Author's note:
Sorry sa very very late update. Tatry kong taasan ang UD ko. Wihiiie!
---++++----
Natalie's PoV
*ding dong*
*ding dong*
Nagmadali agad akong bumaba galing sa kwarto ko,tinigil ko muna ang paglilinis, si Helleina naman ay nandoon pa rin sa kwarto niya. Nagsasoundtrip. 1:00 pm na pala at hindi pa pala kami nakapagtanghalian Tatawagin ko na nga lang siya pagkatapos kong asikasuhin yung nagdoor bell. Ba ka importanteng tao tong nagdo-door bell. Kanina kasi nagluto na lang ako at nagsimulang maglinis ng bahay para naman ibigay sa akin ni Kuya Nate yung allowance ko noh! Hindi ko hahayaan na mawala yung allowance nang dahil lang sa Helleinang Tiyanak na iyon! Tss.
Nagmadali akong lumabas sa pintuan at binuksan ang gate. Bumungad lang naman sa akin ang hindi inaasahang tao.
Si Maam Cass pala. Yung trainer at cheerdance club handler namin. Patay talaga ako nito! One week na kaya ako hindi nakapagpracticr ng routine namin. Hindi naman talaga ako magaling sumyaw eh.
"Hi maam! Pasok muna po kayo. Pasensiya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo na aabsent ako. Urgent po kasi yung pinuntahan ko."
Ngumiti ako. Ang plastic ng ngiti ko ngayon. Strict pa naman si Maam Cass pagdating sa practices. Ang seryoso talaga ng mukha ni Maam Cass. Maganda naman siya, pero bakit wala kaya itong boyfriend? Siguro dahil natatakot sa kaniya,suplada look kasi lagi siya.
"No thanks, nagmamadali ako. I just dropped by just to say that you are required to practice this Saturday dahil next thursday na ang championship ng basketball team ng school team. I know that you easily memorized the steps but we still have to polish the routines. Ok?" Straight to the point talaga si Maam Cass. Minsan nakakatakot lalo na pagBv siya pagpasok na pagpasok pa lang sa Gymnasium natatahimik na agad kami pag napapansin namin na may black aura na nakapaligid sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit natanggap ako sa cheerdance club. Hindi naman ako masyadong magaling sumayaw. Trying hard lang talaga. Haha.
Sumali lang naman talaga ako dahil kay Tristan. Nung first year high school pa kami,nalaman ko na magta-try outs siya sa basketball. Inasam asam ko talaga na maging cheerleader para lagi ko siyang makita.
"Ok po maam. Pasensiya na po ulit sa mga absenses ko sa practices. I'll cope up po." I assured her and noded. Convinced naman ata siya sa sinabi ko kaya umalis na lang si Maam Cass at sumakay na lang sa kaniyang mamahaling pink na kotse niya.
Pagkaalis kaagad ni Maam Cass ay bumalik na ako sa aking tungkulin. Ay! Hindi pa nga pala kami nakapaglunch ng tiyanak na si Helleina tapos mag-ka-quarter to two na. Nagmadali akong umakyat papuntang kwarto niya at kumatok ng kumatok.
Binuksan niya yung pintuan ng nakataas ang isang kilay at nakapameywang pa siya. Tss. Kung titingnan mo siya parang ang bait-bait dahil maganda. K. Pero ang taray magsalita at ang sarap putulan ng dila.
"Kakain na. " Bumaba na ako pagkatapos kong sabihin yun. Nakakapagod ng makipagtalo sa tiyanak na ito. Prepared na ang foods bago ko siya tinawag dahil ba ka magreklamo na naman yan tapos hahaba na naman ang usapan at ba ka di na naman kami makakain. Di kasi ako sanay ito yung makabonding ko, si Kuya Nate kasi ang laging nakaharap sa batang to. Kung magkikita naman kami around the house eh mag-iismiran lang.
Umupo na ako pagkatapos ko siyang tawagin. Uupo na rin sana siya pero may biglang nagdoorbell. Sino na naman kaya yun? Napahinto siya tapos nagtinginan kami. Ok. Tatayo na sana ako pero bigla na lang siyang naglakad palabas. Ayy? Nagmilagro bigla.
BINABASA MO ANG
Even if it hurts me (Weekly Updated)
Teen Fiction" I am always beside him. But he cant feel the way Im feeling towards him. He only see's me as his bestfriend. Then he proposed a deal. A deal that changed my whole life upside down." -Natalie Magbestfriends at magkababata si Tristan at Natali...