EIIHM : Hurt Fourteen

75 4 1
                                    

- Championship-

 

Natalie's POV

 

      Hindi ko na matiis si Tristan.  Tama nga ang sinabi ni Rell kahapon na napakababaw ko. Kaya nga daw ako tinanong ni Tristan dahil pwede daw akong humindi o pumayag. Kaya  mamaya pagkatapos ng basketball championship at cheerdance competition, kakausapin ko na siya. 

 

      Bago umalis ng bahay ay binilinan ko si Hell na magpakabait sa pinsan ni Tristan. Siya pa rin kasi ang nagbabantay kay Hell. Lagi niya rin kasama si Damon. Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensiya ng pinsan ni Tristan at nakakatagal siya sa pag-aaway ng dalawang bata.  Sigawan dito, sigawan doon. Asaran dito, asaran doon tapos minsan nasasaktan na ni Hell si Damon ng pisikal. Lagi ko ngang pinagsasabihan pero wapakels ang maldita. 

 

    Pagdating ko ay sinalubong agad ako ni Maam Cass at sinabihan na magbihis na ng costume at magpamake-up agad.  Kulay blue ang top namin at makikita yung tiyan mo tapos miniskirt. Kailangan talaga na mag cyclings. Pagkatapos kong magbihis kaagad akong lumapit kay Ate Luna, memake-up-an na sana ako kaso biglasng sumingit si Mitch.

 

     "Excuse me, pero I believe na dapat mas mauna ang cheerleading captain."  Kahit gusto ko siyang sabunutan, mas pinili ko na lang ang mag-antay. Tatlo kasi ang nagmemake up sa amin kapag may competition. Si Ate Luna, Ate Rhea at Ate Mae. Mga college students na cheerleaders din noon nung highschool pa sila. 

 

     "Tss. Nauna sa iyo si Natalie kaya siya ang una kong me-make-up-an. Wala akong pakialam kung ikaw pa ang presidente ng eskwelahan ko."  Buti nga sa kaniya at napagsabihan ni Ate Luna. Akala niya ah! Nagtinginan naman sa amin yung mga ka-cheerleaders ko. Nandito kasi kami sa isang dressing room. 

 

 Mas lumapit sa amin si Mitch at hinead to foot look ba naman ako at bigla na lang siyang sumigaw.

 

   "Hindi pwede! Ako ang bida dapat ngayon kaya ako dapat ang mauna sa lahat!"Luh? Baliw ata ang babaeng ito.

 

   "Hayaan mo na yan ate. Paunahin ang feeling. " At lumabas muna ako sa dressing room. Ba ka mas lumala pa ang sagutan. Ayaw kong masira ang good mood ng mga kasama ko.

 

  After 15 mins. bumalik na ako sa loob. Tatlumpung minuto na lang at magsisimula na ang competition. Kailangan ko na talagang ma-make-up-an.  Kahit minadali ang pag-a-ayos ng ilan sa mga kasamahan ko , maganda naman ang resulta ng mga appearance namin. Mayamaya pa ay tinawag na kami ng  organizer at pinapwesto na sa backstage. Magready na daw kami dahil kami na ang susunod na magpeperform. Kinakabahan kami pero hindi namin pinahalata. Bago kami sumalang ay nagdasal muna kami as a group. 

 

    *Deep Sigh* Pumwesto na kami ng tawagin na kami ng announcer. Hindi ko muna inalala si Tristan habang nagsasayaw. Alam ko na nanonood siya. Hindi ko sigurado kung ako ba yung pinapanood niya o yung ex niyang si Mitch.

 

  Nung matapos na ang cheerleading. Nagproceed agad ang event sa basketball championship.

  Nanood ako ng laban nila Tristan. Minsan tumitingin tingin ako sa cellphone ko para mawala ang atensyon ko sa kaniya. Ba ka may makahalata na may gusto ako sa kaniya.

 

Nanalo sila Tristan sa laro. Naghigh five pa nga sila ng mga ka-teammates niya at siya rin ang MVP. Eversince elementary, achiever na si Tristan, mapa-non academic or academic activites. Minsan nga naisip ko kung pinagbibigyan niya lang ako kaya first ako at siya ang second sa academics.

 

  Pagkatapos i-announce ang pagkapanalo nila ay pinapunta lahat ng mga cheerleaders sa harap. Kahit hindi kami ang first place okay lang. We got the second place. Tumalon talon nga kami dahil masaya kami. Out of 15 schools nakakuha pa kami ng Second Place. Kontento na kami. Each one of us worked hard and we know that all of us gave our best.

 

   Naggroup hug kami pati ng basketball team ng school namin. Awkward nga kasi katapat ko si Tristan. Yumuko na lang ako.

 

     Ilan sandali pa nagbitiw na kami. Kaniya kaniya na ng mga grupo. Nilapitan agad ako ng mga kaibigan ko sa team. Si Aya at Thena. Nag-usap sandali hanggang sa siniko ako ni Aya. Ngumuso siya paharap.

  "Kanina pa nakatingin sa iyo si Tristan. Hindi mo ba lalapitan?"Hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Thena. Naglakad ako papalapit sa kaniya. This is it. Ngumiti siya sa akin.

   Nung makalapit na ako pansin ko na nakatingin pa rin siya sa nilakaran ko kanina. Tiningnan ko rin yung tiningnan niya.

  Akala ko. Akala ko ako yung tinitingnan niya kanina. Akala ko ako yung nginitian niya. Yung nasa likuran ko pala kanina. Si Mitch pala.

   Nabigla ako kasi may kahalikan na si Mitch na lalake. Binaling ko yung tingin ko kay Tristan at yung kaninang ngiti niya nawala na lang bigla. His eyes. They are so sad and glossy. Naiiyak siya pero alam ko na pinipigilan lang niya. Yumuko siya. Hindi niya ata pansin ang presensiya ko.

 

  Pumunta ako sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya. Napaangat ang ulo niya at salamat naman napansin niya na rin ako.

 

"N-nat. " Mahina niyang usal sa pangalan ko. Bakas ang sakit at pagkagulat sa kaniya.

 

I looked straight to his eyes. Hindi pa kailanman nasaktan ng sobra si Tristan. He was the type of a guy that was jolly and carefree. He freely does everything he wants to.

 

I hugged him. Hindi ko na hahayaan na masakatan pa siya ng ganito. Im his bestfriend. I love him not just like a friend. I want to be tge right girl for him. I will win his heart.

 

"Pumapayag na ako. Payag na akong maging Rebound mo. "

♥♥♥♥♥♥♥♥♥

 

Pumayag na si Natalie na maging Rebound ni Tristan.

Ano na ang magiging mangyari?

Ano ang magiging reaksyon ni Tristan tungkol sa sinabi ni Natalie?

Next week ako makakapag-update ulit! Pasukan na! At medyo gipit ako sa oras kasi nag-popolish na kami para sa Theatre Musical na kasali ako.

 

Anong masasabi niyo sa UD ko ngayon? Short lang muna for this chapter. I will post the next update after 5 votes!

 

Vote!

Comment!

Follow!

-ZammyShin

 

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon