I hugged him.
Hindi ko na hahayaan na masakatan pa siya ng ganito. Im his bestfriend. I love him not just like a friend. I want to be tge right girl for him. I will win his heart.
" Pumapayag na ako. Payag na akong maging Rebound mo. " Seryoso kong sinabi. Bigla niyang kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. Tiningnan niya ako at medyo lumayo ng kaunti. Hindi ba siya masaya? Diba ito naman ang gusto niya?
"No. Ano ba ang pinagsasabi mo Nat? " Hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi? I held his hands and he dragged me out of that crowded place. Pumunta kami sa likod ng gym.
"Diba? Yun naman ang gusto mo? Kaya heto na nga o. Pumapayag na ako na maging rebound mo." Napayuko siya habang ako ay nagpapaliwanag sa kaniya. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya.
"Hindi na. Nagbago na ang isip ko. Ayaw kitang gamitin." Tumingin siyang muli sa akin ng diretso sa mata. Paano na? Gusto ko lang naman siyang tulungan, okay lang sa akin kahit ako lang ang mag-isang nagmamahal.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Ayaw mo bang tulungan kita na makamove-on sa kaniya? Mas okay nga na ako ang maging rebound mo dahil magbestriends tayo. Masisigurado kong hindi ako ma-fo-fall sa iyo."
Binaling ko ang ulo ko sa ibang direksyon. Hindi. Hinding hindi talaga ako mahuhulog sa kaniya dahil matagal na akong nahulog sa kaniya.Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango siya kaya naplaingon ulit ako sa kaniya.
"Pumapayag na ako. Sana nga hindi ka mahulog sa akin. Bestfriend." Ngumiti siya na may halong pag alinlangan. Siguro habang buhay ko ng maitatago itong feelings ko para sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.
__________________________________
Rell's POV
Bakit biglang nawala sila Nat at Tristan?
Tss. Lalapitan ko na sana sila kaso nawala na lang sa paningin ko. Pinilit ko pa naman na humabol para suportahan sila tapos pagdating ko patapos na. Lalapitan ko na sana sila kaso biglang may kumpol ng mga tao ang dumaan sa harapan ko, hindi tuloy ako nakadaan.
Simula nang magkagirlfriend yang si Tristan hindi na niya nabibigyan ng oras yung pamilya niya at mga kaibigan. Laging Mitch lang ng Mitch. Nasusundo niya naman si Nat pero hindi pa rin sapat kasi sila nga ni Nat magkasama pero ang lagi niyang bukambibig ay ang pangalan ni Mitch. Napamanhid niya talaga.
Tss. Sayang naman pala pinunta ko dito. Hay! Napospone pa yung date ko ngayon. Pumayag na kasi ako kay Dad about sa pabor niya. Kailangan ko ng masimulan ang planong yun. Nagpatulong rin ako kay Kuya para makuha yung cellphone number nung girl. And what a coincidence kilala ko pala yung babaeng yun. Tch.
Flashback >>
"Rell, Dad needs your help. Pumayag ka na sa pabor na inaalok niya." Kanina pa ako naiirita sa paulit ulit na sinasabi ni Ate at Kuya. Twenty minutes ago ng makarating ako dito sa office ni Daddy, yan na ang binungad ng mga kapatid ko. Paulit ulit na lang. Hindi kaya madali ang gusto nilang ipagawa sa akin.
"Paulit-ulit naman kasi kayo. Hindi ko yan kaya." Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at lalabas na sana. Nakakarindi rin kasi tong mga kapatid ko. Hinawakan ko na yung door knob at binuksan ang pintuan.
"Good Afternoon President." Napaupo ng maayos ang mga kapatid ko. Nang marinig ko yung mga bati ng mga empleyado sa paligid ay napabalik ako sa inupuan ko kanina. Takot ko lang kay Dad.
"Mabuti naman at dumating ka. " Salubong ni Dad. Umupo siya sa swivel chair at tinalikuran ako. Tinatanaw niya yung view ng labas ng building ng kompanya niya. Tumahimik lang ang mga kapatid ko. Lahat ng gusto ni Dad dapat nasusunod. Hindi ko na siya mainitindihan.
"Dad-" Panimula ko sana pero biglang sumingit si Kuya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya dahil iniligtas niya ako sa galit at lupit ni Dad o maiinis at magagalit sa kaniya dahil sa mas malaking problemang ibinigay niya.
"Pumapayag na po si Rell! Hindi siya tatanggi. Sisimulan niya po mamaya." Hindi mo mababakas na nagsisinungaling siya. Tiningnan lang ako ni Ate at sinenyasan na manahimik na lang. Napayuko ako at hindi na alam ang gagawin.
______________________________________
Update!!!!! Super late Update!
Ano na ang gagawin ni Rell?
Anong masasabi niyo sa pagpayag ni Nat na maging Rebound?
Comment kayo guys!
-Zshin
BINABASA MO ANG
Even if it hurts me (Weekly Updated)
Teen Fiction" I am always beside him. But he cant feel the way Im feeling towards him. He only see's me as his bestfriend. Then he proposed a deal. A deal that changed my whole life upside down." -Natalie Magbestfriends at magkababata si Tristan at Natali...