EIIHM : Hurt Four

136 4 0
                                    



"Hi Ate! Saan ka galing? Alam mo bang 11 mins akong nagintay dito? Ano pa iniintay mo? Kunin mo na ang aking mga gamit! Wala na muna daw akong yaya kasi pinaalis ko na, hindi rin daw makatagal yun sa kagandahan ko." Gandang pambungad niya sa akin, utos agad, napakaspoiled talaga ng batang ito.

Paano na ngayon? Wala na siyang yaya, napakahangin pa rin pala niya. Liliparin na ata ako, kaya hindi nakakatagal ang mga yaya niya kasi lagi niyang minamalditahan. Tsk. Tingnan niyo na! MALDITA talaga itong pinsan ko.

"Pasensiya na. Eh kasi po kamahalan ako po'y nagsimba at namili ng aking mga gamit at damit. Kumain pa rin po kasi ako kasi gutom na gutom ako." I said sarcastically. 

Keh bata bata ang taray na. Natalo pa ako! Pagpasensiyahan na lang dahil masisira ang aking beauty sa kakaaway namin. Matawagan nga mamaya si Rell para may kakampi ako.

 Binuhat ko na ang mga gamit ni Hell. Naku kung di ko lang talaga to pinsan. At nagsmirk lang ang bruha! Kaya ayun matapos kong ma-i-akyat ang mga gamit ni Hell, bumaba ako at tinawagan si Rell para matulungan ako.

 Pagkatapos ng ilang minuto eh dumating na si Rell. Pinuntahan niya ang aking bruhang cousin. Eh mortal enemy sila. Sa anong magagawa ko?

"Hoy bruhildang kutong lupa! Huwag mong inaalila ang kaibigan kong shunga dahil ako lang ang pwedeng umalila sa kaniya!" bungad ni rell kay Heleina. 

Kaya pala niya ako pinagtatanggol kasi gusto niya akong maging alila niya! putch lang! Ang bait talaga ng kaibigan ko. Mapagmahal! At protective sa alila niyang kaibigan.

" Oh bwesita! At muli kang napadpad dito! Wala akong pakealam kung kaibigan mo ang alila ko! Actually pwede rin kitang maging alila ko. Hindi ako natatakot sa iyo. Mahaderang Bakla!" Grabe talaga ng bibig nito! Nanlalait pa talaga. 

Hinayaan ko lang silang magsagutan habang ako ay nakatayo sa may pintunng kwarto ni Hell. Simula nang mag-eight years old yan, dito na sa bahay iniiwan. Natrauma na kasi siya noon sa kanilang bahay kasi nanakawan sila at timing na sila lang ng yaya niya ang nandoon sa bahay nila. Mabuti at nakapagtago silang dalawa.

"Tse! Kung ikaw lang naman ang magiging amo ko eh huwag na lang!" sabi ni Rell at nagwalk out. Sinundan ko si Rell at pumasok siya sa kwarto ko. "Hoy bruha! Ba't dalawang linggo kang hindi nagpakita! Aba-aba at ngayon mo lang rin ako kinontak! Marami ka tuloy namiss."

Umupo siya sa kama ko. Hindi naman ganoon kalaki ang kwarto ko. King size bed lang dahil masyado daw akong malikot matulog. May dalawa ako malaking closet, isang shoe rack, at isang study table at may CR rin ako sa loob ng kwarto, actually lahat ng kwarto dito may CR, apat ang kwarto sa bahay may isang CR sa first floor. 

" Eh kasi pumunta ako ng province,nagsosoul searching. Joke lang. Ayaw akong palabasin ni kuya kasi lagi daw akong naglalakwatsa ." Alam naman niya na minsan ko lang talaga sinusuway ang mga bilin at utos ni Kuya.

"Alam mo ba na lagi ng nag-aaway si Tristan at ang girlfriend niyang mukhang puset?" Hindi naman yun magbabago, kasi sobrang demanding ni Mitch.

"Change topic na lang tayo!" Gusto kong ibahin ang usapan, ayaw ko munang isipin si Tristan at ang girlfriend niyang echoserang froglet.

"Che! uuwi na ako! Yun lang naman talaga ang i-chi-chika ko eh! Bye!" At ayun nga umalis na ang aking friend na baklush. Di pa naman talaga sobrang baklush yang si Rell. Trying hard pa yan. Tss. May reason kasi kung bakit siya naging ganyan.


Effective talagang panakot si Rell! 

Tama kaya yung ibinalita niya sa akin na nag-away si Mitch at si Tristan? Alam kong selfish ako kung sasabihin ko na masaya ako.

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon