ko sa kwarto niya agad kong binuksan yung walk in closet niya. Sosyal siya noh, may walk in closet. Rich kid. Malinis rin sa gamit si Tristan, gusto niya ng organized lahat , ayaw niya ng makalat.
Pinuntahan ko yung sa may lalagyan niya ng mga sapatos at sa gilid may nausling pako at voila! Na-open ang isang secret lalagyan sa dingding sa may mga sapatos niya ng mga clues kung saan siya pumupunta. Ito rin si Tristan John Green ang peg! Paper Towns lang? Haha. May note na nakalagay.
"Hey best! I know you're worrying right now. Pupunta nga pala ako ng Laguna and doon muna ako magsstay for 2 weeks, I think.. Alam mo naman kung saan yung rest house namin diba?
- Tristan"
WTH? Laguna? Nasisiraan na talaga siya ng bait dahil lang nagbreak sila ng malanding babaeng yun. Ang sarap niyang i-untog sa pader! Yung makita yung taong mahal mo na nasasaktan dahil sa walang kwentang tao na mahal niya. Masakit. Hinihiling mo na ikaw na lang sana ang mahal in niya. Pero wala tayong magawa kasi yun yung tinitibok ng puso niya.
Umuwi muna ako at nag-impake. Tutal, nandito naman si Kuya. No choice siya dahil ako na naman ang gagala at magpapakaDora the Explorer. Yaya mode muna siya kay Hell. Inimpake ko lang yung pang 3 days na mga damit. Babalik rin naman kami agad.
Kami talaga ang ginamit ko dahil papauwiin ko na ang lalakeng iyon! Dapat magtagumpay ako sa mission na ito. Kaya mo ito Nat! Gora lang ng Gora!
Nag-iwan ako ng note sa refrigerator. Hindi ko na kinatok si Kuya na nasa kwarto niya at pati na rin si Hell. Isumbong pa lang ako ng batang yun. Nakow! Hindi ko talaga mapupuntahan ang emotero na si Tristan. Palusot dot com muna ako. Sana pagtakpan muna kami ni Rell.
_______________________
"Dad, Mom, Kuya, Hell o kung sino pa man ang nakatira sa bahay na ito. May outing kami nila Rell. 3 days lang. Bahala na akong umabsent sa praktis ng cheerdance. May pera pa naman ako, I'll be safe~"
-Nat''
__________________________
Tristan's POV
Im here at Laguna. I've been staying here for days. My dad bought me this house nung 14th birthday ko.
I can't believe na nagawa akong lokohin ni Mitch. Bakit ba kailangan niya akong lokohin? Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya ah.
I did everything then now what? All this time ginamit niya lang ako at two timer pala siya .
Ang pinakamasakit sa lahat ako yung third wheel o mas common na sabihing third party. I may be the coldest guy that you will notice pero I'm the sweetest guy when I am inlove sabi ni Nat. Its been days pero bakit wala pa dito si Nat , nag-iwan naman ako ng note sa secret vault message ng walk in closet ko? Ang slow talaga ng babaeng yun.
Kung inaakala niyo na baliw ako dahil sinasabi kong nagmamahal na ako kahit teenager pa lang ako?Nagkakamali kayo dahil ang pag-ibig, hindi mo naman yan mapipigilan kusa mo lang yan mararamdaman kahit hindi ka pa handang magmahal.
Tss. Ginamit niya lang pala ako para pagselosin yung boyfriend niyang nakipagcool off sa kaniya. Tapos nagkaayos ulit sila at ang sabi pa niya na hindi niya ako kayang hiwalayan kasi daw sikat ako.
Pcha! Minahal niya lang pala ang kasikatan ko. Mabuti pa si Nat walang inaalala tungkol sa lovelife niya. Ewan ko ba kay Nat hindi pa ata yan naiinlove eh? Hindi man lang nagkekwento sa akin ng crush niya o di kaya natitipuhan. Lesbi ata yung bestfriend ko. tsk. Sayang ganda nun!
Teka? Ano ba naman tong nangyayari sa akin. Epekto siguro to ng pagkabrokenhearted ko.
*yawn*
Pagod na ako sa kamumokmok, makatulog na nga muna.
BINABASA MO ANG
Even if it hurts me (Weekly Updated)
Teen Fiction" I am always beside him. But he cant feel the way Im feeling towards him. He only see's me as his bestfriend. Then he proposed a deal. A deal that changed my whole life upside down." -Natalie Magbestfriends at magkababata si Tristan at Natali...