Perfect In Bad Part 26
Jea's POV
Sa apat na oras kong pagtatambay sa kwarto at pagulong gulong sa kama. Mayamaya may biglang tumawag sa'kin pagtingin ko unknown number.
Sino kaya ito?
Bumangon ako.
"Hello." sabi ko as soon as masagot ko ang cellphone.
"Jea." That voice, pamilyar sa'kin.
Hindi ako pweding magkamali sa kanya ang boses na ito.
Bakit bigla siyang tumawag? Paano niya nalaman ang number ko? Ano na naman ba 'to?
Mas lalo akong natensyon at kinabahan dahil sa pagiging tahimik at matipid sa kabilang linya. Pakiramdam ko bawat paghinga ko bilang na bilang niya.
"Yes, whos this?" nagkunwari ako na hindi ko kilala ang kausap ko baka sakaling nagkamali ako.
"Lola ni Zean."
Biglang ako nanigas sa kinauupuan ko. Kinakabahan ako ng sobra sobra.
Anong kailangan niya? Bakit parang galit ang tuno ng boses niya? Actually, palagi naman eh kapag ako ang kausap niya.
Dumating na yung panahon na kinatatakutan ko. Ang harapin o kausapin ulit ang lola ni Zean.
"Bakit po?" nginginig kong tanong.
"We need to talk about Zean Pumunta ka sa coffee shop itetext ko sa'yo ang address doon tayo mag usap." ang cold at creepy ang boses niya sa tenga ko.
Bigla niyang binaba ang cellphone ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ano ang sasabihin nya tungkol kay Zean?
Posibling kayang nakarating na sa kanya ang balitang paghihiwalay ni Jeime at Zean. Malakas ang kutob kong may balak naman siyang paghiwalayan kami ni Zean. Ano pa ba ang magiging dahilan kung bakita siya nandito siya sa Pilipinas. Alam kaya ni Zean na nandito ang lola niya. Nagkita na ba sila? Ba't hindi ako sinabihan ni Zean? Ayaw ba niyang mag-alala ako? O di kaya kinausap niya si Zean para layuan ako at siya ang dahilan kung bakit ang cold ni Zean lately.
Ano na naman kaya ang ipangtatakot niya? Ako ba ulit ang gagawa ng paraan para tuluyan kaming magkalayo ni Zean. Ayoko ko nang maulit pa ang isang pagkakamaling halos limang taon kong pinagsisihan.
Nagbihis ako at pumunta sa sinabi niyang coffee shop. Walang tao sa loob kaya agad ko siyang nakita nakaupo sa dulo ng mesa naka business suit attire pa siya halatang nagmamadali siyang pumuta dito para kausapin ako ng personal tapos ang gloomy ng mukha niya. Habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan niya bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang gusto ko nang tumakbo palayo.
"Sit down." She looked at me so cold and emotionless mas kinabahan ako lalo.
Naka yuko ako hindi ko kayang titigan ang mata niya nakakatakot. Nanlilisik at parang gusto akong lamunin ng buo.
Tensyonado ka masyado Jea kumalma ka tao din siya gaya mo hindi ka niya sasaktan. Kung sakali man na gumawa siya ng hakbang maniwala ka sa kakayahan mo na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.
Nag-crossed legs niya. She sip the coffee then she glare on me. "Jea, i go direct to the point.. let him go."
Ine-expect ko na ang sinabi niya hindi na ako nagulat. Ito ang reason kaya niya ako pinapunta para sabihing hiwalayan ko si Zean. Pero hindi ko maiwasang magulat dahil sa pagiging determinado niyang paghihiwalay sa'min. Ba't hindi niya kayang tanggapin kung anong meron kami ng apo niya. Tinatanong ko sa sarili ko kung may diperensya ba ako at hindi ako kayang ngitian ng lola ni Zean ni-isang sagot wala akong mahanap kahit ako hindi ko alam. Oo, Mahirap paniwalaan at tanggapin ang sitwasyon namin ni Zean para sa iba imoral at nakakadiri sa lipunan pero diba mas madali kapag yung mga taong nasa paligid niyo tanggap kayo at ibibigay ang bleesing na dapat na para sa dalawang tao. Palagay ko ang dalawang salitang yan sapat na para maging matatag kami ni Zean at maging matapang sa mga mangyayari.
BINABASA MO ANG
Perfect In Bad book 2 [COMPLETED]
UmorismoAng istoryang ito ay karugtong ng Perfect In Bad book 1. Mas mainam po kung nabasa niyo ang book 1 para po maintindihan niyo ang book 2 pero kung gusto niyo itong basahin ikararangal ko po. Enjoy reading. :-) You can follow me in Instagram: @imshins...