EIIHM : Hurt Eight

102 5 5
                                    


Natalie's Pov


Hay. Salamat at natapos ko  na rin lutuin ang favorite ni Tristan na beef steak at adobo.

 Sana magustuhan niya ang niluto ko. Aayusin ko muna itong mesa.

Habang ako ay nagpeprepare nagpatugtog muna ako gamit ang aking mahiwagang Ipad. 

Sinabayan ko talaga ng pagkanta. Fineel ko ang moment at kumendeng kendeng pa.

Inimagine ko na ang hawak ko na baso ang mikropono.

Now Playing: Where are you


Does he even realize, I'm here

Where is he, where is he, where is he

Where is this beautiful guy

Who is he, who is he

Who's going to take me so high

Where is he, where is he

Where is this beautiful guy

Who is he, who is he

Who's going to take me so high~

"Huy!" Sabay sundot sa tagiliran ko.

*Bugsh* (Tunog po iyan ng nabasag na baso.)

"Ay pusong bato!"  Ano daw ang nasabi ko? Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Tristan ayun todo smile!

"Alam kong gwapo ka kaya ba pwedeng huwag mo ng ipangalandakan  pa! " Sarap sabihin niyan sa kaniya. 

"Hehe! Sorry!" Sorry sorry ka diyan! Pasalamat  ka at mahal kita! Nagpacute at nagpeace sign pa talaga siya. Tch. 

      Umupo na muna ako sa dining chair at ini-stop ko yung music. Kumuha na siya ng dustpan at walis tapos winalis niya yung nabasag na baso.

Alangan namang kainin niya diba? Pagkatapos niyang mag-walis, umupo na siya sa katapat ng upuan ko.

     

  "Feel na feel mo yung pagkanta mo kanina. May pa where is he where is he ka pa tapos pa pikit pikit pa ng mata! Haha. Mukha kang tanga kanina! Bwahaha!" Tawa pa siya ng tawa tapos yung dalawa niyang kamay nasa tiyan niya na. Tch

  "Sige. Tawa lang! Ganyan ka naman talaga. Atleast ako magaling kumanta! Bleh!"  Kala niya ah! Masyado talagang mapang-asar ang lalaking ito. Sarap hambalusin. Hambalusin ng pag-ibig ko!


    "Naku! Paano naman napunta ang usapan diyan? Tsamba mo lang yun noon Nat-Nat! Nung kinder nga tayo wala pa sa tono yung boses mo. Hindi ka nga nanalo sa contest noon sa school." Kung makawala sa tono naman siya wagas nga rin. Atleast ako maganda na ang boses tapos siya? Huwag mo na lang talagang pakantahin yan. Masisira ang eardrums mo . Nyahaha. 

     "Sa hindi pa talaga nadidiscover yung talent ko noon. Ikaw nga Tan-Tan akala mo naman kung sino ka? Atleast ako magaling sumayaw at kumanta.  Ikaw nga pinababa ni Ate Xia sa stage kasi talo ka na daw kahit hindi pa nagpeperform. Nyahahaha!"  Kakahiya kaya yun, yung hindi ka pa nga kumakanta tapos pababain ka na. Pati ate niya ayaw siyang pakantahin. Kumusta naman yun? 

Even if it hurts me (Weekly Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon