Perfect In Bad Part 1
Jea's POV
Canada.. Excatly 10:45 pm. Nakahiga ako sa kama. Nakatingin sa singsing na nasa daliri ko habang pinapatugtog ang "Time Machine". Tumutulo ang luha ko habang pinakikinggan 'yun. Sapol na sapol 'yung song sa'kin. Shit. Five years na ang lumipas pero hindi ko maalis alis ang singsing na 'to. Importante pa siya sa salitang importante. Kapag hinubad ko 'to feeling ko kinalimutan ko na rin lahat ng pinagsamahan namin ni Zean.
Pinilit kong pakiusapan nun ang lola niya para huwag dalhin si Zean sa London pero bigo ako hindi ito pumayag kahit si Tito Greg nun walang nagawa. Sige nga, paano ko siya ipaglaban? Paano ko ipapaalala sa kanya ang lahat kung inilayo siya sa'kin? Wala talaga akong karapatang sumaya. Naluka ako. Hindi ko akalain na mangyayari din sakin ang napapanood ko sa Kdrama. Sa lahat ba naman ako pa yung hindi niya matandaan. Ano ito sya si Junpyo? Bakit ako lang ang hindi niya maalala?! Sabi daw ng Doktor, masyado daw akong inisip ni Zean nang maaksidente siya kaya possible daw na ito ang dahilan kung bakit ako nakalimutan. Ang daya!
"Matagal rin tayong nagkasama butterfly ring miss na miss ko na ang nagbigay nito sa'kin." i sob.
Para akong tanga kinakausap ang singsing as if naman sasagot 'to. Tapos inaasar pa ako ng music parang tuwang tuwa nakikitang umiiyak ako. Tumayo ako. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Ang lamig. Tumingala ako sa langit.
"Lord, pakisabi naman po kay Zean miss na miss ko na siya." umiiyak kong sabi.
Dire-diretso ang pag-agos ng luha ko. Bumalik ako sa kama at kinuha 'yung cellphone ko tinignan ko 'yung mga picture namin together. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa luhang nakaharang sa mga mata ko. Zean, kamusta kana? Five years na ang nakalipas hindi mo parin ba ako naalala? Ang unfair mo naman eh sabi mo hahanapin mo ko. Ngayon ko kailangan ang mga sinabi mo. Kung alam mo lang kung gaano kahirap gumising sa umaga na hindi kita nakikita. Alam kong wala kang pangakong binitiwan sa'kin noon. Pero sinabi mong ako lang ang babaing mamahalin mo, sabi mo ako ang Angel mo. Until now pinanghahawakan ko parin ang sinabi mo. Niyakap ko ang cellphone ko saka humiga at umiyak nang umiyak. Sisingilin talaga kita limang taon na akong umiiyak at nasasaktan dahil sa'yo. Pinunasan ko ang luha ko ng may kumatok sa kwarto ko.
"Baby, pweding pumasok?" narinig kong tanong ni Papa.
Tumango ako, "Bukas po 'yan."
Pumasok si Papa. Nakangiti ito habang papalapit sa'kin. Napakunot noo ako sa envelop na hawak niya. Umupo siya sa kama ko tapos pinunasan ang luha ko. Nakakahiya, sa lahat nang ayoko ang makita ako ni Papa na umiiyak. Sinisisi niya kasi ang sarili niya dahil sa mga nangyari kaya as much as possible hindi ko ipinapakita sa kanya na nasasaktan ako.
"Do you want to see him?" Papa said, his voice shaky.
Napa-angat ako ng tingin, "Po?"
"Sabi ko, kung gusto mo ba siyang makita? Akala mo ba hindi ko alam.. gabi-gabi dumadaan ako sa kwarto mo naririnig kitang umiiyak alam mo ba kung gaano kasakit sa isang ama na makitang nasasaktan ang anak niya? Baby, doble ang sakit nun para sa isang magulang. Wala akong magawa para pangitiin ka." Sa sinabi ni Papa bumuhos na ang luha ko niyakap niya naman ako.
Humihikbi kong sabi, "Papa.."
Hinaplos niya ang buhok ko, "Nakausap ko ang Mama mo kahapon tinatanong niya kung kailan ka daw bibista sa kanila." bahagya niya akong nilayo tapos inabot ang envelop, "Nasa loob niyan ang passport at plane ticket mo approval mo nalang ang kailangan para sa pag-alis mo."
My father smiling widly. Hindi na ako magpapakaipokrita gusto kong umuwi sa Pilipinas dahil namimiss ko na si Mama, si Tito, ang mga kaibigan ko lalo na si Zean. Pinunasan ko ang luha ko tapos inabot ang envelop. Umiiyak na tumingin ako kay Papa. Gusto kong makita ang pagtutol niya pero wala does it mean gusto niya talaga akong umuwi?
"Paano po kayo?"
"Anong paano ako? Anak, five years din kitang nakasama sapat na siguro 'yon para payagan kang bumalik at harapin ulit siya. Magiging okay ako.." ginulo niya ang buhok ko, "Lagi mong tatandaan may bahay kang uuwian dito sa Canada."
Hindi ka magaling magsinungaling Papa. Nakangiti ka nga pero nasasaktan ka naman.
"Hindi mo ako mamimis?" pabiro kong tanong.
Umiling si Papa, "Hindi. nandito ang kapatid ko at ang pamangkin kong si Andrie hindi talaga kita mamimis."
Napalingon siya sa ibang direksyon at pasimpling nagpunas ng luha. Napangiti ako tapos sinundot si Papa sa tagiliran. Lulusot pa. Pabebe masyado itong si Papa.
"Eh bakit umiiyak ka?" i smirked.
"Humihikab ako. Inaantok na kasi ako eh. Sige na, simulan mo na ang pag-iimpake bukas na ang flight mo." tatayo na sana si Papa pero mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Thank you po papa." i sob.
"Take care Baby." papa pat my back.
"I will Pa." i nod.
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
HumorAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...