" NAT!!!!!!!" *tok* *tok* *tok*
"NATALIE REINA!!!!!"
*tok* *tok*
*Crash*
"ANO BA YAN! KUYA! BINASAG MO ANG BINTANA KO! AHHHH!"
Nagising ako dahil sa ingay ng kuya ko. Kakainis pang sampung beses na to ah. Lagi na lang nababasag ang bintana ko. Sa susunod hindi na talaga yung ordinary na window glass ang ipapalagay. Bumaba na muna ako at binuksan ang bintana sa sala. Bahala si kuya dyan sa labas. Kainis naman. Bumaba na lang muna ako papuntang first floor.
"KUYA!" Dali-dali naman siyang pumunta sa harap ng bintana.
"Binasag mo pa talaga ang bintana ng kwarto ko! Wow ang galing mo talaga Kuya! Bilib na talaga ako sayo." Pumalakpak pa ako. Pampainis lang kay kuya.
"Hindi ka pa ba nasanay sa akin lil' sis.Huwag kang mag-alala papalitan ko naman yan ng bagong bintana." Hambog talaga! Tss. Mas malaki allowance niya kaysa akin.
"Gusto ko ng no ordinary na window , yung hindi nababasag pag binato mo ng bato. Pag- hindi yun yung nabili mo ipag-be-breakin ko kayo ni Ate Xia. Isusumbong talaga kita at hindi ka rin makakapasok dito sa loob ng bahay!" Blackmail ko sa kaniya lagi yung girlpren niya. Takot lang ni Kuya, nanuntok yung girlpren niya. Mabuti pa si Kuya happy ang lovelife. Tch.
"Eh mahal naman yang winiwish mo lil' sis. Mababawasan yung allowance ko niyan." Pacute pa talaga ang lalaking to.
"Tatawagan ko na si Ate Xia mamaya." Banta ko pa.
"Joke lang. Huwag ka naman ganyan. Promise lagi na akong mag-dadala ng susi!" Tinaas niya pa yung left hand niya. Nanliit ang mata ko na tinignan siya.
"Ngayon makakalusot ka sa akin, pero sa susunod hindi na."
"Peace na tayo. Pwede buksan mo na yung pintuan lil' sis? may date pa kasi kami ng ate Xia mo."
"Basta bukas. Yung bintana ko. Sasakalin talaga kita."
Binuksan ko na ang pintuan at dali-dali naman siyang pumunta sa kwarto niya. Matingnan nga ang orasan kung anong oras na.
6:30 pm.
Tagal ko rin palang nakatulog. Maya-maya bumaba na si kuya tapos nakaporma.
"Kuya anong nakain mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Heh! Huwag ka nga. Mga 11 pm na ata ako makakauwi atsaka sila mama at papa pala next week pa makakauwi. Magluto ka ng ulam mo dyan. Aalis na ako. Bye!"
Naiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay. Ano kaya ang lulutuin ko? What if mag-padeliver na lang kaya ako?
What you don't understand
I'd catch a grenade for ya
Throw my hand on a blade for ya
I'd jump in front of a train for ya
You know I'd do anything, Oooh, oh
I would go through all this pain,
Take a bullet straight through my brain,
yes, I would die for ya baby
But you won't do the same...
Sino naman kayang tumatawag?
*Calling*
BINABASA MO ANG
Even if it hurts me (Weekly Updated)
Teen Fiction" I am always beside him. But he cant feel the way Im feeling towards him. He only see's me as his bestfriend. Then he proposed a deal. A deal that changed my whole life upside down." -Natalie Magbestfriends at magkababata si Tristan at Natali...