Perfect In Bad: Final Road

2.6K 62 4
                                    

Perfect In Bad: Final Road

Jea's POV

Malaya kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong upuan. I find myself super duper beautiful. Mas lalong maiinlove sa'kin si Zean kapag nakita ako. Ngumiti ako nang malawak. Ano kaya magiging reaksyon niya 'no?

Kinakabahan ako. Ganito nga siguro kapag ikakasal na. Bumibilis ang tibok ng puso at naluluha sa saya.

Nararamdaman ko na gustong lumaglag ang luha ko. Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong masira ang make-up ko. Pinaghirapan itong pinturahan ni Queency ang face ko para magmukha akong dyosa masasayang lang ng luha. Nag-hold back ako ng tears. Mamaya kana lumabas tears ha? Kapag nag-exchange na kami ng vows ni Zean.

Kumuha ako ng tissue. Slowly kong pinunasan ang namuong luha sa gilid ng mata ko. Pinunsan ko din ang kamay ko kanina pa ito pinagpapawisan.

Ano kaya ang ginagawa ng mokong na 'yon sa simbahan? Panigurado super gwapo niya gaya ng dati. Walang namang araw na panget ang isang 'yon eh.

OH MY GOD! Nenerbyos ako. Malakas ang aircon pero pinagpapawisan pa din ako. Tumayo ako. Nagpalakad lakad ako sa loob para mawala ang nerbyos ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito.

"Mama." Tumakbo ako palapit kay mama at niyakap siya nang mahigpit. "Ma, kinakabahan po ako. Yung tuhod ko nanginginig natatakot ako baka matapilok ako kapag naglakad na kami ni papa sa simbahan. Yung kamay ko po punong-puno ng pawis ayaw tumigil. Hindi po ako mapakali."

Sampong minuto na silang naunang pumunta sa simbahan maliban sa mama ko sinadya niyang nagpa-iwan gusto daw niya muna akong makausap bago ako ihatid ng driver sa simbahan. Dalawang oras na lang magsisimula na ang seremonya. Kaya halos manghina ako sa sobrang kaba.

Hinaplos ni mama ang likod ko. "Natural lang na kabahan ka halos lahat ng babaing kinakasal gano'n ang nararamdaman." Hinawakan ni mama ang pisngi ko. Nakita ko siyang lumuha. "Hindi ko akalain na magiging emosyonal ako sa araw na ito. Sabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak pero hindi ko mapigilan eh. Umaapaw ang kaligayan ko para sa'yo. Baby, Ikakasal ka na. Mapapalayo ka na naman uli sa amin. Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Ipangako mo kapag tumira na kayo sa iisang bahay kailangan madalas kang dumalaw sa bahay para hindi kita mamiss. At magchi-chikahan tayo tungkol sa mga asawa natin."

Wala na napaiyak na ako. Si mama kasi eh! Kung makapag-drama parang hindi na ako babalik.

"Ma! Ikakasal lang po ako hindi po ako ililibing h'wag kang umiyak nadadala ako sa'yo eh. Sige ka 'pag umiyak ka papanget ka niyan." natatawang sabi ko habang pinunasan ko ang luha niya. "Promise, dadalaw ako parati sa bahay. Gusto mo doon na lang kami tumira eh. Ay hindi pwede.. ang awkward no'n. Basta dadalaw ako parati."

Tumango si mama. "Be happy okay? Alam ko hindi ka sasaktan at pababayaan ni Zean. Napatanayan na nating lahat 'yon.."

"I will ma. Thank you." i hug her again.

Zean's POV

"Buong buo kong binigay ang kamay ng anak ko sa iyo kaya sana alangaan mo siya ng mabuti at huwag mo nang sasaktan ulit. Ikaw na ang bahala sa kanya. Intindihin mo lahat ng kakulitan at kabaliwan niya mahalin mo siya hanggang sa tumanda kayo sana h'wag kayong matulad sa'min ng mama niya. Kung magkakaproblema kayo huwag na huwag matutulog hanggat hindi pa nagkakaayos. Nagkakaintindihan ba tayo hijo?" Sabi ng papa ni Jea.

"Huwag po kayong mag-aalala Tito aalangan ko po at mamahalin ang anak niyo." Magalang na sagot ko. Kinamayan niya ako.

Tumawa siya. "Anong Tito? Papa na lang kasal na kayo ng anak ko manugang na kita."

"Okay po. Papa." Medyo naiilang na sabi ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "Mabuti naman. Madali ka pa lang kausap. Sige sa loob na muna ako maghihintay mukhang matatagalan pa siguro ang batang 'yon.."

Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon